The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Buhay Pinoy Expat files Party sa Alemanya, Pinoy style

Party sa Alemanya, Pinoy style

  

party_germany1Kapag nasa ibang bansa ka, kakaibang tradisyon siyempre ang makikita at mararanasan. Kasama na dito ang kakaibang pagkain.

Kaya naman kapag handaan na ang usapan, kakaiba din ang lahat. Pero pwede din namang yung tradisyong naranasan sa bansang Pilipinas ang gawin kapag may bisita, di ba?

 

Dito sa Alemanya, kapag may bisita kami? Iba-ibang klaseng handaan ang nangyayari. Nuong buhay pa ang aking mga biyenan, hindi pwedeng walang lasang Alemanya ang aming handa. Basta merong karne at patatas, o kaya naman karne at tinapay o kaya naman karne at pasta. E pero dahil nga may Pinay sa kusina, may dagdag na kanin ang lahat ng iyan.

partygermany3Nuong una kaming nag-imbita ng ka-pamilya para sa isang barbecue party sa aming hardin? Sabi ko sa asawa kong Aleman, dagdagan natin ang handa. Hindi lang steak at sausage at patatas ang ihawin kundi lagyan din natin ng barbecue sticks, Pinoy style.

Ang sarap yata ng barbecue natin, di ba? Kahit na medyo mahaba ang preparasyon para sa ating barbecue ay pinanindigan ko. Isang araw bago ang barbecue party ay hinanda ko na ang karne at tinimplahan ng marinadang tandang-tanda ko pa ang sahog. May sibuyas, paminta, 7-up, brown sugar, toyo, lemon (walang kalamansi e) at ketchup. Kinabukasan ay pinagtiyagan ko talagang itusok-tusok ang maliliit na karne sa sticks. Nilagyan ko din ang dulo ng sticks ng foil para hindi masunog.

At siyempre, ginawan ko rin sya ng pinakamasarap na sawsawan ng barbecue! Ang sahog: tinadtad na sibuyas, tinadtad na bawang, toyo, suka at lemon (wala ngang kalamansi dito e).

partygermany2

Kasabay nito, meron ding inihaw na kamote at mais. At pansit, dahil birthday party nga pala iyon. Naglabas din ako ng Pinoy-style na macaroni salad. Simple lang gawin. Ang kailangan lang ay haluin ang mga sangkap na macaroni noodles, pinya, konting mayonnaise, asin, at all-purpose cream. Palamigin ng konti para mas masarap. Huwag kalimutan, meron ding kanin!

Simpleng-simple ang inihanda kong pagkaing Pinoy. Kasi nga hindi ako tiyak na magugustuhan nila. Lalo pa at talagang hindi kumakain ang aking mga biyenan ng pagkaing hindi lasang Aleman.

Nung dumating na ang mga bisita, pinatikim ko agad ng sago at gulaman juice. Maraming yelo. Ang sarap daw, pero matamis para sa kanilang panlasa. E di binigyan ko din sila ng beer. Nung tinanong ko kung gusto nila ng yelo? Na-shock sila. Kasi daw, mawawala daw ang tunay na lasa ng beer kapag nilagyan ng tubig!

Natawa na lang sila nang sinabi kong sa Pilipinas ay parating may kasamang yelo ang pag-order ng beer! Siguro daw ay dahil mainit duon! Yun nga ba ang dahilan? Hindi ko alam.

Duon na nagsimula na ang barbecue party!

At dahil kakaiba ang hitsura at amoy ng barbecue sticks Pinoy-style, yun ang una nilang pinalatag sa ihawan. At ang bilis naubos! Bakit daw ang liit ng karne, dapat sa sunod daw lakihan para madali mabusog!

At ang sawsawan? Dinagdagan pa kamo nila ng siling labuyo dahil daw yun ang orihinal na lasa. Maanghang. Pero nasarapan din sila; ayaw nga lang daw nila ng amoy!

Kakaiba daw ang lasa ng macaroni salad dahil sa pinya. Ang pansit? Medyo-medyo lang daw ang lasa. Pero ang kamote at mais? Ubos din! Pati kanin, nasimot.

Siyempre meron ding panghimagas. Hindi ako marunong mag leche flan at di ko rin alam kung saan bibilhin ang sahog ng iba pang kakanin. Kaya gumawa ako ng sarili kong fruit salad.

Alam ko kasing hindi nila magugustuhan ang galing sa lata (kasi naman meron kaming malaking taniman nang mga nagbubungang puno ng iba’t ibang prutas). Kaya creative dessert ang aking ginawa – ang mga bagong aning prutas ang ginamit ko para sa aking fruit salad. Hindi ko rin nilagyan ng heavy cream. Dinagdagan ko lang ng ice cream at whipped cream sa tuktok. Hindi kasi sila mahilig sa mga super tamis. Kahit na ang cheese cake dito ay hindi pareho ng lasa ng mga sinful cheese cake sa atin sa Pilipinas!

Pagkatapos ng barbecue party? Meron ding Tupperware party! Binigyan ko din ng pabalot ang mga bisita. Binalot ko yung pansit na medyo-medyo daw ang lasa. Para sa bahay nila namnamin nang husto. At lahat sila binigyan ko ng isang supot na bigas. Sobrang sarap daw kasi ng kanin. E kasi sanay sila dun sa mga kanin na niluluto sa loob ng plastik.

Successful ang aking unang Pinoy-style party sa Alemanya. At sa mga sumunod na mga party kasama ang mga matagal na kaibigan? Inaantay na nilang maghanda kami ng putahe na hindi nila kilala. Exciting daw humarap sa aming hapag kainan dahil hindi nila alam kung anong handa ang nag-aantay sa kanila.

Number one request talaga nila ay yung kanin. Kahit anong gawin ko sa kanin – fried rice na kung ano-anong sahog, sahog na depende sa ani na gulay sa aming hardin --patok na patok!

partygermany4

Pangalawang gusto nila ay yung barbecue sticks. Pangatlo ay yung macaroni salad.

Minsang nagluto din kami ng tortang talong? Halos hindi ako nakatikim! Ibang klaseng luto daw iyon ng talong. At siyempre, may katapat ang goulash ng Alemanya. Ang Pinoy version nito ay ang ating menudo. Ang halos pinagkaiba lamang ay ang paggamit natin ng liver spread.

Hindi ko rin kinakalimutan na sa bawat handaan, parating may pakimkim sa mga bisita. Nakasanayan na e.

Kaya naman lahat yata ng plastic container na pwedeng gamitin ulit ay itinatago ko. Magagamit ko ang mga iyon sa susunod na party, Pinoy-style!

Yung mga kaibigan ng mga anak ko? Kapag naamoy nila ang aroma ng kanin sa loob ng bahay tuwing bibisita sila? Nagtatanong agad kung kelan sila pwedeng makikain sa amin!

Pero teka muna, hindi lang naman yung kanin ang Pinoy-style di ba? Kasama na rin ang magiliw na pakikitungo sa bisita. Kasama na rin dun ang siguraduhing busog ang mag bisita!

Kaya sa mga Pinoy nan asa ibang bansa -- handang Pinoy ang ihatag. Kakaibang experience ito sa mga banyaga at isang paraan din ito para i-promote ang ating kulturang Pinoy, ang panlasang Pinoy!

------------

Raquel Erhard blogs at Homeworked and Deutschland in Review.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Related articles :
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer