Sino si Dr. Hayden Kho? Ayon sa
Ultimate
Pinoy Hunks, si Dr. Kho ay isang Filipino doctor na nakapagtapos
sa Unibersidad ng Santo Tomas ng Faculty of Medicine and Surgery.
Naging isa siyang lisensyadong doktor sa Pilipinas nang maipasa niya
ang licensure examination noong 2007.
May taas na 6'2, may maamo at inosenteng mukha at mga matang nangungusap, nagmamay-ari si Dr. Kho ng katawang “pangromansa”, naging isang ramp model at tinaguriang isa sa pinakamainit na male celebrity. Naging popular siya dahil sa kanyang kontrobersyal na relasyon kay Dr. Vicky Belo, ang pamosong puno ng Belo Medical group. Si Belo ang sikat na multimillionaire na namamahala ng isa sa pinakamatagumpay na network ng mga cosmetic, dermatology at surgical clinic sa bansa.
May-December affair
Sa simula pa lamang ay hindi na sumasang-ayon ang marami sa pakikipagrelasyon ng kanilang nina Belo at Kho. Ngunit naiulat sa Pep.ph, na gusto lamang ni Hayden Kho na maging “prinsesa” niya ang doktora. Sya naman daw ang “hero”--ngunit parang pumangit ang fairy tale nilang dalawa.
Batay sa pag-uulat ng
Getitfromboy,
sumabog ang balitang natapos ang “mainit” na relasyong
Dr.Belo-Dr. Kho nang masabit ang pangalang Katrina Halili bilang
dahilan ng kanilang paghihiwalay. Katakut-takot na pagtatakip at
pag-iwas sa isyu ang sumunod na naganap. Subalit nang magkagipitan,
napilitang umamin si Dr. Kho na totoong may “namagitan” sa kanila
ni Halili subalit “it was just for fun” na malabis na ikinasama
ng loob ng huli. Ang sumunod na eksena ay ang mapait na pahayag ni
Halili na malabis siyang nasaktan at nainsulto sa mga salitang
binitawan ni Dr. Kho.
Golden rule
Sa isang pakikipanayam kay Dr. Kho sa Startalk na mapapanood sa Utube “inaayos” na raw niya ang kanyang buhay matapos ang kumalat na tsismis tungkol sa kanila ni Halili. Isa sa mga leksyong natutunan niya: “Kung gusto ninyong maglaro, makipaglaro kayo dun sa gustong makipaglaro otherwise hwag ninyong gawin” . Natutunan din daw niya kung paano ang tunay na magmahal matapos ang insidente. Higit sa lahat, alam niya at inaamin niya kung gaano kasakit, gaano kasama, gaano kababoy ang kanyang ginawa para sa pangkalahatan at hindi lang kay Halili.
Nasaan ang pangako mo, hirang?
Ginulantang kamakailan lamang ang buong Pilipinas nang magsalita si Halili laban kay Dr. Kho dahilan sa pagkalat ng kanilang sex video na kapwa nila pinabulaanan noong una. Sa gitna ng usap-usapan ay ilang tanong ang lumutang: Sino ang nagpakalat ng video? Sino ang dapat managot sa pangyayari? Lumabas sa GMA News, dapat na makulong si Dr. Kho dahil sa mga kumakalat na sex video ng una na kasama ang ibat ibang babae kabilang na si Halili. Kabila-kabila ang ibinabatong puna laban sa doktor.
Manyak, predator, bu-ang,
baliw si Dr. Kho
Ayon sa Inquirer, umuusok sa galit si Sen. Bong Revilla hingggil sa sex video na diumano ay kagagawan ni Dr. Kho. Aniya, “sobrang laswa at sobrang kababuyan at pagyuyurak sa dangal ng babae ang nilalaman ng video. Ayon pa sa senador, bukod sa video na kasama si Halili ay may dalawa pang magkaibang video na si Dr. Kho din diumano ang sangkot.
Humingi na ng tulong si Halili sa National Bureau of Investigation upang magsampa ng reklamo laban kay Dr. Kho dahil sa pagkalat ng kanilang sex video sa internet.
Samantala, inaantabayanan naman ang pahayag ni Dr. Kho at maging ni Dr. Belo kaugnay ng kontrobersya.
Ayon sa mga naglalabasang balita sa mga blog, kasama sa mga babaeng kinuhaan ng video ni Kho ay sina Vicki Belo, komedyanteng si Rufa Mae Quinto, artista ng 'I Love Betty La Fea' Maricar Reyes, at Brazilian commercial model Mariana del Rio.
Photo of David Archuleta by AJ Matela on flickr; licensed under Creative Commons License BY-NC-2.0.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









