The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Buhay Pinoy Features Malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Itim na Nazareno

Malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Itim na Nazareno

Black_Nazarene_processionMahigit sa 8 milyon na deboto ang inaasahan na makikilahok sa tradisyonal na prusisyon para sa Pista ng Itim na Nazareno o Black Nazarene sa Enero 9, 2012. Noong nakaraang taon, may natalang 7 hangang 7.5 milyong katao ang nakibahagi sa 5-km na prusisyon.

Ang Itim na Nazareno ay patron ng Quiapo, isang kilalang distrito sa Maynila. Ang pista ay ilang heneresyon ng ginagawa sa ating bansa.  Sa katunayan, ang Pista ng itim na Nazareno ay isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na relihiyosong pagdiriwang sa Pilipinas.

Taun-taon, ang Pista ng Itim na Nazareno ay dinadagsa ng milyun-milyong mga deboto mula sa iba’t ibang lugar at estado ng pamumuhay.  Ang okasyon na ito ay bukas para sa lahat at walang pinipili. May matanda at may bata, may lalaki at may babae, may mahirap at may mayaman, may sikat at may ordinaryong mga tao.  May mga banyaga din na nakikinuod at nakikilahok sa mga aktibidad. Maraming mga tao na pumupunta sa distrito ng Quiapo upang sumama sa prosisyon sa paniniwala na matutupad ang kanilang mga hiling at dasal at upang gampanan ang kanilang panata sa Panginoon.

 

Kasaysayan ng Itim na Nazareno

Ang imahe ay dinala sa Maynila ng unang grupo ng mga prayle na kasapi ng Augustinian Recollect noong Mayo 31, 1606. Bahagyang nasunog ang imahe nang nasunog ang barkong sinasakyan nito kaya kinilala ito bilang Itim na Nazareno. Kahit nasunog ang imahe, ito ay pinili pa din pangalagaan at bigyan ng kaukulang pagalang at parangal ng mga tao.  Ito ay inilagay sa unang Recollect na simbahan sa Bagumbayan (ngayon ay parte ng Rizal Park).

Makalipas ang dalawang taon, ang imahe ng Nazereno ay inilipat sa bagong gawa at mas malaking Recollect na simbahan sa loob ng Intramuros. Tinaguyod ng mga prayle ang debosyon sa paghihirap ni Hesus na niriprisenta ng imahe ng Nazareno.

Ang imahe ay muling inilipat noong 1787 sa simbahan ng Quiapo. Dalawang malaking sunog noong 1791 at 1929 ang sumira sa simbahan ng Quiapo ngunit hindi natupok ang imahe ng Nazareno.  Kahit malakas na mga lindol noong 1645 at 1863 at ang pagbomba sa Maynila noong 1945 ay hindi nagpatinag sa imahe.

Ngunit nitong 1998, isang replika ng orihinal ng Itim na Nazareno ang sinama sa prosisyon dahil sa mga natamo nitong sira sa mga nakalipas na prosisyon.  Ang orihinal na ulo at krus ay nananatili sa Altra Mayor ng Minor Basilica samantalang ang orihinal na katawan nito ay sinasama sa prosisyon.

 

Paghahandang ginawa

Ngayong tao, simula Enero 2, naging puspusan na ang paghahanda para sa malaking pista. Isa sa mga nanguna na tumulong ay ang Hijos de Nazareno, isang grupo ng mga boluntaryo at deboto.  Pinaghirapan nilang nilatag ang lubid na gagamitin para sa prusisyon. Sa unang pagkakataon, ang lubid na may karaniwang sukat na 51 metro ay babawasan ng 10 metro upang maging mas ligtas para sa mga tigahila nito. Ang pagbabago na ito ay hindi naman tinutulan ng mga deboto.

“OK naman na iksian dahil at least mapabilis ang takbo,” Sinabi ni Arnel Irasga, pinuno ng Hijos de Nazareno sa ABS-CBN News.

 

Prusisyon at debosyon

NazarenoAng skultura ng Poong Hesus na gawa sa kahoy ay pinaniniwalaan ng mga deboto na milagroso mula pa noong panahon ng ating mga ninuno. Ang popularidad ng Nazareno ay nagsimula sa mga probinsiya sa norte at silangan ng Luzon at kumalat sa ibang parte ng bansa sa paglipas ng panahon.

Ang katangi-tanging debosyon ng mga Filipino sa Itim na Nazareno ay tumanggap ng pahintulot at paghiyakat mula sa dalawang Santo Papa, sina Innocent X noong 1650  at Pius VII noong 19th na siglo. Binigyan ng indulhensiya ang mga taong mataimtim na nagdadasal sa imahe ng Itim na Nazareno.

Mahigit 200 taon na ang tradisyon ng pagpruprusisyon sa Itim ng Nazareno. Isinasakay ang imahe sa isang karosa tuwing sumasapit ang buwan ng Enero at sama-samang hinihila sa mga kalye ng Quiapo ng mga lalaking deboto na nakasuot ng maroon.  Marami sa mga sumasali sa prusisyon ang walang saplot sa paa. Ang pagyayapak sa prusisyon ay simbolo ng pagpapakumbaba.

Ang pagbubunyi ay nagsisimula sa pagbubukas ng higanteng mga pinto ng simbahan ng Quiapo at ang imahe ng Itim na Nazareno ay matatanaw.  Nagsisigawan ang mga deboto ng “Viva Señor” habang ang iba ay ikakaway ang kanilang mga tuwalya o panyo sa hangin kasama ang skriptura ng Itim na Nazareno.

Maraming nagsasabi na mayroong mga taong gumagaling sa kanilang mga sakit dahil sa paghawak sa Poong Nazareno. Ito marahil ang dahilan kung bakit napakadaming mga tao ang nais makalapit at makahawak sa imahe.  Taun-taon nananatiling pursigido ang mga tao na makalapit sa Nazareno kahit pa may angkop na panganib na masaktan o masugatan. Nakakalungkot dahil minsan, may namamatay sa pista. Noong 2010, mayroong 2 debotong namatay sa prusisyon ng Nazareno kung saan ang isa ay inatake sa puso at ang isa naman ay nahulog sa karwahe. Mayroon naman 246 katao ang nasaktan. Noong nakaraang taon, 708 katao ang natalang nasaktan sa prusisyon.

Marami sa mga deboto ang nagbabakasakaling makatangap ng kaunting biyaya o maliit na himala. Ayon sa pahayag ng Inquirer.net, may isang radio operator na nasa edad na 60s na nagpapatunay na milagrong nawala ang bara sa kanyang clogged artery matapos magdasal sa Itim na Nazareno. Siya ay nagpasya ng magdasal sa Nazareno pagkatapos niyang malaman na kailangan niyang sumailalim sa isang mahal na bypass surgery. Pinakinggan ang kanyang hiling at siya ay milagrong gumaling.

May mga deboto din na naghahagis ng tuwalya o panyo sa mga taong nakasakay sa karwahe ng imahen. Ang mga tuwalya o panyo ay sinasalo at ipinapahid sa Nazareno at tinatapon pabalik. Ang tuwalya o panyong napahid sa Nazareno ay pinapaniwalaang may dalang kapangyarihan. Ipinapahid ito ng mga tao sa kanilang sarili at mahal sa buhay upang mapagaling sa kanilang mga sakit at mabiyayaan ng mahaba at payapang buhay, mabuting samahan sa pamilya, proteksyon sa mga kalamidad, kasaganahan, kasiyahan at pagmamahalan.

Hindi inaalintala ng mga tao ang sakit sa pangangatawan basta lamang maipakita ang kanilang debosyon sa Itim na Nazareno.  Ang taunang prusisyon ay nagsisimula sa Quirino Grandstand at nagtatapos sa Quiapo Church.

 

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

 

Kakambal na trapik

Kakambal na ng pista ang trapik at ang rerouting sa mga piling lugar.  Ayon sa ABS-CBN News, pinapaalalahanan ang mga motorista sa mabigat na trapik sa Maynila sa Lunes, Enero 9, 2012 dahil sa dami ng mga deboto na makikiisa sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon sa mga organizers, ibabalik ang tradisyonal na rota ng Nazareno, dahil sa mataas na bilang ng mga nasaktan nang binago ang rota noong nakaraang taon. Sumanguni sa pahinang ito ng ABS-CBN News para sa listahan ng mga lugar sa Maynila na maaapektuhan ng rerouting schemes at mga lugar na pansamantalang isasara.

Magpapakalat ng 1,600 na mga pulis at boluntaryo upang tumulong na panatiliing maayos at mapayapa ang okasyon.

 

Photos: “The Black Nazarene II” by Constantine Agustin, c/o Flickr. Some Rights Reserved; “Preview” by denvie balidoy, c/o Flickr. Some Rights Reserved.

Video: “Blending myself into the Black Nazarene Procession 2011” c/o Youtube.

-----------------------------

Rachel Yapchiongco, also known as Rach to her friends, is a Psychology and Marketing Management graduate of De La Salle University.  She took up MBA at the same university.  Rachel is a full-time mom to a charming young boy and married to an entrepreneur with a passion for cooking. She shares parenting experiences and slices of everyday life on her personal blog called Heart of Rachel.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer