The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09

Mikael: Chapter 9

Paraiso2_MikaelIsang bagay na lang ang kanyang kinatatakutan — ang pagtatapos ng kanilang misyon at ang kanilang paghihiwalay.


Ngayon pinagpapasalamatan ni Bea ang kanilang complete privacy sa Isla Amore. Dahil ang kanyang asawa, walang pinipiling lugar o oras. Sa loob ng tatlong araw ng kanilang honeymoon, pinatunayan nito sa kanya ang ipinahayag na “I can make you want me. Any time. Anywhere.”

Nagsimula sila sa kanilang pribadong silid tulugan. Kinabukasan, niyaya siya nitong subukan ang jacuzzi na nasa terasa. Kinahapunan, sa tabing-dagat naman ito nagyaya. Pareho lang silang nakatapi ng twalya nang lumabas. Naglatag ito ng makapal na kumot sa buhangin. Pagkatapos, hinila siya roong pahiga at tinalupan ng twalya. Maya-maya lang ay nagtagumpay na si Mikael na ipakalimot sa kanya na hubad sila sa harap ng mga alon at ng mga ulap.

Tatlong araw silang ganoon. Hiwalay sa mundo. May sariling realidad. Halos hindi na sila nagdadamit. Kahit ano’ng oras, kahit nasaan sila, bigla-bigla na lang siyang kakabigin ni Mikael at hihipuan sa kung saan siya pinakasensitibo. Kapag pumalag siya’y pandidilatan siya nito, sabay sabi ng “Mine!” At bibigay na rin siya. O kaya ay bigla siya nitong uutusan, “Kiss me!” At agad siyang susunod. Ituturo pa nito kung saan. “Here...and here...and here...”

 

Hindi lang naman si Mikael ang nakadiskubre ng kapangyarihan nito sa kanya. Si Bea rin ay may nadiskubreng kapangyarihan. Alam na rin niya ngayon na kung hindi niya kayang ma-resist si Mikael, ganoon din ito sa kanya.

Alam niyang malilimutan nito maging ang gutom kapag sinimulan niyang tuksuhin. Alam niyang para na siyang paboritong pagkain na hindi nito kayang tanggihan kahit kailan. At alam niyang ang mga hindi niya sinasadyang pagkagat dito sa tuwing nasa kaitaas-taasan sila ng kaigtingan ay labis nitong ikinasisiya.
Iniisip tuloy niya, kung alam lang niyang sa ganoong paraan niya makukuha ang atensyon ni Mikael Arcaniel, sana noong araw pa ay sineduce na niya ito.

Pero alam din naman ni Bea na iba ang seduction at iba ang pag-ibig. Hindi pa rin tanda ng pag-ibig ang kanilang physical intimacy. Sa paningin ni Mikael, naniningil lang ito ng utang na loob sa pagpapakasal nito sa kanya. At siya naman ay tumutugon lang bilang normal na babae sa husay nitong mang-seduce.

Hindi bale. Hahayaan niyang ganoon ang isipin nito. Doon niya maitatago ang kanyang tunay na damdamin. Doon niya mapoproteksyunan ang kanyang emosyon. Para naman hindi siya magmukhang kawawa kapag kailangan na nilang maghiwalay.

Ang totoo, hindi na alam ni Bea kung paano siya kapag wala na si Mikael. Ngayong naranasan na niya kung paanong mabuhay nang busog sa atensyon nito, sigurado siyang parang mawawalan ng kulay ang kanyang mundo kapag pinakawalan na niya ito ayon sa kanilang kasunduan.

Mukhang pati ang pangarap niyang magkaanak sila ay hindi matutupad. Maingat na maingat si Mikael sa bawat pagkakataon. Lagi itong may presence of mind na gumamit ng condom.

Ibig sabihin, sa kanilang paghihiwalay ay talagang maiiwan siyang nag-iisa. Bahala na. Saka na lang niya haharapin ang katotohanang iyon. Wala naman siyang choice.

Sa ngayon, susulitin na lang niya ang bawat araw sa piling ni Mikael tulad ng ginagawa nitong pagsulit sa bawat araw nila sa Isla Amore.

Kung noong simula ay halos katakutan ni Bea ang pagtuntong sa isla, ngayon nama’y parang ayaw na niyang umalis doon.

Tama ang sinabi ni Mang Miyong, magiging memorable nga sa kanila ang kanilang honeymoon sa Isla Amore.

Sa kanya, siyempre, dahil dito niya nakasama ang kanyang pinakamamahal sa tatlong araw ng pag-uulayaw.

Sigurado rin naman siyang unforgettable kay Mikael ang mga sandaling ipinagkaloob niya rito. Kahit sa pisikal na antas lamang, nakasisiguro siyang walang babaeng maaaring makapantay sa kanyang ipinadama sa asawa dahil kasama roon ang kanyang puso’t kaluluwa.

Sa huling gabi nila sa isla, si Bea na mismo ang nagyaya na muli silang magniig sa tabing-dagat, sa ilalim naman ng mga bituin. Hindi na niya kinailangan pang magdalawang-salita.

“Dito lang natin pwedeng gawin ito,” sabi ni Mikael. “Ngayon, sang-ayon ka na sa choice ko ng honeymoon spot, ano?”

“Sa katulad mo, dapat nga ganito ka-private,” tumatawang sagot ni Bea.
“At sa katulad mo rin,” pakli nito.
“Nagkaganito lang naman ako dahil sa iyo,” katwiran ni Bea. “I could never imagine myself like this before.”

“I’ll take that as a compliment,” sabi ni Mikael. “Aba, ibig sabihin, ganoon ka-powerful ang effect ko sa iyo. Enough for you to forget yourself.”

“Ang yabang mo talaga,” nakalabing irap ni Bea.

“Napatunayan ko naman sa iyo na marami akong maipagmamalaki, hindi ba?” nakangiting sagot ng asawa, puno ng kumpyansa.

“Oo na, sige na, My master,” patuyang sabi niya.

“Umaangal ka?” kunwa’y hamon ni Mikael. “Ibig sabihin niyan kailangan na naman kitang turuan ng leksyon.”

Impit na napatili si Bea nang sinimulan siya nitong kilitiin.

Doon na sila inumaga sa dalampasigan.

 

Kapag inobserbahan sina Bea at Mikael sa loob ng helicopter, para silang mga normal na honeymooners. Magkahawak-kamay. Sweet na sweet.

Sino’ng mag-aakala na ito na ang magkinakapatid na aso’t pusa kung mag-away?

Lalo namang walang mag-aakala sa tunay na estado ng kanilang kasal, naisip ni Bea. Na ginawa na yata nila ang lahat ng pwedeng gawin ng mag-asawa pero hindi kasali ang usapin ng pag-ibig.

“Back to the real world,” sabi ni Mikael sa kanya. “Are you ready?”

“As ready as I can ever be,” sagot niya.

Gusto sana niyang idagdag na pagkatapos ng mga namagitan sa kanila, kaya na yata niyang harapin ang kahit na ano. Isang bagay na lang ang kanyang kinatatakutan — ang pagtatapos ng kanilang misyon at ang kanilang paghihiwalay.

 

Sumalubong sa helipad si Gabriel. May dala kasi itong papeles ng magkakapatid na kailangang papirmahan kay Mikael.

“Glowing kayong dalawa, a,” pansin agad nito.

“Masarap kasi sa tabing-dagat,” pagdidisimula ni Bea. “Na-tan kami nang husto.”

Gumawi ang tingin ni Gabriel sa mga kamay ng mag-asawa na nanatiling magkalingkis.

“Mukhang nag-bonding din kayo nang husto,” panunukso nito.
Nag-blush si Bea.

Sumabad na si Mikael.

“You don’t call it a honeymoon for nothing.”

Nagpaalam si Bea para pumunta sa ladies’ room. Tumuloy naman ang magkapatid sa lounge ng helipad para roon magpirmahan.

“Mukhang naligawan mo na ang bride mo, Bro,” kantyaw pa rin ni Gabriel. “At mukhang napasagot mo pa.”

Napabuntong-hininga si Mikael.

“On the physical level, yes,” amin niya. “Pero natural lang iyon sa estado namin. It turned out that we’re perfectly compatible on that plane. Pero wala pa kaming pinag-uusapan about our feelings. I’m still taking it slow on that plane.”

Napamaang sa kanya si Gabriel.

“Perfectly compatible physically?” ulit nito. “Wow! Mukhang talagang genuine honeymoon ang nangyari, a. Bro, baka lalo kang mahirapan niyan. You’re really hooked now. Wala ka nang kawala.”

“I know,” tango ni Mikael. “Pero umaasa rin ako na kahit paano, tulay ko na iyon to her heart.”

Kinindatan siya ni Gabriel.

“E, di pagbutihin mo,” sabi nito.

Nagliyad ng dibdib si Mikael.

“Ako pa?”

 

Masayang-masaya si Don Benigno nang tanggapin sila sa bahay.

“May sorpresa ako sa inyo,” sabi nito.

Sa loob pala ng tatlo nilang araw na pagkawala, ipinaayos nito ang master’s bedroom para sa kanila.

Balo na ang ama ni Bea nang mabili nilang mag-ama ang bahay na iyon sa Manila, kaya mag-isa na lang nitong tinulugan ang maluwang na master’s bedroom sa loob ng maraming taon.

“Lumipat na ako sa guest room dahil sobra naman ang laki ng kwartong iyon para sa akin,” sabi ng matanda. “Mas bagay kayo roon.”

Pinapalitan nito nang bago ang matrimonial bed at lahat ng iba pang movable furniture sa silid. Ganoon din ang magkaternong set ng mga beddings at kurtina.
“Ipinalipat ko na rin ang ilang gamit mo, Bea,” sabi nito. “Pero marami pang naiwan sa dati mong kwarto. Ikaw na ang mag-asikaso dahil ayaw naming pakialaman iyong mga abubot mo.”

“Thank you, Pa,” sagot niya.

Gusto rin niyang ipagpasalamat na hindi sila ni Mikael matutulog sa lumang kwarto niya. Mabuti na iyong may bago silang silid na maaari niya ring iwanan kapag naghiwalay na sila. Pagdating ng panahong iyon ay uuwi na siya sa luma niyang kwarto para ganap na maiwasan ang mga alaala.

Pero sa ngayon, ang master’s bedroom ang magiging pugad ng pagsasama nila.
“Magpahinga muna kayo at galing kayo sa biyahe,” sabi ni Don Benigno.

“Mamaya na tayo magkwentuhan sa hapunan.”

Pilyong ngiti agad ang ibinaling ni Mikael kay Bea nang magkasarilinan sila sa silid.

“Brand new pala itong kama,” sabi nito. “Kailangan nitong mabinyagan.”

“Hoy, hindi na ito Isla Amore,” sagot niya. “Ang taas-taas pa ng araw.”

“E, ano ngayon?” sagot ni Mikael. “Ano’ng pakialam ng araw o gabi sa gusto kong gawin? Akala mo ba hanggang honeymoon lang ang binitiwan mong pangako? I’m reminding you that you promised to be my love slave all through this marriage.”

Pinuntahan siya nito at kinabig mula sa likuran. Napasandal siya nang ganap sa asawa.

Umakyat ang mga kamay nito para sapuin ang kanyang dibdib.

“These are mine,” bulong nito sa kanyang tainga.

Nanlalambot na ang mga tuhod ni Bea.

Bumaba naman ang isang kamay ni Mikael sa pagitan ng kanyang mga hita.

“And this is mine,” bulong pa nito bago kinagat nang marahan ang kanyang punong-tainga.

Wala na. Alam nila pareho na wala na siyang kakayanang tumanggi pa.

Iginiya na siya ni Mikael patungo sa naghihintay nilang marital bed. At nabinyagan nga ito ng kanilang maalab na pagniniig.

 

Hindi man totoong nakapagpahinga, mukhang energized sina Bea at Mikael nang humarap sa hapag-kainan.

“May maganda akong balita sa inyo,” sabi ni Don Benigno habang kumakain sila. “Parang pahabol na regalo ng pagkakataon sa kasal ninyo. Habang naroon kayo sa honeymoon, ilang bangko ang tumawag sa akin. Iyon mismong mga tumanggi na noon na magbigay ng loan sa atin. This time, they’re trying to outdo each other sa pagbibigay ng pinakamagandang terms.”

Nagkatinginan sina Bea at Mikael.

“Good!” sabi ni Mikael. “Very good news nga iyan, Papa. They’ve finally come to their senses. Talaga namang hindi nila dapat katakutan na hindi na makakabangon ang BGS Realty. Kung nagawa mo ngang i-build up ang kompanya from scratch noong araw, ngayon pa kaya?”

“I think mas lalo silang naengganyo nang ipahayag ko na I’m making some big changes in the company,” nakangiting sabi ni Don Benigno. “I’m officially retiring and I’m appointing you, Mikael, as the new CEO of BGS Realty Corporation.”

Kamuntik nang masamid si Bea.

Napamaang siya sa ama. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Paano nito nagawang ipagkanulo siya? Siya na mismong anak nito ay isinaisantabi para kay Mikael ibigay ang pwesto nito sa kompanya?



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Booklat Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Podcasts by Santiago Villafania