The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09

Gabriel: Chapter 4

Paraiso_3_gabriel"Pero nakaka-distract pa rin talaga ang malusog na dibdib ni Nina, lalo pa at litaw ang cleavage nito sa suot na tank top.”

Hindi makapaniwala si Gabriel sa kanyang 
narinig. Para siyang namatanda. Namalayan na lang niyang nag-iisa na siya sa elevator. At pasara na ang pinto.

Nagmamadaling pinindot niya ang “Door Open” button, sabay sigaw.

"Nina!”

Hangos siyang humakbang palabas sa pasilyo.

Natigilan siya nang magkagulatan sila ng mga residente ng Apartment B na nasa palapag ding iyon. Patungo ng elevator ang mag-asawang Pranses na kapwa may-edad na.

"Pardon me,” mabilis na bawi ni Gabriel sa mga guests, nakangiti nang alanganin.

Tinanguan naman siya ng mga ito kahit kita ang bahagyang pagkaalarma sa mga mukha. Makarinig ba naman ng lalaking sumisigaw sa pasilyo ng isang supposedly five-star facility. Hindi naman alam ng mga ito na siya pala ang may-ari ng hotel.

Hinintay muna ni Gab na makasakay ng elevator ang mag-asawa at magsara iyon bago niya binalingan si Nina na nakatayo sa harap ng pinto ng Apartment A, naghihintay sa kanya.

"What the hell are you talking about?” ulit ni Gabriel sa dalaga.

Hindi na siya sumisigaw pero mariin pa rin ang kanyang pananalita.

"The key, please?” matamis ang pagkakangiting sagot ni Nina.

Nahimasmasan nang kaunti si Gabriel. Nasa pasilyo pa nga pala sila. Inilabas niya ang susi at binuksan ang pinto ng apartment. Nagpauna na sa pagpasok ang dalaga. Sumunod siya.

"Beautiful!” sabi ni Nina habang binibistahan ang loob ng apartment. “But I suppose kung magtatagal ako rito okay lang kung magdagdag ako ng accents to personalize the place?”

Kumumpas ang kamay ni Gabriel.

"Do whatever you want,” sabi niya. “Ang pag-usapan natin ay iyong sinabi mo kanina. What exactly did you mean by that?”

"Bakit ka ba nagpa-panic?” natatawang tanong ni Nina. “What’s so wrong with what I said? Masama bang tularan ko kayo ni Kuya?”

"Nina, kadarating mo lang, kung anu-anong kalokohan na iyang pinagsasabi mo,” sagot ni Gab. “Parang gusto na tuloy kitang isakay uli sa eroplano at pabalikin sa California. Umuwi ka lang ba rito para kunsumihin ako?”

"Nakukunsumi ka dahil you’re too uptight,” sabi ni Nina. “Pinoproblema mo ang bihis ko. Ngayon, pati ang magiging lovelife ko, pinoproblema mo rin. E, magiging magkapareho lang naman tayo. So relax. If it’s okay for you and Kuya, it should be okay for me, too.”

"Is this your way of making us stop?” sumbat ni Gabriel. “Panibagong taktika ito, ano? Iniisip mong bigla na lang kaming magbabagong-buhay kapag sinabi mo ito.”

"No, I don’t expect you to do that,” iling ni Nina. “I intend to be like the two of you. Seryoso ako. The same way I’m serious about my shop.”

"Pero bakit?” tanong ni Gabriel. “You’re too young to be thinking like that. Isa pa, babae ka.”

"Oops!” singit agad ni Nina nang nakataas ang hintuturo. “Careful! Hayan na naman iyang argumentong hindi pwede kasi babae ka. Hindi na papasa iyan these days. I’m sure you’ve heard of gender equality.”

"About my age – para namang ang laki ng difference natin. It’s just two years. Saka natuto na ako sa mga pinagdaanan ninyo kaya ayaw ko nang maranasan pang masaktan nang husto bago ko proteksyunan ang aking sarili. Mabuti na itong habang maaga, protected na ang puso ko. I’ll just enjoy life with willing partners. No expectations. No disappointments. Di ba sabi mo nga?”

Napatiim-bagang si Gabriel.

Sarili nga niyang mga salita ang ibinabalik sa kanya ng dalaga. Pero kung napaka-logical niyon sa kanyang pandinig kung patungkol sa kanyang sarili, bakit hindi niya matanggap kung patungkol kay Nina?

"Kailangan bang patunayan ko muna na nasaktan ako nang husto bago ako magkaroon ng karapatang tularan kayo?” tanong pa ng dalaga.

Napatingin dito si Gabriel.

"No,” iling niya agad. “Ayokong maranasan mo iyon. Ever.”

Nginitian siya nang malungkot ni Nina.

"You can’t protect me forever, Gab,” sabi nito. “Kayo ni Kuya. Despite your good intentions, hindi ninyo kayang protektahan ang puso ko from heartache.”

May kung anong emosyon sa boses nito na hindi niya maunawaan. Para bang may pinagdaanan na nga itong pain. Lalong tumindi ang pagiging protective ni Gabriel.

"But at least I can protect you from this ridiculous plan of yours,” bulalas niya. “Pagpipiyestahan ka rito. Magsasamantala ang mga lalaki sa iyo.”

"Ganoon ka ba sa mga babaing nakaka-fling mo?” tanong ni Nina.

"Of course not!” pahumindig pang sagot niya. “I never take advantage of them. Alam nila ang pinapasok nilang sitwasyon. Hindi ako nakikipagrelasyon sa hindi katulad ko ng paniniwala sa buhay.”

"Then that’s my answer,” sabi ng dalaga. “Ano ba ang ipinagkaiba ko sa mga babaeng nakaka-fling mo? Katulad nila, I can find a man who agrees with my point of view. Katulad mo. It’s a fair deal, ‘di ba?”

"You’re impossible!” nanggigigil na bulalas ni Gabriel. “Alam ba ni Anton at ni Tita Nelia iyang mga plano mo?”

"I’m of age, Gab, kaya hindi ko na kailangan ang permiso nila,” sagot ni Nina. “O ng pahintulot mo, for that matter.”

Hindi niya inaasahan ang sakit na nadama niya sa mga salitang iyon ng dalaga.

"So hindi mo na pala kami kailangan ngayon,” sabi niyang naninikip ang dibdib.

Agad namang lumambot ang mukha ni Nina. Nilapitan siya nito at hinawakan sa braso.

"Hindi naman sa ganoon,” bawi ng dalaga. “I do need you to support me. Kaya nga dito ako titira sa tabi mo, e. Saka dito ako sa Paseo magtatayo ng store. I want to be with you. Miss na miss na kita, e.”

Nakatitig sa kanya si Nina, malamlam ang mapupungay na mga mata.

Biglang-bigla, nakadama si Gabriel ng udyok na kabigin ito at hagkan sa mapupulang mga labi. Agad niyang pinigil ang sarili. Huwag. Bawal.

Bago pa siya ganap na matukso, lumayo siya kay Nina. Nagkunwari siyang naghihinanakit pa rin.

"Pero ayaw mo namang makinig,” sabi niya habang tumatalikod at pumupunta sa bar.

Kumuha siya mula sa mini-ref ng isang plastic bottle ng malamig na tubig. Binuksan niya iyon at dire-diretsong tinungga. Kailangan niya ng pampalamig.

"Huwag ka ngang ganyan,” ungot ni Nina. “Tinatrato mo akong parang teenager, e. I’m a grown woman now. Pareho na tayong adults.”

Iyon nga ang problema, sagot ng isip ni Gabriel. She’s a woman now. At nagre-react din siya kay Nina sa ganoong antas. Hindi na bilang best buddy.

Kailangan niyang marendahan ang kanyang sarili.

On the other hand, kailangan din niyang marendahan si Nina. Maawat sa binabalak nito. Pero sa paraang hindi nito mapapansin. Para hindi ito umalma.

"Okay, okay,” bawi kunwari ni Gabriel. “Truce muna tayo sa usaping iyan. Pero huwag kang padalus-dalos. Pag-isipan mo muna nang mabuti. At saka huwag kang basta magtitiwala sa lalaki. Marami pa ring mga loko rito. Iba ang kanilang definition sa klase ng lifestyle ko. Wala silang pakundangan sa babae. Walang respeto. Ayokong ma-link ka sa ganoong mga lalaki.”

"I’ll be very careful, I promise,” sagot ni Nina. “At saka magiging busy pa muna ako sa pagse-set-up ng store kaya wala ka pang aalalahanin tungkol diyan.”

"Good,” tango ni Gabriel. “In the meantime, magpahinga ka muna. Tonight, I’ll take you out to dinner. Kung pagod ka pa at ayaw mong lumabas, pwedeng umorder na lang tayo at dito kumain. O sa penthouse. Kung gusto mo naman, we can go out. Magsabi ka lang.”

"Dito na lang,” sagot ni Nina. “Para mas relaxed tayo. Saka na tayo mag-night out.”

Kinabahan si Gabriel. Ayaw pa naman sana niyang magkasarilinan sila nang matagal. Bakit nga ba binigyan pa niya ito ng choice?

"Okay, ano’ng klaseng food ang gusto mo?” tanong na lang niya sa dalaga.

"Definitely Pinoy,” sagot ni Nina. “Tinolang manok na may green papaya at talbos ng sili, bagnet, inihaw na pusit at dessert na ube ice cream.”

Natatawang napailing si Gab.

"Parang alam na alam mo na talaga kung anu-ano ang gusto mong kainin, ano?” sabi niya.

"Aba, matagal kong pinagplanuhan ang mga gusto kong kainin pagdating ko rito,” sagot ng dalaga. “First batch pa nga lang iyan. Marami pang nasa listahan ko.”

"Matakaw ka pa rin nga,” tumatawa pang lalo na sabi ni Gabriel. “Just like old times.”

"Nabu-burn off ko naman sa dancing, e,” sagot ni Nina. “So I eat whatever I want.”

"Sige, ipapa-deliver ko ang mga inorder mo at around seven,” sabi ni Gabriel. “Okay ka na ba sa oras na iyon?”

"I’ll be waiting,” matamis ang ngiting sagot ni Nina.

 

Dumaan muna si Gabriel sa kanyang opisina sa Paseo Paraiso Office Towers para pumirma ng papeles.

Pero distracted siya. Hindi tuloy muna niya pinirmahan ang mga sensitibong dokumento. Mahirap na. Baka may makalampas sa kanyang inspeksyon. Kailangang pasadahan niya uli ang mga iyon kapag malinaw ang kanyang pag-iisip.

Sumandal na lang muna ang binata sa kanyang swivel chair at tumingin sa labas ng kanyang panoramic window.

Malaki ang problema niya. Very much attracted siya sa kanyang best buddy.

Iba si Nina sa lahat ng mga babaeng nakapaligid sa kanya. Hindi dapat katalo. Bakit ngayon, mas matindi pa ang nadarama niyang atraksyon dito kaysa sa iba?

Mahal na mahal niya si Nina bilang best friend. Hindi siya dapat na ma-attract dito physically. Hindi ba’t parang pagtatraidor iyon sa kanilang napakatagal nang friendship?

Huminga nang malalim si Gabriel. Kailangan niya ngayon ng matinding self-control.

Pero may mas matindi pa siyang problema. Ang kung paano naman kontrolin si Nina sa pinaplano nito.

Doon lalong nag-aalma ang damdamin ni Gabriel.

Kung siya nga na best friend ni Nina ay nahahalina rito sa ayos nito ngayon, paano pa kaya ang ibang lalaki? Dudumugin ito ng mga aplikante.

Hindi niya kayang pabayaan si Nina na pumasok sa ganoong lifestyle kahit pa sabihing nasa edad na ito at alam nito ang ginagawa. Hindi kaya ng loob niya.

Kailangang makahanap siya ng solusyon.

 

Alas-syete impunto, kumatok si Gabriel sa pinto ng Apartment A.

Nagulat siya nang pagbuksan siya ni Nina nang naka-shorts at tank top set na gawa sa baby pink cotton knit. Mukha itong nakapantulog.

Nasa likuran pa naman niya ang kanyang staff na may dala ng kanilang pagkain. Panay lalaki.

Pinandilatan niya ang dalaga.

"Magbihis ka muna. Kami na ang bahalang mag-set ng table,” sabi ni Gabriel.

Tinaasan siya ng kilay ni Nina.

"But I’m dressed,” sagot nito. “Akala ko ba, sabi mo, relaxed dinner at home lang ito. So I dressed to eat at home. Tara, pasok na kayo. I’m hungry.”

Walang nagawa si Gabriel kundi patuluyin ang kanyang kasamang staff. Inisip na lang niya na trained naman ang mga itong huwag magpakita ng kakaibang reaksyon ano man ang mapansin sa guests. Ganoon pa man, nagngingitngit ang binata.

Tumulong pa si Nina sa pag-set ng table.

"Casual dining lang,” sabi nito. “Para mas masarap ang kain.”

Nang iwan sila ng staff, saka niya ito sinita.

"Bakit nakapantulog ka?”

"I’m sorry, hindi ko ito pantulog,” nakangiting sagot ng dalaga. “I don’t wear anything to bed kapag ganito kainit ang panahon. ‘Pag malamig naman, I wear pajamas.”

Hindi iyon ang gustong marinig ni Gabriel. Nakadagdag pa sa kanyang pagkabalisa ang imaheng pininta ni Nina sa kanyang imahinasyon. Na wala itong suot kung matulog. Hindi na yata niya mabubura iyon sa kanyang isipan.

"Kung hindi iyan pantulog, ano pa’ng tawag diyan?” iritableng sabi niya.

"Pambahay,” sagot ni Nina. “Ang sweet nga, e. Parang pang-little girl. Ano ba’ng problema mo sa outfit na ito?”

"Kasi nga hindi ka na little girl,” sagot ni Gabriel. “At kahit noong little girl ka pa, hindi ka naman nagsusuot ng ganyan. Kung kailan ka pa tumanda...”

Natawa si Nina.

"Kaya nga bumabawi, e,” amin nito. “Pagbigyan mo na ako. Ngayon ko naisusuot ang mga hindi ko man lang tinangkang i-enjoy noong araw. Halika, kain na tayo.”

Makakakain ba naman siya nang maayos kapag ganoon ang kanyang kaharap?

Konsolasyon na ni Gabriel na, at least, kalahati na lang ng katawan nito ang nakatambad sa kanya. Naitatago na ng mesa ang mabibilog, mapuputi at makikinis nitong mga hita at mahubog na binti.

Pero nakaka-distract pa rin talaga ang malusog na dibdib ni Nina, lalo pa at litaw ang cleavage nito sa suot na tank top. Maging ang mga braso ng dalaga ay mukhang kaysarap pisil-pisilin.

Nakadagdag pa sa pagka-senswal ng eksena ang masarap na pagkain ni Nina. Bigay na bigay. Talagang ini-enjoy ang bawat putahe. Ninanamnam.

"Na-miss ko ang lahat ng ito,” sabi pa ng dalaga. “Kahit nagluluto kami ng Pinoy food doon, parang iba pa rin ang labas. Hindi kasi eksakto ang ingredients. Walang green papaya. Kung meron mang talbos ng sili sa oriental store, hindi na fresh. Ang chicharon doon, iba. Ang pusit doon kapag iniihaw namin, hindi kasingsarap ng pusit natin dito.”

"Naku, delikado,” sabi ni Gabriel. “Malamang, tataba ka uli rito.”

Mabuti nga kapag nagkaganoon, dagdag ng isip niya. Mababawasan ang kanyang problema. Mababalik ang dati niyang pagtingin sa kanyang rolypoly best friend.

"No way,” iling ni Nina. “Ganito rin ako kalakas kumain sa States, e. As long as I keep on dancing, I’ll be okay.”

Tuloy ang kain nito.

Hindi naman mapigil ni Gabriel na maaliw sa panonood sa dalaga. Doon pa lang, parang nabubusog na siya.

"O, ba’t hindi ka kumakain?” tanong ni Nina.

"Nawiwili akong panoorin ka, e,” amin niya.

"Ngek! Mako-conscious ako niyan,” sagot ng dalaga. “Ang lalaki pa naman ng mga subo ko. Kailangang sabayan mo ako para fair. Kunwari ka pa, alam ko namang matakaw ka rin, e.”

Napilitan na ring kumain si Gabriel. Pero parang hindi niya nalalasahan ang kanyang kinakain. Subo siya nang subo pero naka-focus kay Nina ang lahat ng kanyang pandama.

Halos naubos din nila ang mga nakahain.

"So, nasaan na ang ube ice cream?” tanong agad ni Nina.

"Kaya mo pa?” natatawang sabi ni Gabriel.

"Aba, talagang nagreserba ako ng space para roon,” sagot nito. “Kailangan, may bagay na dessert to top it all.”

Nag-ube ice cream pa nga sila. Para pa itong bata na hindi pumayag na hindi naka-cone ang ice cream. Double scoop. May second serving pa.

"That was good!” sabi ni Nina pagkatapos.

"Grabe ka!” tumatawang iling ni Gabriel. “Mapapalaban pala uli ako ng kainan sa iyo. Nakalimutan ko nang ganito ka nga pala kalakas kumain. Nasanay na kasi ako na ang mga kasama kong babae, panay on diet.”

"Hindi uso sa akin ang diet,” sagot ni Nina. “I want to enjoy life to the fullest. Halika, doon tayo mag-herbal tea sa balcony. May dala ako. Nakakatawa nga kasi nag-roundtrip na itong tsaang ito. Padala ito sa amin ni Ate Urielle galing Paraiso. Tapos, ngayon, baon ko pa rin pauwi rito sa Manila. I just can’t live without it, e. Kasama nga ito sa mga produktong ibebenta ko sa boutique.”

"Ipakukuha ko na muna itong pinagkainan natin,” sabi ni Gabriel. “Para hindi ipisin itong area mo.”

Tumawag siya sa ibaba. Maya-maya lang, andyan na ang mga magliligpit.

Nagtuloy na sila ni Nina sa balcony ng apartment.Nakatanghod iyon sa roofdeck ng mall kung saan naroon ang mga bars and music lounges na pang-nightlife. Umaabot sa kanila ang live jazz music mula sa ibaba. Napapanood nila ang mga grupo-grupong nagkakasayahan sa outdoor tables. Naririnig nila ang mga halakhakan.

"Iba pa rin talaga ang energy rito sa atin,” sabi ni Nina. “It feels great to be home again. Iyong ang mga nakapaligid sa iyo, kababayan mo. Hindi ka outsider.”

"Outsider pa rin ba ang pakiramdam mo sa California kahit American citizen ka na?” tanong ni Gab. “Sa tinagal-tagal mo roon, hindi ka pa rin fully adjusted?”

"Parang ganoon na nga,” amin ni Nina. “I’ll never feel like a true American, I guess. Pinay talaga ako, body, heart and soul. Nagpapasalamat ako sa lahat ng biyayang ibinigay ng America sa pamilya namin pero hinahanap ko pa rin talaga ang Pilipinas.”

Nagkwentuhan sila. Effortless pa rin, tulad nang dati. Katulad ng lagi nilang ginagawa sa kanilang internet chats. Napatunayan ni Gabriel na si Nina pa rin nga ang hinihintay niyang best buddy.

Except that he’s still distracted by her looks. Kung pwede nga lang, ayaw na niya itong tingnan. Lalo na at mas gumaganda yata ito sa liwanag ng buwan.

Napansin na lang nilang hatinggabi na pala.

"Naku, pinuyat na kita,” sabi ni Nina. “Pasensya ka na. May office ka pa naman bukas, hindi ba?”

"Okay lang, sanay naman ako sa night life,” sagot ni Gabriel. “It’s part of my job to socialize. Mabuti nga ito at hindi trabaho, e. Nakapag-relax naman ako nang totoo. This is a rare opportunity for me.”

"Thanks sa pag-aalaga mo sa akin, Gab, ha!” dagdag ni Nina. “Talagang masarap ka pa rin mag-alaga. Sana huwag kang magsawa.”

"Aba, seven years ko itong hindi nagawa kaya matagal-tagal pa bago ako magsawa,” sagot niya.

Tawanan sila.

"Sige, I have to get going,” paalam na ni Gabriel. “Matulog ka na rin para maka-adjust agad ang katawan mo sa time zone rito.”

"Thanks uli for everything, Gab,” sabi ng dalaga.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Booklat Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Podcasts by Santiago Villafania