The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Buhay Pinoy Features Buhay OFW: Semana Santang patago, atbp.

Buhay OFW: Semana Santang patago, atbp.

UP_chapelNoong nakaraang dalawang linggo, dalawang beses din akong nagkasakit dahil marahil sa aking edad na pabata nang pabata (totoo ito; puwede kong patunayan).  Alam ninyo yun, kapag ang klima ay biglang-bigla na lang nagpapalit, sukat na lang lumalamig (10 - 15 degrees Centigrade) at pagkatapos ay bigla namang umiinit (30 - 40 degrees Centigrade), hindi na nakakapag-adjust agad ang bumabatang katawan.

In short, nawiwindang and mga defenses, nabubulabog ang mga organs at organisms na nasa loob ng katawan; kaya ang bagsak: sakit at ineksyon sa puwet.

Salamat na lang at may mga networking sites ngayon at nalaman ng buong mundo ang aking kalagayan sapagkat naisulat ko ito sa aking Plurk, Twitter at Facebook accounts.  Nakakatuwa naman, marami sa aking mga naging kaibigan ang nagparating ng mga mensahe na "be well, get well, don't dwell on your sickness" at kung ano-ano pang pakonsuelo na may taglay na salitang "well."

Bilang OFW, ang mga mensaheng ganito na may "well" ay nakakatulong para gumaling, lumakas agad, at makapag Internet ulit.

At dahil dyan, may nag-text: "Ingatan mo ang iyong sarili; uminom ng maraming tubig, huwag lason o alak ha? Bawal magkasakit kasi you are alone honey." At di pa papaawat,meron pa: "Dito napakainit rin dahil may el nino. Pebrero pa lang ngayon, papaano na kaya pag talagang summer na o pag Holy Week na?"

Nabanggit ko ang Mahal na Araw.  At naalala ko tuloy ang tanong sa akin ng isang kaibigan kong sarado Katoliko. Sarado Katoliko in the sense na talagang nagpapraktis siya ng kanyang Catholic faith. Nililinaw ko lang kasi baka isipin ninyong iba ang ibig ko sabihin.

Ang tanong nya sa akin: "Papaano ba ang Semana Santa sa lugar na kinaroroonan mo ngayon?" Ang sagot ko, bawal dito magpraktis ng ibang religious beliefs kasi nga ang bansang ito ay isang ultra-conservative Muslim country, ang batas nila ay iba din at ang mga namamahala ay solid sa kanilang pananampalaya. Alam na ninyo kung ano ang ibig kong sabihin. Kaya, kung gusto mong makulong at ma-deport, hala, di magpraktis ka openly ng iyong faith na iba sa kanila.

Dahil makulit ang kaibigan kong ito, may pahabol pang tanong: "Eh yung Semana Santa na patago, ginagawa din ba dyan?"

Tama siya, maraming mga Pinoy dito na ganoon -- patago ang pagpraktis ng kanilang Christian faith hindi lamang pag Semana Santa kundi sa pangaraw-araw na pangangailangang spiritual. Ang siste lang, kapag natunugan o may nagreklamo, siento porsyento, ang bagsak mo ay sa kalaboso.

At oo nga pala, naalala ko, dalawang beses pala akong naka-atttend ng religious service sa loob ng isang U.S. military base dito. Una ay noong Palm Sunday at sumunod naman ay noong Easter Sunday. Matagal na yun at di na nasundang muli. Ang pari ay Kano na marunong mag-Tagalog at mag-Bisaya. Di ko na inusisa kung bakit; basta isa syang certified na pari at sya ang chaplain sa naturang base ng Kano dito.

At dahil nga sa base militar ginagawa ang mga ito, hindi madali o simple ang pagsimba o pag-attend sa ganitong religious service. Tanda ko pa, ang kaibigan ko at ako ay kinailangang mag-biyahe nang mahigit na isang oras para lang makadalo. Pero bago ito, maraming mga protocols at requirements ang kailangan para makapasok.

Dapat may American serviceman na magi-isponsor sa 'yo.  Dapat din may isang-linggong abiso ang sponsor na ito. Napapaisip ako tuloy --  sa atin, nakatiwangwang ang mga simbahan pero marami pa rin ang di pumapasok. 'Kakatawa, ano?

Ganoon pa man, it was a worthwhile and memorable experience for me kasi yun lang ang pagkakataon sa buong buhay ko bilang OFW dito na makapagsimba at maka-attend ng Palm Sunday at Easter Sunday celebration.  And mind you, meron pang souvenir na pinamigay si Father sa mga dumalo.  For Easter Sunday, isang dahon (preserved or dried) ng isang halaman na ayon sa nakasulat sa maliit nyang box ay galing sa kung saan naroon ang harding  pinagdasalan ni Kristo. For Palm Sunday, isang piraso ng dahon ng isang uri ng palm tree na ginamit naman sa pagsalubong at pagpasok ni Kristo sa Jerusalem. O di ba --  precious!

Ay naku, humaba na ang kuwentong ito. Sana meron kayo naintindihan.

At bilang pagtatapos, meron lang ako gustong ipakiusap ngayong Lenten season, bukod sa inyong tungkulin sa simbahan gaya ng  fasting, abstinensya, pagdarasal, at pagsasakripisyo.

May I request you to please think hard and still harder whom you will vote for in the May 2010 elections. By voting well and wisely, by  selecting the best leaders, many OFWs  in this part of the world will have the chance to go home and be with their families sa Pinas. At di na tayo dadanas pa ng diskriminasyon o pang-aabuso sa ibang bansa.

Sana, ang masusing pag-aaral, pagsusuri at pagkilatis upang makapili ng tama sa darating na halalan ay isama ninyo bilang sakripisyo sa panahon ng Semana Santa.

Salamat po. Mabuhay ang Pinoy!


Photo: “UP Chapel (Diliman, Quezon City)” by Shubert Ciencia, c/o Flickr. Some Rights Reserved


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

ever 07 March 10, 09:37 PM
medyo napangiti ako sa dahil dyan at may nag text.:)
bro 08 March 10, 02:29 PM
medyo napaisip ako. oo nga ano, sa atin balewala lang ang maraming bagay.

Sana nga gawin ito ng karamihang pinoy - "Sana, ang masusing pag-aaral, pagsusuri at pagkilatis upang makapili ng tama sa darating na halalan ay isama ninyo bilang sakripisyo sa panahon ng Semana Santa."

UP n grad 08 March 10, 09:58 PM
I saw this in another blogsite and am wondering what OFW's would think if Pilipinas were to put an income tax.
---------------
A progressive income tax “table” on OFW income can be as follows. Zero-three-five.
+++ Zero if an OFW earned less than One Million Pesos yearly income.
+++ three percent on the portion of an OFW income in excess of one million pesos (for income between 1Million and 3Million pesos).
+++ P60,000 pesos plus five percent on the portion of an OFW income in excess of Three million pesos (for income over P3Million).
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer