The Philippine Online Chronicles

Thursday
Jul 29
Home Features Buhay Pinoy Features Ang iyong kapalaran sa Year of the Tiger

Ang iyong kapalaran sa Year of the Tiger

Photo: “Tiger! Tiger! Burning Bright” by David Snelling, c/o Flickr. Some Rights Reserved.Kung sa tinigin mo hindi sapat ang batid ng buwan ng iyong kapanganakan para sa ganap na pagpasok ng swerte, narito ang mga prediksyon para sa 2010 ayon sa Chinese zodiac na base sa taon ng iyong pagsilang.

Year of the Tiger (1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)

Magsisimulang matupad ang mga pinapangarap mo sa taong ito pero huwag hayaang umakyat ito sa iyong ulo. Mas mainam na ibahagi ang kaligayahang nararamdaman sa mga taong malalapit sa buhay mo. Isipin ang gustong makamit sa hinaharap at magplano nang maigi.

Year of the Rabbit (1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999)

Makakpag-relax ka sa taong ito. Ang pagiging organisado at determinado mo ang magdadala ng lubos na swerte sa iyo. Mag-ingat dahil may taong mag-aalok ng tulong para maabot mo ang iyong mga mithi pero bilang pagtugon sa kanilang pansariling interes.

Year of the Dragon (1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1972, 1988, 2000)

Magkakaroon ng biglang pagtatalo sa pagpasok ng 2010. Hindi mo ito inaasahan dahil naging maayos naman ang nakaraang taon. Hindi di rin makakatulong kung pati ng problema ng iba ay papasanin mo. Subukang kausapin ang pamilya at mga kaibigan tungkol dito. Isiping mabuti ang magiging mga desisyon. Anu't-ano pa man, buhay at kaligayahan mo ang nakasalalay kaya huwag magpadikta sa kahinaang-loob ng mga taong hindi ka naman lubusang kilala.

Year of the Snake (1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001)

Mas magiging sensitibo ka sa nararamdaman ng iba at ito ay makakabuti para sa magawa mo nang maayos ang mga plano mo para sa taon. Panatilihin ang atensyon sa mga nais maabot, subalit may darating na magpapatibok ng iyong puso. Alamin ang priorities sa buhay at magiging maayos ang lahat.

Year of the Horse (1906, 1918, 1930, 1942, 1954, 1964, 1978, 1990, 2002)

Panatilihin ang magandang relasyon sa pmailya at kaibigan. Ang mga payo nila ang tutulong sa iyo para sa maayos na pagpaplano ng iyong kinabukasan. Maging sensitibo sa aspeto ng pera at trabaho, dito ka makakakuha ng mga gantimpala sa kalagitnaan ng 2010.

Year of the Goat (1907, 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003)

Magsisimula ka ng isang bagong pagkakaabalahan. Asahan na hindi ito magiging madali pero marami kang mapupulot at malalaman tungkol sa iyong sarili. May mga tao kang matutulungan pero magdahan-dahan sa paglalabas ng pera, lalo na sa pagbili ng mga ari-arian. Isang maling hakbang at maaari mong dalhin ang resulta nito hanggang sa mga susunod na taon.

Year of the Monkey (1908, 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004)

Matatapos mo na rin ang mga naudlot na proyekto at gawain. Sa pakikipag-relasyon, laging subukan intindihin ang mahal sa buhay (kaibigan, pamilya, kasintahan) dahil mahihirapan kang ayusin ang magiging gusot kapag nagkataon. Magiging malubak ang daan sa taong ito pero huwag kang panghihinaan ng loob, gamitin ang lakas para malagpasan ang lahat ng ito.

Year of the Rooster (1909, 1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005)

May pamilya ka man o wala, ito ang taon para maglipat-bahay. Iwan ang suliranin ng nakaraang taon at magsimulang muli. Isang bagong oportunidad ang darating sa iyo pero mag-ingat sa mga taong nagpaplano ng hindi mabuti dahil sa inggit.

Year of the Dog (1910, 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006)

Ang pagiging positibo mo ang tutulong sa iyo para simulan nang tama ang 2010, pero maging maingat at disiplinahin ang sarili dahil maaaring ito ang magdulot ng iyong pagbagsak. Isang kasama sa pinapasukan ang pupuri sa taglay mong talento na matagal mong hindi napagtuunan ng pansin. Sumali sa mga social gatherings at dito mo maaaring makilala ang magiging kabiyak mo.

Year of the Pig (1911, 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007)

Anuman ang pinagkakagustan mo sa pagpasok ng 2010 ay mabuting ihinto mo muna. Hindi ito magbubunga tulad ng inaasahan mo. Magkakaroon ka rin ng dagdag responsibilidad at ekspektasyon mula sa mga katrabaho. Mag-ingat sa isang taong hihiram ng pera mula sa iyo. Malaki ang posibilidad na hindi na niya ito maibalik. Sa pagsasara ng taon mo mararamdaman ang bunga ng iyong trabaho.

Year of the Rat (1900, 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008)

Akma ang taong ito para lalong pagtibayin ang relasyon ng pamilya. Sila ang sandigan mo para sa mga darating na gawaing susubok sa iyong tatag. Iwasan ang mga taong sumpungin at madaling mabugnot. May kaibigan kang dadaan sa pagsubok na pangkalusugan.

Year of the Ox (1901, 1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)

Gawing gabay ang mga pangarap para simulan nang maganda ang iyong taon. Magkakaroon ka ng hindi pagkakaintindihan sa mga kapwa may matinding determinasyon pero dito mo matutunan ang kahalagahan ng respeto. Mahahanapan mo ng solusyon ang mga problema kung titingnan mo ang mga ito sa ibang pananaw.

 

* BABALA: Ang horoscope na ito ay para lamang sa aliw ng mambabasa, at maaaring hindi magkatotoo.


Photo: “Tiger! Tiger! Burning Bright” by David Snelling, c/o Flickr. Some Rights Reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

sadji 15 February 10, 12:52 PM
hindi naman totoo tong mga pinagsasabi dito na hula..
ijdas 16 February 10, 01:54 PM
^ HAHA!!! sakit sa tiyan.
lady mae 22 February 10, 02:57 PM
hi;;;;;;;;;;;;;;;;; yung nagbabasa ako akala ko totoo yun pala hindi hay nako ;nakaka inis naman ito oh'



hello;
immortal- girl 22 February 10, 03:00 PM
hi'''''''''''''''''' ALL of i like to meet u all;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;meet naman tayo [mga libran] sign;;;;;;;;;;;;;; hehehe;;;;;;;
immortal- girl 22 February 10, 03:02 PM
MGA cute anh mga libran;sign noh';;;; hehe
jaymhel 16 April 10, 12:18 PM
anuh....naman kaya are...22o...yer of therooster aqowh pero cnuh naman kaya ang maiingit xaken....jejejejejejejejejejejejejejejehhhhhh.......tingnan nah lang naten jjejejejejejejejejejejeh........
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer