The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09

Gabriel: Chapter 5

Paraiso_3_gabriel"I don’t have a girlfriend,” sagot nito. Tumaas ang antenna ni Nina.

"Why not?” tanong niya.

"Because I have boyfriends, diretsahang sagot ni Rico.”

 

Sa sobrang taas yata ng energy level ni Nina 
pag-alis ni Gabriel, hindi pa siya makatulog. Gising na gising ang kanyang buong pagkatao. Buhay na buhay.

Paano namang hindi, sa ilang oras nilang pagsasama ng binata ay kitang-kita niya kung gaano ito nadi-distract sa kanyang kabuuan. Pakiramdam tuloy ni Nina, ang ganda-ganda niya, ang sexy-sexy niya. Isa nga siyang Diossa.

Ang sarap pala ng pakiramdam ng hinahangaan ka ni Gabriel Arcaniel. Akala niya hindi na niya kailanman mararanasan iyon.

Pero hindi pa rin nag-iilusyon si Nina na maaari nang ma-in love sa kanya si Gab.

Hanggang noong bago siya bumiyahe ay napapag-usapan pa nila sa kanilang mga internet chats kung gaano ito nasaktan sa ginawa ni Lynn. Hindi pa rin ito nakaka-recover. Bitter pa rin ito. Ang interpretasyon ni Nina sa ganoong kalagayan ni Gabriel ay in love pa rin ito kay Lynn.

Kaya nga nakikipag-fling ito sa iba’t ibang babae. Pilit nilulunod sa mga walang pundasyon at walang hinaharap na pakikipagrelasyon — kung relasyon mang matatawag ang mga iyon, ang sama ng loob.

Hindi mai-in love kaninuman si Gabriel hangga’t hindi binibitiwan ng puso nito ang kaytagal na iningatang pag-ibig kay Lynn. Iyon ang paniniwala ni Nina.

Kaya ang maaari lang niyang i-enjoy ay ang pisikal na atraksyon ng binata sa kanya. Nothing more.

Hindi bale. Beggars can’t be choosers. Masaya na siya na na-a-appreciate pala siya ni Gab bilang babae. Hindi lang bilang best buddy.

Kahit hindi nito aminin.

Gusto niyang magsasayaw. Magsayaw nang magsayaw. Nagsalang ng flamenco music si Nina. Mahina lang para hindi siya makabulahaw sa katabing apartment. At doon sa salas, nagsayaw nga siya nang nagsayaw.

Sa flamenco niya inilabas ang lahat ng kanyang pent-up frustrations. Ang kanyang unspent passion. Ang kanyang hindi maipahayag na damdamin.

Mabuti na lang at makapal ang carpet na nakalatag sa sahig. Hindi maririnig sa labas ang malalakas na padyak ng mga paa ng dalaga, lalo’t pabilis nang pabilis ang tempo ng kanyang pag-indayog.

Alas-tres na ng umaga nang makadama siya ng pagkahapo. Saka pa lamang siya nakatulog.

 

Tanghaling-tapat ay nag-aalmusal si Nina. Garlic fried rice at malutong na danggit. May sawsawang sukang may sili. Inorder niya mula sa room service.

Sarap na sarap siyang nagkakamay. Naubos niya ang pandalawang taong order ng garlic fried rice. Sinundan pa niya ng isang manggang hinog, panghimagas.

Pagkatapos kumain, tinawagan na niya ang store designer at ang contractor na nirekomenda ni Gabriel. Nagkataong libre ang designer nang hapong iyon kaya nag-set na sila ng appointment na magkikita roon mismo sa pwesto. Iyon namang contractor, after five na raw makakarating.

Excited na ang dalaga sa kanyang unang araw nang pagtatrabaho sa Manila. Nag-text siya kay Gabriel.

"Wl meet wd Rico at d stor 3 pm & Zed 530 pm.”

Si Rico ang store designer na kausap niya. Si Zed naman ang contractor.

Sumagot si Gab.

"K”

Iyon lang? Ang tipid naman. Wala man lang pangungumusta. Walang pasabi kung magkikita ba sila. Disappointed si Nina.

Pagkatapos, naalala niya – maganda ang boses ni Rico nang makausap niya sa phone. Baritono. Parang DJ. Cute kaya?

Hindi ba’t ipagpapatuloy niya rito sa Manila ang paghahanap ng maipapalit niya kay Gabriel sa kanyang buhay? Why not start now? Para hindi na rin siya laging naghihintay ng atensyon mula kay Gab. At para may maibida siya rito kapag nagkita sila uli.

Ganado na uling magsimulang mag-ayos ang dalaga.

 

Gwapo pala si Rico Gonzales. Tall, dark and handsome, in fact. Mukhang Pinoy na Latino. Parang si Enrique Iglesias. At para namang male model kung manamit. Kung patatayuin sa may display window ay mapagkakamalang gwapong mannequin.

Umilaw ang mga mata ni Nina pagkakita sa store designer. Nauna ito sa kanya sa pwesto. Inabutan niyang nakatayo na sa gitna ng bakanteng espasyo, pinagmamasdan ang paligid. Malamang ay nagsisimula nang mag-visualize ng mga disenyo.

"You’re Ms. Montero, I presume?” sabi nitong nakangiti pagpasok niya.

"Yes, I am. And you’re Rico Gonzales?” sagot niya.

"Yes, Ma’am,” medyo yumuyukod pang sabi nito.

Naglahad ng kamay si Nina.

"Please call me Nina,” sabi niya. “Pleased to meet you.”

Nagkamay sila.

"My pleasure,” sabi ni Rico.

Tiningnan ni Nina ang kamay nito. Walang wedding ring. Kunsabagay, bata pa. Parang kaedad lang niya. Sana wala ring girlfriend.

"I’m glad you could accommodate this job,” sabi niya. “Gusto ko na kasing magbukas as soon as possible. Parating na in a few days ang bulk ng aking merchandise. Iyong iba naman, dito lang sa Pilipinas manggagaling.”

"We can discuss what you want right now and then I could submit my design in a day or two,” sabi ni Rico. “Inagahan ko talaga ang pagpunta rito kaya na-measure ko na ang dimensions ng espasyo. Kung may kausap ka nang contractor, pwede na silang magsimula ng actual work as soon as you approve the design.”

"Si Zed Joven ang nirekomendang contractor sa akin,” pagkukwento niya. “We’ll be meeting late this afternoon.”

"Kilala ko si Zed,” malapad ang ngiting tango ni Rico. “We’ve been working together on a number of projects. Mabilis at masinop ma-trabaho iyon. You’re in good hands.”

"Hay, salamat naman,” sabi ni Nina.

Naisip niya, sana gwapo rin. At unattached.

"So, what kind of look do you want for the store?” tanong ni Rico.

"It’s going to be a complete lifestyle boutique,” sagot ni Nina. “Diossa ang magiging pangalan. So I want it to look like a temple to the senses. Basically, I want a lot of glossy wood in deep, warm tones. Ang accents, burnished gold and silver painted panels. Pero textured paint ang gamitin natin. Iyong parang antique ang effect.

About half of the space nga pala will be enclosed as a studio where I will be giving small group lessons in meditation, yoga, aromatherapy and dance. Kailangang may mirrored walls sa loob. At saka sound-proof.

Dito sa labas, I want a small fountain in the middle of everything. Gusto ko, mukha siyang gawa sa antique na stone at maraming naka-incorporate na plants. Scented ng aromatherapy oils ang tubig. Lalagyan natin ng chunks of raw crystal in various colors ang basin na binabagsakan ng tubig.”

Ang mga ibebenta nga pala sa shop ay clothes, accessories including jewelry, belts, bags and shoes, makeup from natural products, aromatherapy products, herbal teas, some books and some music CDs. Ang themes, natural health and beauty.”

"Kumpleto na pala ang vision mo,” humahangang sabi ni Rico. “I just have to sketch it out. Idadagdag ko na lang ang mga display racks and cases. Madali na ito. I can probably give you my sketches the day after tomorrow.”

"That’s great!” sagot ni Nina. “Pero para talagang makuha mo ang kabuuan ng concept, perhaps we should have coffee or tea. Marami pa akong ikukwento sa iyo about the kind of lifestyle my store will be promoting.”

"Sure,” tango ni Rico.

Doon na sila sa mall naghanap ng coffee shop. At doon na sila inabot ng lampas alas-singko. Masarap pala kasing kakwento si Rico. At magkasundong-magkasundo sila ng mga pananaw sa buhay.

Nagyo-yoga rin ito. Nakapag-aral ng flamenco dancing. Nagpi-paint bilang hobby. Gumagamit ng aromatherapy. Mahilig sa herbal tea.

"Siguradong number one customer na ako ng store mo,” sabi pa nito. “At dadalhin ko sa iyo ang mga kamag-anak at kaibigan kong babae.”

Nakahanap ng puwang si Nina.

"Pati girlfriend mo,” sabi niya.

Tumawa si Rico.

"I don’t have a girlfriend,” sagot nito.

Tumaas ang antenna ni Nina.

"Why not?” tanong niya.

"Because I have boyfriends,” diretsahang sagot ni Rico.

Ngek. Patay bigla ang pag-asa ni Nina.

Pero hindi siya nagpakita ng pagkadismaya sa kaharap. Hindi naman nabawasan ang pagtingin niya rito bilang tao dahil gay pala ito. Napurnada nga lang ang kanyang plano.

On the other hand, she gained a new friend. Mukhang magkakasundo talaga sila ni Rico.

"Aba, boyfriends, plural. Masaya ka,” tumatawang sabi niya. “Kunsabagay, I’m not surprised. You’re gorgeous, e.”

"Thank you,” nakangiting sagot ni Rico. “Pero if I had my way, I would really want to look like you. And have your body.”

"Uy, talaga ha?” sabi ni Nina. “I’m really flattered.”

At nag-pose pa siya nang pa-sexy.

Tawanan sila.

Naalala ni Nina na may isa pa pala siyang kakausapin – iyong contractor.

"Naku, I’ll have to meet Zed sa shop pala,” paalam niya kay Rico. “Paano, see you day after tomorrow na lang?”

"With my sketches,” tango nito.

Hindi si Zed Joven ang inabutan ni Nina pagbalik niya sa bakanteng shop kundi si Gabriel.

"O? Bakit andito ka?” gulat na sabi niya.

"I wanted to be here kapag kinausap mo si Zed,” sagot nito.

"Sana dumating ka earlier para nakasama ka rin sa pag-uusap namin ni Rico,” sabi niya. “Hindi mo sinabi sa akin na mukha palang Latino superstar ang magiging store designer ko. Ang sarap pang kausap. We spent hours over milk tea.”

"Magkakasundo nga kayo ni Rico,” nakangiting sagot ni Gabriel. “After all, he’s gay. Magkapareho kayo ng mga hilig.”

Buking. Alam pala nito ang kasarian ng designer. Ipangangalandakan pa naman sana niyang may isa na siyang prospect.

"So, gay rin ba itong si Zed?” pinangunahan nang itinanong ni Nina.

Napalis ang ngiti ni Gabriel.

"Ha! malayong mangyari iyon," sagot nito. 'Loko sa babae itong si Zed Joven. Kaya nga ako andito, e. I didn't want you to meet him alone. Lalo na with your crazy ideas. Baka kung ano pa ang mangyari."


Lihim na napangiti si Nina. Heto na naman si Gabriel at ang asta nitong knight in shining armor. Ang cute talaga.

How protective of you,” sarkastikong sabi niya. “Pero ano naman ang definition mo ng loko sa babae? Katulad mo?”

Nananadya ka ba?” sagot ni Gabriel. “Ikaw na nga ang pinagmamalasakitan, e. Hindi katulad ko si Zed. Magkaibang-magkaiba kami. Siya, walang pakundangang magpaiyak ng babae. Does that answer your question?”

Baka naman kasi umaasa pa sa true love ang mga babaeng iyon,” pagkikibit-balikat ni Nina. “Don’t worry, wala na akong ganoong mga expectations kaya immune na ako.”

Pero hindi siya ang tipo ng lalaki na gugustuhin mong maka-fling man lang, Nina,” paalala ni Gab. “He doesn’t treat women right. Sa simula lang siya smooth and suave. Bandang huli, nagiging bastos na. Nagsisisi na nga ako na siya pa ang nairekomenda ko sa iyo as contractor. Pero hindi ko naman kasi alam na may ganyan ka palang mga plano sa buhay, aside from putting up your store. I just thought of the best contractor I knew, without considering other things. And he works well. Hindi ako mapapahiya sa trabaho niya. Kaya just keep your distance. Strictly business ka lang dapat sa kanya. Let me do most of the talking.”

Maya-maya, heto na at dumarating ang pinag-uusapan nila.

Unang tingin pa lang ni Nina kay Zed Joven, naintindihan na niya ang ibig sabihin ni Gabriel. Siya man, negatibo na agad ang pakiramdam sa lalaki.

Kung tutuusin, gwapo rin si Zed. Hindi nga lang pretty boy na tulad ni Rico. Mas brusko ang mukha nito. Very masculine. Pati sa pananamit, rugged ang dating nito. Pero liban doon, may ere itong hindi gusto ni Nina. Pakiramdam nga niya, hindi ito mapagkakatiwalaan.

Nakita agad nito si Gabriel.

Boss Gab!” sabi nitong kumakaway.

Pagkatapos, nakita nito si Nina. Napako agad sa dalaga ang paningin nito, hindi itinatago ang paghanga. Pero sa halip na maging flattered si Nina, parang kinilabutan pa siya. Iba kasi kung makatingin si Zed. Parang maninibasib.

Good afternoon,” sabi nitong nakangisi. “I’m Zed Joven.”

This is Ms. Nina Montero,” sabad ni Gabriel. “My very good friend. Nirekomenda kita sa kanya as contractor, Zed. Magbubukas siya ng store sa pwestong ito. Si Rico ang designer. I will also be helping her with everything kaya we will be working together.”

Inakbayan pa ni Gabriel si Nina. Umurong naman siyang papalapit lalo rito, parang naghahanap ng proteksyon. Ngayon, nagpapasalamat na siya sa presence ni Gab.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Zed sa kanilang dalawa, parang nananantiya.

Hiling ng kabutihang asal, naglahad si Nina ng kamay sa bagong dating.

I’m pleased to meet you, Zed,” sabi niya. “You’re highly recommended by Gabriel kaya I’m looking forward to working with you.”

Mabilis lang naman ang pakikipagkamay sa kanya ng contractor. Very businesslike.

Thank you, Ma’am,” sagot nito. “I’ll do my best.”

Mukhang na-intimidate ito kay Gabriel kaya hindi na humirit.

Maibibigay raw ni Rico ang kanyang sketches sa makalawa,” sabi ni Nina. “As soon as I approve them, ipapasa ko na sa iyo. Kayong dalawa na raw ang mag-uusap tungkol sa materyales. Then you can give me a quotation, right?”

Yes, Ma’am,” tango ni Zed. “Sanay na kami ni Rico na mag-team up kaya walang problema roon.”

Ibigay mo na rin kay Nina ang discount na ibinibigay mo sa akin,” sabad ni Gabriel.

Of course,” tango uli ni Zed.

Sa palagay mo kaya, gaano katagal ito aabutin?” tanong ni Nina.

From the time I get Rico’s design and specifications, mga two weeks to one month, depende kung gaano kasimple o kakumplikado ang disenyo,” sagot ng contractor. “Usually, sa finishing touches nagtatagal, lalo na kung maraming mabusisi na details.”

I’ll text him para hindi niya gawing mabusisi,” sabi ni Nina. “Madali nang maglagay ng accent pieces kasama ng display ng merchandise. Gusto ko sana, matapos tayo in two weeks.”

Magagawa namin iyon ni Rico kung magkakasundo kayo sa design na madaling i-execute,” sabi ni Zed.

Then it’s settled,” sabi ni Gabriel. “We’ll call you when the designs are ready day after tomorrow, Zed.”

Halatang dinidispatsa na agad nito ang contractor.

Sige, I’ll be waiting, Boss,” sagot nito. “Sige, Ma’am. Thank you.”

Thank you, Zed,” sabi ni Nina.

Pag-alis ni Zed Joven, inalis na ni Gabriel ang pagkakaakbay sa kanya. Nanghinayang si Nina. Madali pala siyang mawiwiling inaakbayan ni Gab.

I see what you mean,” amin ni Nina. “Pero hindi ka naman dapat nabahala. Na-sense ko rin kaagad ang tipo niya. At hindi ko siya type.”

Salamat naman at hindi ganoong klase ang type mo,” sagot ni Gabriel.

Mas type ko pa nga sana si Rico, e,” amin pa niya. “Sayang, bading pala. Nauubos na talaga ang mga lalaki sa mundo.”

Tumawa si Gabriel.

Pero, I’m sure, makakahanap pa rin ako.”

 

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Booklat Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Podcasts by Santiago Villafania