The Philippine Online Chronicles

Thursday
Jul 29
Home Features Buhay Pinoy Features Nasaan na ang mga Komiks?

Nasaan na ang mga Komiks?

Komiks, komiks, komiks! / Photo by Dennis Villegas. Some rights reserved.Maraming beses na akong nakakatanggap ng mga tanong sa email kung saan daw ba maaaring bumili ng mga komiks? Sa palagay ko, ang mga taong nagtatanong nito ay matagal ng hindi nakakakita ng mga komiks na pinaaarkila sa mga tindahan o kaya ay sa mga bilihan ng dyaryo.

Matagal na kasing nalugi ang mga naglilimbag ng komiks kaya minabuti na lamang ng mga publishers na magsara na o kaya ay maglabas na lang ng mga pahayagang tabloid. At bakit naman sila nalugi? Hindi bat isang malaking industriya ang komiks sa Pilipinas?

Oo, pero ito ay noong mga panahon ng dekada singkwenta hanggang otsenta. Noong kasagsagan ng pagka-adik ng mga Pilipino sa komiks, napakaraming mga komiks ang mabibili mo kahit saang lugar: sa tindahan, sa palengke, sa harap ng simbahan, sa likod ng eskwelahan, at maging sa mga kalsada kung saan inilalako ang mga ito gaya ng mga pahayagan. Ang mga komiks ay may iba't ibang titulo: Hiwaga, Aliwan, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks, Holiday Shockers, Espesyal, Pinoy Komiks, Bwisheart, at mayroon ding mga Bomba Komiks tulad ng Dyagan, Topless, L na L at marami pa! Subalit ang lahat ng ito ay unti-unting nangawala sa mga pamilihan noong mga huling taon ng dekada nobenta. Sa kasalukuyan ay wala na ngang mabibiling mga komiks.

Ano ba talaga ang nangyari at nawala ang komiks sa Pilipinas? Maaaring mabigyan ng kasagutan ang tanong na ito kung magbabalik-tanaw tayo sa buhay ng mga Pilipino noong nakaraang apatnapung taon. Maaalalang ang komiks ay pinasimulan ni Ginoong Tony Velasquez sa lingguhang Liwayway sa kanyang obra-maestrang Kenkoy noong 1929. Noong 1946, makalipas ang digmaan ay inilathala ang Halakhak Komiks, at sumunod na rito ang mga komiks ng Ace Publications tulad ng Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks, Hiwaga, Espesyal at marami pang iba. Bagamat hindi nagtagumpay ang Halakhak Komiks (dahil na rin sa kakulangan ng pondo ng may-ari) ang mga komiks ng Ace na pag-aaari ng mayamang pamilyang Roces, ay tila "hot cake" kung bilhin ng mga tao. Mula noon ang lahat halos ay gustong maging pablisher ng komiks. Ganadong ganado kasi ang mga mamimili sa pagbabasa ng mga ito.

Naging sikat ang komiks dahil na rin sa kakulangan ng libangan sa tahanan noon: wala pang gaanong telebisyon at radyo, at ang sine ay bihira din. Kailangan pang lumuwas sa lungsod upang makapanood ng palabas. Ang komiks ay mura lang naman. Kung paghahambingin ang presyo, ang katumbas ng komiks ay gaya lamang sa presyo ng isang bote ng softdrinks o kaya ay minimum na pasahe sa Jeep. Kung kaya naman kayang-kaya ng mga Pilipino ang gumasta para makabili ng komiks. Bukod dito, maaari pa itong arkilahin na lang sa mas mababang halaga mula sa mga tindahan kung saan nakasampay ang mga komiks sa mga alambre. Maaari pang pagpasa-pasahan ng bawat miyembro ng pamilya ang pagbabasa nito habang inaarkila.

Subalit, sa pagpasok ng makabagong pamumuhay ng Pilipino ay nagbunsod rin ito ng pagbabago sa nakaugalian na. Dahil sa telebisyon at ang pagkakaroon ng mga "game shows" at mga tele-novela ay mas kinagiliwan ito ng mga Pilipino. Bukod dito, ang nakaaaliw na mga laro sa computer at paglabas ng maraming uri ng cellphone ay nakaapekto rin sa pagbaba ng bilang ng mga nagbabasa ng komiks. Sa bandang huli, ang komiks ay hindi na halos pinapansin ng tao. Tila nilalangaw na ang mga ito sa pamilihan kung kaya't unti-unting binawasan ng publisher ang mga mahuhusay na manunulat at dibuhista. Bunga nito, ang mga mambabasa ay wala nang maramdamang aliw na noon ay naidudulot ng mga komiks.

Kung dati ay maituturing na may mataas na kalidad ang komiks, unti-unti ay nasaksihan ang pagbulusok nito. Tuluyan nang nawalan ng gana ang noon ay tagasubaybay na kinalaunan ay nagresulta sa paglubog ng merkado nito. Sa mapait na kalagayang naganap ay tuluyan ng nagwakas ang masasayang araw ng noon ay tagumpay ng komiks.

Ang komiks ay kwento ng buhay. Isang makabuluhang sining. Ito ay sumasalamin sa ating kultura at sumasaklaw sa bawat damdamin, emosyon at pakikipaglaban ng bawat Pilipino. Sayang nga lamang at ang kinahantungan ng minsa'y nagbubunying kasikatan nito ay makikita na lamang bilang pambalot ng tuyo at tinapa sa mga palengke at kalsada.

Sa ngayon ay wala ng komiks na matatawag bukod sa mangilan-ngilang mga indie komiks (hango sa salitang independent dahil ito'y inilalathala lang ng isang tao o maliit na kumpanya), at halos ay tuwing kabilugan lang ng buwan kung lumabas ang mga ito.

Photo by Dennis Villegas. Some rights reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Gina Gambacorta 05 February 10, 12:31 AM
Isa ako sa mga adik sa komiks noon ;P May mga sinusubaybayan akong kwento. Actually, lahat kami sa bahay mahilig sa komiks. Halos lahat ng taong kilala ko, nagbabasa rin ng mga ito. At bakit nga ba hindi, talaga namang nakakaaliw. If my memory serves me right, I learned HOW to read because of komiks. I was probably 5 or 6 then. I would be reading slowly by syllable, hanggang sa naging pabilis ng pabilis. Noong high school naman ako, paborito kong writer /illustrator, si Vincent Kua Jr. of the Pokwang cartoon fame . Anybody else remember him?
zep 27 May 10, 08:46 PM
Ako mas gusto ko parin yung kultura dati mas aliw ako sa pagbabasa ng komiks kasi lalo na sa mga picture na talgang pinaghirapan at makikita mu talga dun kung anu ang emosyon na pinakikita ng manunulat at artist saka makaluma kasi akong tao kaya mas gusto ko parin na maibalik ang komiks at ibang kulturang nakasanay na natin nuun paman kasi mas mukhang masarap mahalin ang buhay dati kaysa ngayun, kasi mas makikita mu talga ung tunay na pagmamahal sa bansa, sa mismong sining ng bansa
zep 27 May 10, 09:02 PM
at kahit na 1986 aku nipangank parang reenkarneyshon ko na maibalik ang komiks mas aliw kasi akong magbasa ng aklat natin lalo na ung mga history dati, tulad ng mga alamat sci-fic, komedi, love, horor, at iba pang may humor, na sobrang makabuluhan, yung t.v at net parang nakaksawa na ksi parang wala kang nig***wa puro tingin kalang mas ok parin ung nagbabasa kasi kita mu na aliw ka sa nig***wa mu, kung manunuud kalang parang walang enjoy parang makakatulugan mulang na wala kang naaalala sa nipanuud mu kasi puro tingin, kalang e kung magbasaka at pag gising mu may maalala ka kasi naghirap kang magbasa, at pwede mu pang maikwento sa iba.......... mas type ku parin ung comiks sana maibalik na yung komiks natin... ang sarap magbasa ng komiks lalo na habng nagbabasa ka kumakain ka ng ayus at nadi madaling maubos ang nikakain mu" samantalang kapag nanuud ka ubos agad kasi... tingin kalang sa t.v o sa internet na nipapanuud mung movie... samantalang kapag nagbabasa ka ng komiks pagkatapos mung basahin may tira kapang foods, na pang miryenda......... hahahaha" nadi jokes yan ha peru wish kulang na maibalik na sa ating bansa ung komiks............. pls kasabay ng mga pocketbooks............ mas cool na colection ang mga comiks kaysa mag save ka sa flashdrive. na nikuha mulng sa net na nadi mu masasabi na koleksyon ba yun ksi nakasve lang sa flash drive.. saka nadi mu nmn mahawakan at matabi sa pagtulog.......... mas gusto ku komiks sana maibalik nayun' pls............ i need komiks..... basta paguwi ku pinsa un ang una kong hahanapin''''''''''''' sana makakita ako ng maraming komiks'""""""
zep 27 May 10, 09:09 PM
Pls... ibalik nyo na lahat ng komiks pls.......... mahal na mahal ko lahat ng mga manunulat sa komiks at mga artist.......... loves ko lalo pinas kapag naibalik ang komiks sana pag uwi ko sa pinas makahanap ako ng komiks............
ang kulit ko nadi sa nagmamakulit sayang gusto ko ng komiks kasi enjoy ako magbasa loves all ng humor na nilalamn ng komiks kasi nasa puso ang pagawa at sa tyaga nadi tulad sa net mag edit kalang.......... may picture naka at pwede nakang gawa istorya,, na parang pagbinsa mu walang wala,, sa mga talagng manual.. kung gumawa... may sapuso kasi lahat ng gumagawa ng komiks book... ndi nagiging tamad yung mga mambabasa........ kasi niiisaisa nila lhat ng bawat sabihin ng kwento............ basta i love komiks super.....
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer