Angela: Chapter 6

195x280-images-stories-buhay_pinoy-Paraiso_AngelaPaulit-ulit, ipinapahayag niya nang walang tunog sa nakapikit na dalaga: “I love you.”

Hindi na nakaimik si Angela sa kabuuanng tugtog. Basta’t nagpatianod na lang siya sa pagdadala ni Danilo sa kanilang pagsasayaw. Nang matapos ang love song, saka siya nagtangkang bumitiw. Pero ayaw siyang pakawalan ni Dan.

Hindi ka naman kailangan doon,” sabi nito. “Hayaan mo na sa staff ang pag-aasikaso. Kayang-kaya na nila iyon.”

Nagsisimula siyang umiling nang may idagdag ito.

I need you here, Angela. Stay with me. Please.”

Napatingin siya kay Danilo. Iba ang timbre ng boses nito. Seryoso ang mukha. Hindi na nagbibiro, nangangantyaw o nanunukso.

"Sayang ang gabi,” sabi pa nito. “Sayang ang liwanag ng buwan. Ng mga bituin.”

They shine for the newlyweds,” paalala niya sa binata.

They shine for all lovers,” sagot nito.

Pero hindi naman tayo...”

Bago siya natapos ay sumingit agad si Danilo.

Hindi?”

Mapanghamon na uli ang mga mata nito.

Hindi tuloy masabi ni Angela ang salitang “hindi.”

We can be...if we want to,” pagpapatuloy ng binata. “What’s there to stop us? Dalaga ka. Binata ako. We’re two consenting adults.”

Natigilan si Angela. Para siyang nahihip-notismo.

I know I want you,” sabi ni Danilo. “Ikaw. What do you want?”

Hindi makasagot si Angela pero kusa nang bumubuka nang bahagya ang kanyang mga labi.

Tinitigan siya nang mataman ni Dan, parang binabasa ang kanyang niloloob. Pagkatapos, unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanyang mukha, binibigyan siya ng pagkakataong tumanggi.

Sa halip na tumanggi, pumikit si Angela.

Naramdaman niya ang mabining dantay ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Maingat. Nanunuyo.

Kumibot ng pagtugon ang kanyang mga labi. Pumapayag. Nag-aanyaya.

Naramdaman niyang umakyat ang isang kamay ni Danilo para sapuin siya sa batok, nag-aalalay pero bumibihag din. Naninigurong hindi na siya makakawala pa.

Ang isa pa nitong braso ay nakayakap sa kanyang beywang, kinakabig siya nang kayhigpit.

Ang dalawang kamay ni Angela na nakalapat sa balikat ni Dan ay kusang nangunyapit sa leeg nito.

Tinanggap niya nang buong puso ang mga labi ng binata na biglang naging mapusok at mapang-angkin. Nagparaya siya. Nagpaturo kung paanong tumugon nang ganoon din.

Ganito pala. Ganito pala ang mahagkan nang isang Danilo Delmundo. Nakababaliw.

Hindi makapaniwala si Danilo sa nagaganap. Parang hindi totoo. Parang panaginip lang.

Magmula noong hatakin niya si Angela palayo sa piging, parang hindi na siya nag-iisip. Ganap na siyang kontrolado ng kanyang damdamin.

Akala nga niya, sobrang mapangahas na iyong ilayo niya ito at isayaw sa dilim. Pagkatapos, narinig na lang niya ang kanyang sarili na iba na ang sinasabi. Nasumpungan na lang niya na papalapit na ang kanyang mga labi sa mga labi ng dalaga. Hindi na niya mapigil ang sarili. Lalo na nang maramdaman niya ang lambot ng mga labi nito. Lalo na nang tumugon ito sa kanyang masuyong halik.

Parang malulunod siya sa sensasyon ng mga labi ng dalaga. Parang ayaw na niya itong bitiwan kailanman.

Hirap na hirap si Danilo na ibalik ang kontrol ng kanyang isip sa kanyang damdamin. Sa wakas, nagawa rin niyang itigil ang halik.

Nakita niyang parang basang sisiw na nakasandal sa kanya nang ganap si Angela, nakapikit pa rin, parang tinakasan ng lakas. Hindi maipagkailang bago sa dalaga ang lahat ng iyon.

Hindi malaman ni Dan kung matutuwa siya o magsisisi. Ano itong pinapasok niyang sitwasyon? Kaya ba niyang panagutan ito?

At si Angela — alam ba ng dalaga ang pinapasok nito? Ano ang turing nito sa kanya?

Oo, alam niyang attracted na rin nang sobra sa kanya ang heredera. Pero hanggang saan ang nadarama nito?

Hindi naniniwala si Dan na pwedeng umibig sa kanya nang totoo ang isang Angela Arcaniel. Malayung-malayo siya sa gugustuhin nitong makasama sa buhay. Hindi siya qualified.

Kung ganoon, ano itong ginagawa nila?

Pareho lang silang nadala ng kanilang kapusukan. Nahalina sa liwanag ng buwan. Sa romantic ambience ng isang mala-fairy tale na kasalan.

And the kiss was magical. Ibang-iba sa lahat ng naranasan na niya sa buhay niya. Hinding-hindi na niya makalilimutan kailanman.

Hinaplos ni Danilo ang pisngi ng dalaga. Dumilat ito.

Let me take you home,” masuyong sabi niya rito.

Parang wala pa rin sa sarili na sumunod si Angela nang alalayan niyang maglakad.

Hindi sila dumaan uli sa may reception. Umikot sila sa hindi na sila makikita ng guests o staff patungo sa kinahihimpilan ng Pajero ng dalaga.

Walang sali-salitang iniabot nito sa kanya ang susi ng sasakyan.

 

Nakasandal lang si Angela sa headrest ng passenger’s seat. Tahimik.

Nararamdaman pa rin niya sa kanyang mga labi ang mga labi ni Dan. Ninanamnam pa rin niya ang mga sensasyong noon lang naranasan.

Napakasensitibo ng kanyang pang-amoy. Sa kulong na loob ng sasakyan ay langhap na langhap niya pa rin ang natural na amoy ng katawan ng binata, na para bang magkadikit pa rin sila.

Gising na gising ang kanyang pandama. Naghihintay pa ng kaganapan.

Sa tahimik na mga sandaling iyon, nabuo ang pasya ni Angela. Panahon na para madiskubre niya nang ganap ang misteryong ito ng buhay. At si Danilo Delmundo ang gusto niyang makasabay sa kanyang gagawing paglalakbay.

Wala na siyang kailangang mga paliwanag pa. Basta’t alam ng kanyang puso na si Danilo ang kanyang hinirang.

Maraming mga mahirap resolbahin sa pagitan nila. Hindi niya pipiliting maresolba ang lahat ng iyon. Ni hindi muna niya gustong isipin. Pilit niyang kakalimutan muna.

Ang mahalaga, huwag niyang hayaang ganoon na lang ang mamagitan sa kanila. Alam niyang buong buhay niyang pagsisisihan kung ang tanging halik na iyon ang maiiwan sa kanyang alaala.

Kailangang maging bahagi ng buhay niya si Dan, kahit hindi panghabangpanahon. At sa kanyang napagpasyahang gawin, hindi na ito kailanman mabubura sa kanyang pagkatao.

Papaliko na dapat si Dan sa daang patungo sa malaking bahay nang hawakan niya ito sa braso.

Hindi riyan,” sabi niya. “Diretso lang.”

Napatingin sa kanya ang binata.

May iba pang daan?” tanong nito.

Basta idiretso mo lang,” giit ni Angela. “Ituturo ko ang daan.”

 

Takang-taka si Danilo nang pumasok sila sa garahe ng isang cottage na napakalayo sa iba pang mga guest cottages ng resort, at lalong napakalayo sa malaking bahay o sa employees’ housing area.

Halika,” sabi ni Angela. “Daan ka muna sa bahay ko. Ipagmamalaki ko sa iyo ang garden na ako lang mismo ang nag-aalaga at wala nang iba.”

Bahay mo?” ulit ng binata.

Kasinlaki at halos kamukha ng cottage ng Tatay niya ang kaharap niya. Ang kaibhan nga lang ay ang mas malawak na garden na nakapaikot dito sa bahay daw ni Angela.

Umibis si Danilo kasunod ng dalaga.

Dito ako nagpupunta kapag kailangan kong mapag-isa,” paliwanag nito habang naglalakad sa hardin. “Walang pwedeng pumasok dito, kahit sa bakuran lang. Ikaw pa lang.”

Iminuwestra nito ang mga rosas na in full bloom.

These are my babies and my friends. Kinakausap ko sila araw-araw habang dinidiligan at inaalagaan. Updated sila sa buhay ko.”

Sumulyap sa kanya si Angela.

Kaya kilala ka na nila. I’m sure they can sense your aura. Ganoon daw ang mga tanim, e.”

May bumundol sa puso ni Danilo. Ganoon siya nagmarka sa mga araw ni Angela? Sapat para ikwento nito sa mga alagang bulaklak?

Mukha ba akong nababaliw na?” tanong nito.

Muli, hindi nakapagpigil si Danilo. Kinabig niya ito nang yakap.

Pareho lang tayo,” amin niyang nakatitig sa mga mata nitong nagniningning sa emosyon.

May iniabot sa kanya si Angela — susi ng bahay. Sabay silang pumasok, nakalingkis ang mga braso sa beywang ng isa’t isa.

Kayraming mga katanungang gustong mag-unahan sa isip ni Danilo pero inignora niya ang lahat ng mga iyon. Ganap na siyang naging sunud-sunuran sa kanyang damdaming nag-aapoy.

 

Wala nang kinailangan pang gawin o pag-isipan si Angela. Katulad ng sa kanilang pagsasayaw kanina, si Danilo na ang nanguna.

Dinala siya nito sa silid-tulugan. Dahil katulad ng sa cottage nina Danilo ang lay-out ng bahay, hindi na ito nanibago.

Patungo pa lamang doon ay hinahagkan na siya ng binata. Butterfly kisses sa kanyang balikat, sa leeg, sa may punong-tainga. Kung hindi siya nito sinusuportahan at iginigiya ay bibigay na ang mga tuhod niya.

Pagdating sa may higaan, babagsak na talaga si Angela pero pinigil siya ng yakap ni Dan. Habang nakasuporta ang isang bisig nito sa kanya, dahan-dahan naman siyang hinubdan ng isa pa nitong kamay.

Kasunod ng pagbagsak ng kanyang gown at mga panloob ang init ng mga mata ni Dan. Kahit walang nakasinding ilaw sa kuwarto at tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang nakatunghay sa kanila, pakiramdam ni Angela ay wala siyang maitatago sa mga matang iyon.

Maingat siyang pinangko ng binata at inihiga sa kama. Nagtangka siyang humila ng kumot na maitatabing sa kanyang kahubdan pero pinigil nito ang kanyang kamay.

I want to see you,” sabi ni Dan. “ Napakaganda mo.”

Namamaos sa paghanga ang boses nito at parang haplos iyon sa puso ng dalaga.

I’m all yours,” halos pabulong na sagot niya.

Tumayo si Dan sa may gilid ng kama at ito naman ang unti-unting naghubad para sa kanya. Palakas nang palakas ang pagbayo ng kanyang dibdib habang pinapanood ito.

At para siyang lalong pinanawan ng lakas nang makita ang kabuuan nitong nakatambad sa kanya.

Nangangatal ang buong katawan ni Angela nang tumabi sa kanya si Danilo.

Natatakot ka?” nag-aalalang tanong nito.

No,” iling niya. “Ang bilis-bilis lang ng aking pulso.”

Dumukwang si Danilo at hinagkan siya sa dibdib, sa tapat mismo ng kanyang puso. Napasinghap si Angela.

Kinuha nito ang kanyang palad at itinapat sa sariling dibdib, sa may puso.

Pareho lang tayo,” sabi uli nito.

Naramdaman nga niyang parang may tumatambol sa loob ng dibdib ng binata. Nagtama ang kanilang mga paningin, tinatanggap ang patas nilang pag-asam sa isa’t isa. At kusang naghinang ang kanilang mga labi.

Iba na ang halik na ipinadama ni Danilo sa kanya. Higit na maalab. Higit na mapang-angkin. Higit na nangangailangan. Kasabay niyon, kinilala ng mga kamay nito ang lahat ng sikreto ng kanyang katawan.

Hindi na malaman ni Angela kung paano paghihiwalayin ang mga sensasyong nadarama. Sabay-sabay, patung-patong, halu-halo — hindi siya halos makaagapay.

Iniwan din ni Danilo ang kanyang mga labi. Sinimulan siya nitong sambahin. Suyuin. Pinupog ng halik ang bawat pulgada ng kanyang balat. Sinamyo. Nilaro. Pinagpasasaan.

Nagulat na lamang si Angela nang marinig ang sariling mga daing. Hindi niya halos namamalayang tumatakas ang mga iyon mula sa kanyang bibig. Siya ba ang babaeng pinagmumulan ng mga halinghing na iyon?

Tinangka niyang kagatin ang kanyang mga labi para matahimik, pero hindi niya kayang magtimpi. Hindi niya makontrol ang kanyang mga reaksyon.

Lalo na nang siyasatin ni Danilo ang kanyang pinakatagu-tagong kaselanan. Mga munting hiyaw na ang humulagpos mula sa kanyang bibig. Parang gusto niyang umatras pero hindi siya nito tinitigilan. Halos mawalan na ng ulirat si Angela. Hindi na niya namamalayan ang paligid. Nasa ibang mundo na siya na pawang sensasyon lamang.

Nasa ganoon siyang kahandaan nang ganap silang pag-isahin ni Dan. Damang-dama niya ang hapding may kasunod na di mailarawang kaganapan. Na para bang iyon ang kaytagal nang hinihintay ng kanyang pagkatao. Isang pagsasanib na nagdudulot ng kakaibang kaluwalhatian. Misteryo nga ng buhay na sa ganoong landas lang matutuklasan.

At kahit pagkaraan ng pinakamatinding pagsabog ng mga sensasyon, nanatili silang magkayakap, magkasanib pa rin. Sa bawat mumunting galaw, kahit mula lang sa kanilang paghahabol ng hininga, napapakislot pa rin sila sa natitirang mga sensasyon.

Kaytagal nilang nanatiling ganoon. Hanggang sa makatulugan na lamang nila.

Hindi alam ni Angela kung anong oras siya nagising. Pero nakamulatan niyang nakatunghay sa kanya si Danilo. Madilim pa rin ang paligid.

Nag-iwas siya ng tingin. Parang nahihiya na hindi niya mawari. Pero masuyong sinapo nito ng palad ang kanyang pisngi at muling iniharap dito ang kanyang mukha. Nakita niya uli ang paghanga at pag-asam sa mga mata nito. Ang pagsamba.

Walang mga salitang namagitan sa kanila. Basta’t hinagkan siya ni Dan at doon muling nagsimula ang lahat. Kayrami pa palang misteryong maipapadama sa kanya ang binata. Hindi pala iisa lang ang landas patungo sa paraiso.

Ipinagkatiwala niya rito ang lahat. Isinuko ang lahat. Walang hindi niya ibinigay. Wala siyang ipinagkait. Body and soul. And heart?

Iyon lang. Iyon lang ang hindi pinayagan ni Angela na mamutawi sa kanyang mga labi. Ang mga salitang “I love you.”

Pero binigkas niya nang walang tunog. Sinabi niya habang nakadikit ang mga labi sa dibdib ni Danilo. Ibinulong niya nang tahimik sa mismong puso nito.

 

Tulog na uli si Angela. Hapung-hapo pero mamula-mula ang mga pisngi. Radiant.

Hindi nagsasawa si Danilo sa kakatitig sa kayakap. Para bang natatakot siyang hindi na maulit ang mga saglit na ito. Gusto niyang ikintal nang permanente sa kanyang isip at puso ang mga alaala.

Paulit-ulit, ipinapahayag niya nang walang tunog sa nakapikit na dalaga: “I love you.” Hindi niya alam kung bakit o paano nangyari na ang babaeng itinuring niyang halos kalaban sa buong buhay niya ay siyang pinakamamahal niya ngayon.

Write Comment


Security code
Refresh