“I’m Cherry,” kalmadong banggit ng bagong dating. “And just to make it clear whoever you are, Randy is mine and I don’t want anybody hugging him tenderly other than me.”
EXCITED si Cherry. Sa araw na ito magpapakatotoo na siya. Kaya nga sinimulan niya ang lahat sa pagda-drive.
Magmula kasi nang namatay si Tom sa car accident ay natakot na siyang magmaneho. Pero iba na ngayon. Handa na siyang mag move on.
Masayang-masaya siya dahil tinawagan siya kagabi nina Alvin at Lyn at ipinagtapat ang mga kalituhang naganap. At ang mga ito rin ang nagbuking sa kanya na mahal siya ni Randy.
Sa mga ito niya nalaman kung saan nakatira ang lalaking mahal niya. At doon na siya patungo ngayon. Tapos na ang lonely season for Cherry, it’s time to be happy and be in love again.
HINDI sanay si Randy na nasa condo lang at walang ginagawa. Pero kabilin-bilinan nina Alvin at Lyn ay huwag siyang aalis. Ewan lang niya kung bakit.
Nagmamadali niyang binuksan ang pinto nang tumunog ang doorbell. Pero nagitla siya nang nakita kung sino ang bisita.
“Sheryl…”
Hindi niya matanggap na ito ang dahilan kung bakit hindi siya pinaalis ng mga kaibigan.
Kuntodo ang ngiti nito. “I’m so sorry, Dy. I’m so sorry. And I still love you. Sana tanggapin mo ulit ako.”
Gaya nang kanyang inaasahan, natrace na siya nito. Hihingi ng tawad at magmamakaawa na mahalin niyang muli.
Pero marami na ang nagbago. Iisang tao na lang ang kaya niyang mahalin. Ang babaeng kailangan niyang puntahan para kausapin.
Dahil abala sa pag-iisip ay hindi nakaiwas si Randy nang sunggaban siya ng yakap ng kanyang bisita.
Pero mas lalo pa siyang nagulat nang tila marahas itong nailayo sa kanya.
And there was Cherry.
Nakapameywang ito sa dati niyang nobya, tila handa sa isang giyera.
“And who is this bitch?” iritang tanong ni Sheryl.
Nakataas ang mukha, nilapitan niCherry ang litung-lito pa ring si Randy at saka siya hinapit sa beywang.
“I’m Cherry, kalmadong banggit ng bagong dating.” “And just to make it clear, whoever you are, Randy is mine and I don’t want anybody hugging him tenderly other than me.”
Napalunok si Randy.
Tila nahalata naman siya ni Cherry. Naramdaman na lang niya nang malambing na kurutin ng dalaga ang kanyang tagiliran kaya naki-ride on na siya.
“Yeah, she might be a bitch sometimes, but I love her,” tugon naman ng binata.
Tila nagpupuyos ang mga mata ng dati niyang nobya. At dahil napahiya na ay bigla na lang itong tumalikod sabay alis.
Pagkasara ni Cherry ng pinto, magtatanong pa sana si Randy nang bigla na naman siyang gulatin nito.
She enveloped him in her warm embrace, and then started kissing him passionately on his lips.
Naghahabol na ng hininga si Randy pero mas lalong nagiging mapusok si Cherry.
“I love you…” nasabi ng dalaga between her kisses and breathing.
Pilit na inilayo ni Randy sa kanya si Cherry na ikinalito naman nito.
“Say it again,” samo niya.
Nangiti na si Cherry. “Will you marry me?”
Natawa naman si Randy.” “Teka, dialogue ko dapat ‘yan.”
“E, ang torpe mo kasi. Baka abutin na naman tayo ng pagpapalit ng presidente bago mo masabi iyon sa ‘kin,” biro nito.
They were both happy and contented. Parang hindi totoo pero narito sila, dahil na rin sa pagkakataon. Parang ang mga nakapaligid na sa kanila ang siyang gumawa ng paraan para sila magkalapit.
Matagal niyang niyakap ang dalaga, hindi makapaniwala na narito ito at nagsasabing…
“Mahal na mahal na mahal kita. Hindi lang dahil maganda ang katawan mo at gwapo ka,” simula ni Cherry. “Pero dahil ikaw si Randy. Mahal ko na ang lahat sa ‘yo.”
Masayang-masaya si Randy dahil sa wakas ay tuluyan nang naglaho ang mga lungkot na dati ay nasa mga mata ni Cherry. And he was much happier dahil alam niyang siya ang rason ng labis na kasiyahang nababakas niya ngayon rito.
Muli niya itong niyakap. “Mahal na mahal din kita.”
They sealed their confessions with a loving kiss.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook










