Pagbigyan ninyo ang aking maikling listahan. Miss ko lang ang Pilipinas.
Gusto kong masilayan ulit ang Manila Bay sunset.
Matikman ang balut dahil hanggang penoy pa lang ako.
Akyatin ng Banawe Rice Terraces at mag-island hopping sa Palawan.
Makipaghabulan sa kabundukan ng Chocolate Hills at mag-diving sa dalampasigan ng Davao; mag-island hopping sa Hundred Islands at mag-uwi ng isang boteng buhangin galing Boracay.
Mag-shopping ng ukay-ukay mula sa Baguio at Manila. Makipagtawaran at makipagsiksikan sa mga palengke lalo na sa Divisoria at Baclaran.
Maligo sa ulan. Mag tampisaw sa baha. Makipag-agawan sa taxi. Makatulog sa loob ng air-conditioned bus. Sumabit sa punong-punong jeepney. At tumayo ang buhok sa sobrang bilis ng takbo ng tricycle.
Magtusok ng fishball kahit saang kanto, magtakal ng nilagang mani, sumawsaw ng kwek-kwek sa tamis-anghang na sarsa. (Sobrang miss ko na din ang luto ng ng nanay ko.)
Pumila sa mga isawan, gotohan, barbekyuhan, at ihawan. Mag-karaoke hanggang umaga.
Mawala sa Mega Mall o maki-sosyal sa Shangri-la Plaza, mag-ubos ng oras sa mga nakakakalat na SM City at pati na rin sa Trinoma.Mag-bar hopping sa Malate at mag-people watching sa Makati.
Tumingala sa fireworks sa Mall of Asia. Mag-food binge sa Ortigas. Mag-pa home order ng iba’t ibang klaseng pagkain. Balita ko may pizza na sisig ang flavor?
Manood ng sine at teatro. Makipagsiksikan sa LRT at MRT. Ma-upo ng kalahating pwet lang sa dyip. Makipag-patintero sa mga sasakyan habang tumatawid sa EDSA. Maligaw sa Recto at Quiapo.
Mag-bargain hunting sa Raon. Mag-hanap ng antiques at second hand na kung ano-ano sa Bangkal.
Manginain sa Jollibee at sa Joliboy. Pumila sa McDo at sa Mang Dom.
Makipag-gitgitan kapag Midnight Madness. Makigulo kahit na sobrang trapik kahit saan kapag Pasko. Manakot kapag Halloween at Araw ng mga Patay. At makakita ng simbahan na punong-puno kapag araw na may misa.
Dahil sa listang ito ay hindi ko na miss ang Pinas. Super miss na miss ko na sya.
Hindi simple ang maging malayo sa bayang sinilangan. Iba kasi ang lasa ng adobo sa Alemanya.
Photo: “Antipolo tricycles” by dodong flores, c/o Flickr. Some Rights Reserved
___
A former stay-at-home mom in Germany who loves to share her parenting and expat stories by blogging about them at Homeworked; Raquel Erhard is now back in the Philippines where she is a publisher of The International Filipino, a newspaper for overseas and migrant Pinoys; and has an advocacy to promote the Philippines as a tourism haven and is deep into creating a model community for retirement and healthcare of expatriates in the Philippines.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









