“Gago!” sagot ni Bea.
Nagulat ako sa iyo,” sabi ni Bea nang
papauwi na silang mag-asawa. “Akala ko, napilitan ka lang. Iyon pala, kapag nasimulan mo, grabe ka.”
“Gumanti lang ako sa ginawa mo sa amin,” sagot ni Mikael. “You’re so cruel. Pinaasa mo ‘yong mga empleyado pagkatapos panay bading pala ang mga dancers na ‘yon.”
Tawa nang tawa si Bea.
“Mga sexy naman, a,” sabi niya. “Ang gaganda pa. Sulit na rin kayo.”
“Hindi naman ako na-excite sa kanila,” sabi ni Mikael. “Sa simula pa lang, pakiramdam ko na, there’s something wrong somewhere. Alam ko kasi na hindi ka magpapadala ng sexy dancer para magsayaw sa harap ko, the same way na hinding-hindi ako papayag na may macho dancer na sasayaw sa harap mo.”
“Ows? Bakit naman?” nakatawang tanong ni Bea.
“Dahil ako lang dapat ang pwedeng gumawa n’on,” sagot ni Mikael.
“Pwedeng-pwede ka nga,” tumatawa uli na tango ni Bea. “Kaya lang binigyan mo naman ng free show ang mga empleyada mo.”
“Nagselos ka?” kantyaw ni Mikael.
“Yabang!” sagot ni Bea.
Nasa ganoon silang mood hanggang makapanhik sa kanilang kwarto.
“May utang ka sa akin,” sabi ni Mikael. “Sinayawan kita kanina pero hindi mo pa ako sinasayawan. Ang gusto ko, private dance. Dinaya mo ako sa ipinadala mong bading na dancers kaya ikaw ngayon ang dapat magbayad. You owe me a show.”
Nagpatugtog ito ng dance music. Sexy ang beat. Pagkatapos, naupo ito sa kama nang nakasandal sa headboard.
“The party’s not over yet,” sabi nito. “It’s your turn. Huwag mo sabihing mas magaling pa sa iyo iyong mga bading.”
Umirap si Bea. “Of course not.”
“Then show me,” hamon ni Mikael.
Naalala niya kung paano siya nito sinayawan kanina. Kahit nasa kalagitnaan sila ng maraming tao, sa kanya nakatutok ang mga mata ni Mikael. Kahit nagpapaka-game lang ito sa mga empleyada, totoong sexy ang pagsayaw nito sa harapan niya at paikut-ikot sa kanya. Aba, kaya rin niyang tapatan iyon. Lalo pa’t wala namang ibang nakakakita.
Nagsimulang sumayaw si Bea. Iyong tipo ng sayaw na hindi niya ginagawa sa labas. Iyong tipo ng sayaw na sa mga pantasya lang niya ginagawa. Lalo siyang nawalan ng inhibisyon nang makita niya ang epekto ng kanyang ginagawa sa mukha ni Mikael. Nagiging napaka-intense ng pagkakatitig nito sa kanya.
“Strip for me,” utos nito.
Tumalima siya. Isinama niya sa kanyang pagsasayaw ang isa-isang pag-aalis ng kasuotan. Akala niya, kapag hubad na siya’y hihilahin na siya ng asawa sa higaan. Pero hindi. Patuloy siyang pinagsayaw nito. Pinagpapasasaan ng mga mata ang kanyang kahubdan.
Nakita niya sa mga mata ni Mikael ang pagpipigil. Parang sinasadya nitong patagalin pa ang kanilang antisipasyon.
Napangiti nang pilya si Bea. Habang patuloy na nagsasayaw, nagsimulang gumala ang kanyang mga kamay sa sariling katawan. Sinimulan niyang gawin sa sarili ang mga ginagawa sa kanya ni Mikael. Nakita nga niyang napasinghap ito. Napaupo nang diretso. Itinuloy niya ang ginagawa. Hanggang sa kusang mapapikit ang kanyang mga mata.
Naramdaman niyang niyakap siya ni Mikael.
“I should be doing that for you,” sabi nitong pinapangko siya patungo sa kama.
“Ang tagal mo kasi, e,” pilyang sagot ni Bea.
Higit na naging mapusok sila nang gabing iyon. Parehong agresibo. Parehong walang pagkasawa sa isa’t isa.
Minsang nagpapahinga, hindi napigilan ni Bea na sabihin ang bumubulwak sa kanyang damdamin.
“Salamat at pinagbigyan mo ako at ang mga empleyado mo. Kita mo na, hindi ka naman talaga suplado. Akala ng marami, arogante ka. Thank you for showing them your real nature.”
“Ikaw lang ang nakapagpagawa sa akin ng ganoon,” sagot ni Mikael. “Thank you for bringing out the best in me.”
Dahil kapwa naging emosyonal, naging simula na naman iyon ng isa pang mahabang pagniniig.
Tinanghali nang gising ang mag-asawa. Araw naman kasi ng Linggo. Pagbaba nila para mag-almusal, hinihintay na sila ni Don Benigno.
“I have the best news!” nagliliwanag ang mukhang sabi nito. “Tumawag sa akin ang French embassy. Nahuli na ang mga nanloko sa atin. Sa Barcelona sila na-pick-up. Nagtangka na naman kasi na mang-swindle.”
Halos magtatalon si Bea sa tuwa. “Nakakulong na sila? May sapat bang ebidensya? Magagamit ba ang ebidensya natin? Pwede tayong mag-testify kung kinakailangan.”
Hindi siya magkandatuto.
“Ang mahalaga, maibabalik ba ang perang tinangay nila?” tanong ni Mikael.
Tumango nang tumango si Don Benigno.
“That’s the best news of all. Maibabalik ang lahat ng nakuha nila sa atin. Confiscated ang funds nila and there’s more than enough to cover us. Kumpleto naman ang documentation natin at matagal nang nai-submit sa French authorities kaya inaayos na nila.”
“Yes!” sigaw ni Bea na nagtataas-kamao.
Tawa nang tawa si Don Benigno habang nagtataas naman ng tasa ng kape. Pagkatapos, bigla nitong nabitiwan ang tasa. Bumagsak iyon sa sahig. Basag.
“Papa!” sigaw ni Bea.
Sapo ni Don Benigno ang ulo nito. Parang gulat.
“Kotse!” sigaw agad ni Mikael sa mga kasambahay. “Ang susi ng kotse!”
Tumatawag na rin ito sa cellphone sa doktor ng matanda.
Si Bea, nakayakap na sa ama. “Papa!”
Hindi na makasagot si Don Benigno. Basta parang naupos na lang na parang kandila.
“Doc, inatake si Papa. Tuloy na kami sa ospital,” sabi ni Mikael sa cellphone bago tinangkang buhatin ang wala nang ulirat na biyenan.
Agad siyang tinulungan ng mga lalaki nilang kasambahay. Binuhat ang matanda patungo sa sasakyan. Sumama na rin ang mga ito. Driver na ang pinagmaneho ni Mikael. Nanatili ito sa tabi ni Bea sa likod ng sasakyan, sa tabi ng matanda.
“Hang on, Papa,” umiiyak na paulit-ulit na sabi ni Bea. “Don’t leave. Please.”
Nakayakap sa kanya si Mikael. Patuloy siyang hinihimas sa likod habang inaalalayan ang ulo ng kanyang ama.
Pagtingin niya kay Mikael, hilam din sa luha ang mukha nito.
“He knows we’re here,” sabi nito. “That will sustain him.”
Pagdating sa ospital, idiniretso sa emergency room si Don Benigno. Hindi na sila pinasama ng medical staff. Iyak na lang nang iyak si Bea sa mga bisig ni Mikael.
“Bakit ngayon pa?” himutok niya. “Kung kailan may maganda nang balita.”
“Masyado siguro siyang natuwa,” sabi ni Mikael. “Pero hindi ba, maayos naman daw ang kanyang puso?”
“Hindi ko nga maintindihan,” iling ni Bea.
Si Dr. Solis ang nagpaliwanag sa kanila nang sabihin nitong inilipat na sa ICU si Don Benigno.
“We didn’t see it coming,” amin nito. “Wala siyang heart disease. Walang alta presyon. And he was recovering smoothly from the accident. Ang nakadale sa kanya ngayon, ugat sa brain na pumutok. It could be an aneurysm.”
“Ano’ng mangyayari kay Papa?” tanong ni Bea.
“We’re doing everything possible pero depende iyon sa katawan niya,” sagot ng doktor. “As of now, he’s comatose again. Ipagdasal nating hindi magtagal dahil habang nagtatagal ay lumalaki ang possibility ng brain damage. If he wakes up soon, posible pa rin siyang mag-recover nang almost normal. Baka mangailangan lang ng physical therapy dahil posibleng magkaroon ng semi-paralysis sa ilang bahagi ng katawan. Pero that’s treatable. Ang mahirap ay kung hindi siya magising.”
Lalong naiyak si Bea sa dibdib ni Mikael.
Wala silang maaaring gawin kung hindi ang maghintay. Naroon sila sa sulok ng hospital corridor, sa labas ng ICU, nag-aabang.
Sa unang mga oras, walang ibang laman ang isip ni Bea kung hindi ang pag-recover ng kanyang ama. Full recovery.
Habang tumatakbo ang mga oras, unti-unti na niyang nakikita ang mga posibilidad. Paano kung hindi na magising ang kanyang Papa? O kung magising man pero gulay na? Kung hindi na niya makausap kailanman na tulad nang dati? Muli siyang napahagulgol.
“Don’t leave me, Papa,” sabi niya. “Huwag mo akong iwan na mag-isa.”
Naisip na rin kasi niya, ngayong maibabalik na ang nawalang pondo ng kumpanya, wala na siyang dahilan para itali pa sa kanilang kasal si Mikael. Lalo na sakaling mawala ang kanyang Papa o manatiling comatose nang pangmatagalan. Wala nang dahilan para ipagpatuloy nila ni Mikael ang kanilang marriage of convenience. Samakatuwid, kapag hindi nag-recover ang kanyang Papa, talagang mag-iisa na lang si Bea.
Magugunaw na yata ang buong mundo para sa kanya. Sana, siya na lang ang kinuha. Parang sasabog na ang dibdib ni Bea sa pag-iyak.
Niyakap uli siya ni Mikael. Mahigpit. Patalikod sa corridor.
“Hindi ka mag-iisa,” sabi nito. “Nandito ako.”
Tiningala niya ito. Kailangang harapin na niya ang katotohanan.
“Maraming salamat, Mikael. Sobra-sobra na ang tulong mo sa amin. Alam kong mahal na mahal mo rin si Papa at bukal sa kalooban mo ang lahat ng iyon. Pero kapag may nangyari sa kanya, malaya ka na. Pwede mo nang ipawalang-bisa ang kasal natin. Hindi mo na ako kargo. That would be unfair to you.”
Nakita niyang gumuhit ang parang panic sa mukha nito.
“Bea, no. Please. Huwag mo munang putulin ang lahat. Let me help you through this. Bigyan mo ako ng kahit konti pang panahon para maipadama sa iyo ang nararamdaman ko. Hindi mo pa ba nakikita o nararamdaman? I love you. Mahal na mahal na mahal kita. I was hoping you’d grow to love me, too.”
Napamaang siya rito.
“I’m sorry,” parang paghahabol ni Mikael. “Huwag mo sana isiping I took advantage of you. Or the situation. Kung talagang ayaw mo na, hindi naman kita pipilitin. I just want you to know that I did everything out of love. Minahal na kita magmula pa noong mga bata pa tayo. All these years, I grew to love you more and more. Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Kaya noong inalok mo ako ng kasal, hindi ko nakayanang tumanggi. It was my only chance to make you feel how much I love you.”
“Wala kang sinasabi all those years,” hindi makapaniwalang sabi ni Bea. “Kabaligtaran ang nabasa ko sa mga kilos mo. Sa mga pananalita mo sa akin. I thought you couldn’t stand me.”
“Dahil nasaktan ako noong tinukso tayo noong araw at inayawan mo ako, remember?” amin na ni Mikael.
“Noong nasa elementary pa tayo?” parang napapantastikuhang sabi ni Bea.
“Sinabi mong ayaw mo sa akin,” paalala ni Mikael. “Parang maliit na bagay pero it broke my heart. I know it was cowardly of me. Itinago ko ang nararamdaman ko dahil ayokong mapahiya at masaktan uli. I decided to love you in secret. I even tried to learn how to stop loving you. Pero hindi ko kaya.”
Hindi na napigilan ni Bea ang kanyang galit. “Ang gago mo!” malutong na sumbat niya rito. May kasabay pang malakas na bayo sa dibdib nito.
Nakita niyang gumuhit uli ang sakit sa mukha ni Mikael. “I’m sorry,” madamdaming pahayag ulit nito.
“Stop saying you’re sorry,” lalong nagagalit na dagdag ni Bea. “Hindi lang ako ang ginago mo, e. Pati sarili mo. Kung nagtapat ka ba agad noong araw, e di sana naayos na. Alangan naman kasing ako pa ang nagtapat sa iyo, ano?”
“Ano?” naguguluhang tanong ni Mikael.
“Gago ka talaga!” mariing ulit ni Bea. “Nasa harap mo na, hindi mo pa makita. Hindi mo pa maramdaman. Okay, nangyari iyon noong araw. Ako rin naman, napikon doon sa sinabi mo. Na ayaw mo rin sa akin. Patas lang tayo. Pero ang dami nang nangyari sa atin these past months. Sa tingin mo ba, magagawa ko ang lahat ng iyon kung hindi kita mahal?”
Napamaang sa kanya si Mikael. “Mahal mo ako?” dahan-dahang ulit nito maya-maya.
“Gago!” sagot ni Bea.
Galit pa rin talaga siya. Pero naghahalo ang galit at labis na kagalakan sa kanyang puso. Kasabay ng matinding pag-aalala pa rin sa kanyang ama.
“Ngayon mo pa napiling ibuhos sa
akin ang lahat ng ito,” sumbat niya kay Mikael. “Hindi ko na nga alam ang gagawin. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Masisira na ang ulo ko.”
Sa halip na sagutin siya, bigla siyang hinagkan ni Mikael. Mariin. Ipinadarama ang buong pag-ibig.
Napapikit si Bea. Sa halik na iyon, nakadama siya ng walanghanggang kapayapaan. Yumakap na siya sa asawa.
Kumapit sila nang mahigpit sa isa’t isa.
Saka nila narinig ang tawag ng doktor.
“Mr. and Mrs. Arcaniel!”
Agad silang kumalas.
“Yes, Doc?”
“Nagising na si Don Benigno!” masayang pagbabalita nito.
Ganap nang binaha ng kaligayahan ang puso ni Bea. Saka naman siya tinakasan ng ulirat.
“Bea!” sigaw ni Mikael.
“What do you mean I could be pregnant?” tanong ni Bea sa kaharap na doktor.
Dinala siya sa emergency room matapos himatayin.
Nilingon niya ang katabing si Mikael.
“Hindi ba ang ingat-ingat mo?”
“Paano mangyayari iyon, Doc, kung lagi akong naka-condom?” tanong din ni Mikael sa manggagamot.
“It can happen,” sagot ni Dr. Solis. “Baka naglalagay ka lang ng condom just before the final act. Kung may penetration sa foreplay, kahit walang full ejaculation, posibleng may makalusot. There’s such a thing as pre-ejaculate.”
“Baka naman naging masyado lang akong emotional kaya ako hinimatay, Doc,” sabi ni Bea.
Ayaw niyang umasa sa wala. Sobra na ang pag-rollercoaster ng kanyang emotions.
“Kaya nga kinunan ka namin ng urine sample,” paliwanag pa ng manggagamot. “Hinihintay lang natin ang resulta ng pregnancy test. Of course, instant kit muna itong ginamit natin. We still have to confirm it further.”
Pumasok ang nurse na may dala ng strip mula sa pregnancy test kit. Nakangiti ito.
“Positive!” pagbabalita nito.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Buntis ako?” nangingiti nang ulit ni Bea.
“Yahoo!” sigaw ni Mikael, sabay yakap sa kanya.
“O, teka, hindi pa ninyo ito pwedeng ibalita kay Don Benigno,” sabi ni Dr. Solis. “Baka matuwa na naman nang sobra iyon. Ngayon pa namang maganda na ang kanyang vital signs.”
Halos sabay na naglapat ng kanilang mga hintuturo sa labi ang mag-asawa.
“Shhh!” sabi ni Mikael.
“Secret muna,” nakangiting sang-ayon ni Bea.
Pumasok ang mag-asawa sa private room ni Don Benigno. Nakalipat na ito mula ICU.“How are you feeling, Papa?” tanong ni Bea.
“Sabi ni Doc, okay na okay ang vital signs mo,” dagdag ni Mikael.
“I feel very good,” sagot nitong nakangiti. “Napanaginipan ko ang Mama mo.”
“Talaga?” sagot ni Bea.
“May sinabi siya sa akin,” pagpapatuloy ng matanda. “Sabihin ko raw sa inyo. Buntis ka. Babae. Kung maaari raw sana, ang gusto nila ni Cielo, pangalanan ninyo ng Sheila Ann. Galing sa Cielo at Anita. Sa susunod na iyong ipapangalan naman sa amin ni Abe.”
Nagkatinginan sina Bea at Mikael. Sila ang nasorpresa.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook










