The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09

Gabriel: Chapter 3

Paraiso_3_gabrielPara kasing sasabog na ang kaseksihan ng dalaga sa suot nito. Nae-emphasize ang lahat ng curves.”

Naramdaman na lang ni Gabriel na may 
napakabango at napakalambot na katawang nakayakap sa kanya nang buong higpit. Kusang yumakap din dito ang kanyang mga bisig.

 

Isang mainit na halik ang dumapo sa kanyang pisngi mula sa kay-lalambot na mga labi.

I missed you so much!” pahayag pa ng dalaga bago ito kumalas.

Nalanghap niya ang kay-bango nitong hininga.

Nina?” hindi makapaniwalang bulalas ni Gabriel.

Halos mapanganga siya sa pagharap sa kagandahang ito, lalo na sa malapitan. Si Nina nga. Pero parang hindi si Nina.

Don’t tell me hindi mo na ako nakikilala?” tumatawang sagot ng dalaga.

Kasi ibang-iba ka na,” sabi ni Gab. “You’re not the girl I once knew.”

Of course, because I’m no longer a girl,” sagot ni Nina. “I’m now a woman. But I’m still your buddy. Alam mo iyon. Kagabi lang, magkausap pa tayo sa chat.”

Kasi naman mukha mo lang ang nakikita ko sa webcam,” sagot ni Gabriel. “And you never sent me full pictures. Kailan pa naging ganyan ang ayos mo?”

Natawa si Nina.

Para namang hindi ka sanay makakita ng babaeng ganito manamit,” sagot nito. “Sa nakikita ko naman dito ngayon, almost everyone dresses like this even here in Manila.”

Kunsabagay, kapag inisa-isa nga ni Gabriel ang mga suot ni Nina, wala naman talagang unusual. Ilang babae nga ba ang makakasalubong mo sa kalye o sa mall na ganoon ang suot?

Pero bakit ibang-iba ang dating kapag suot ni Nina?

Para kasing sasabog na ang kaseksihan ng dalaga sa suot nito. Nae-emphasize ang lahat ng curves. Pero hindi naman malaswa. Hindi naman cheap ang dating. Very classy pa nga.

Hindi talaga mapakali si Gabriel.

Hindi yata siya marunong kung paanong makitungo sa bagong Nina. Parang hindi na ito ang kanyang dating best buddy. At mas sexy pa ito kaysa sa lahat ng mga babaeng umaaligid sa kanya.

Ang naaalala ko kasi, lagi kang naka-jogging pants at big tee,” sabi pa ni Gab na para bang gustong ibalik ang mga araw na iyon. “I was expecting something like that.”

Kumportableng-kumportable siya kay Nina kapag ganoon ang suot nito.

Lalong natawa ang dalaga.

Baby tee na ang uso ngayon,” sagot nito. “And I still wear sport pants. Iba na nga lang kaysa dati ang style. Hindi na loose and baggy. Second skin na halos ngayon ang sportswear, lalo na iyong mga isinusuot ko for yoga and dance. Makikita mo. I’ll show you later.”

Napalunok si Gab. Second skin? Ano na kayang klaseng sports pants iyon?

Pero sanay naman siyang nakakakita ng mga babaeng naka-cropped tights sa gym. Tama nga, second skin na halos na matatawag ang mga iyon. Kaso, ang mga babaeng nakikita niyang nakasuot ng ganoon, mga payat. Actually, fit na fit at very lean. Sexy na ang tawag niya sa mga iyon noon. Pero ngayon, somehow, biglang nag-iba ang kanyang definition sa salitang “sexy.”

Bakit ba iba ang dating kapag katawan ni Nina ang ini-imagine niyang nakasuot ng simple at generic na gym wear? Parang biglang dapat i-ban ang ganoong kasuotan in public.

Napansin na lang ni Gab na tinatanong siya ni Nina.

Hindi pa ba tayo lalakad?”

Parang wala sa sariling pinilig niya ang kanyang ulo. Kailangan niyang mabalik sa tamang wisyo.

Kukunin ko na ang sasakyan,” sagot niya. “Pakihintay na lang dito.”

Aliw na aliw si Nina. Kitang-kita niya kasing nagulat si Gabriel at patuloy na natataranta sa bagong ayos niya.

May epekto rin pala siya kay Gab bilang babae. Kahit sanay na sanay na itong napaliligiran ng naggagandahang mga babae.

Kilig na kilig si Nina. Hindi niya akalaing ganito ang madaratnan niyang sitwasyon. Hindi na siya dehado kay Gabriel. May sarili na rin pala siyang panlaban.

Mabuti naman. Paano, napatunayan din niyang patay na patay pa rin siya kay Gabriel. He’s even more gorgeous than ever. Bumagay sa binata ang nadagdag na maturity.

At least, ngayong alam niyang attracted din si Gab kahit sa kaseksihan man lang niya, hindi na pathetic ang kanyang pakiramdam.

Dumating ang binata, dala ang sasakyan. Isinakay nila ang kanyang mga gamit sa likod. Pagkatapos, sumakay na si Nina sa passenger’s seat sa tabi ng driver.

I can’t wait to see the changes in Paseo Paraiso,” sabi niya. “Imagine, bagung-bago pa iyon noong umalis kami. Ni hindi pa nga napupuno noon ng shops ang mall. Ngayon, kinailangan ko pang maghintay nang ilang buwan para lang makakuha ng shop.”

Maswerte ka pa nga at may nabakante,” sagot ni Gab. “Madalas kasi, kahit nagsasara ang isang shop, pinapalitan lang din ng owners ng iba namang klase ng tindahan just so they don’t lose the slot. Lalo na kung maganda ang location sa mall.”

E di maganda pala ang business climate rito,” sabi ni Nina. “Kung ganoon, bakit dini-discourage mo akong mag-open ng boutique?”

Hindi madali ang mag-business dito ngayon, kaya nga mabilis magpalit ng business ideas ang small entrepreneurs,” paliwanag ni Gabriel. “Maselan na ang mga mamimili, palibhasa ay dahil mahirap ang pera. Kailangan mong mag-compete sa maraming negosyante para sa mas maliit nang spending power ng buyers. Kailangan mong mahanap ang kiliti nila. Kung saan sila willing gumastos. Iyon lang naman ang ipinapaalala ko sa iyo.”

Sa nababasa ko, malakas pa rin ang mga business na tungkol sa beauty, health and wellness,” sabi ni Nina. “Tama ba?”

Oo naman, lalo na para sa mga may pera,” tango ni Gabriel. “Naiintindihan na ng mga tao na kailangan nilang mag-invest sa kanilang health and well-being para maging productive at masunod ang gusto nilang lifestyle. And, of course, lahat ng babae ay gustong maging beautiful.”

Health and beauty will never go out of style,” pahayag ni Nina.

Ano ba talagang tipo ng boutique ang itatayo mo?” tanong ni Gabriel. “Clothes? Makeup? Accessories?”

And more,” sagot ni Nina. “It’s a complete lifestyle store. Tatawagin kong Diossa. That’s taken after my second name, remember?”

Of course, I remember your full name Miss Nina Diossa N. Montero,” sagot ni Gabriel.

Lumiwanag ang ngiti ni Nina.

Mas meaningful na sa akin ngayon ang second name kong Diossa after I went through that goddess workshop I told you about,” pagkukwento niya. “Doon nagsimulang mabuo ang aking mga ideas para sa store. I want women to be able to realize that each one of us is a goddess in our own right. Beautiful and powerful.

I will have clothes for women of all shapes and sizes. Lahat, makaka-enhance ng kanilang assets and femininity.

My accessories will be enhanced with natural crystals. Hindi lang decorative kundi may healing properties din, at saka energizing.”

Magtitinda ako ng aromatherapy products – massage oils, lotions, skincare, hair care, and perfume. Magkakaroon din ako ng makeup line made from all-natural ingredients. Hypoallergenic and non-comedogenic. Very safe. In fact, flavored and edible para kapag hinalikan ang may gamit niyon, delicious.”

Of course, mayroon ding books and music. Everything about natural health and beauty. Kasama rin ang spirituality and self-help. Iba’t ibang therapies. Exercises. Dance. Meditation.”

On the side, magbibigay ako ng lessons. Yoga. Belly dancing. Flamenco. Meditation. Art therapy. Aromatherapy. I’ll have to enclose one side of the store as my studio.”

O, di ba maganda ang mix? Very holistic.”

Very intriguing,” amin ni Gabriel.

Actually, may kausap na rin akong local source for my products, aside from those I’ll be importing from the States and all over the world,” patuloy na pagkukwento ni Nina. “Remember Ate Urielle — ‘yung pinsan kong may natural products business sa Paraiso? Sa kanya ako kukuha ng local aromatherapy supply. Gumagawa siya ng iba’t ibang klase ng natural beauty products based on aromatherapy. Mayroon din siyang mga herbal tea. Ini-export na nga niya ang mga produkto niya, e.”

Ang deal namin, sa kanya ako oorder ng products pero ipa-package ko sa brand name na Diossa. Doon na rin ako nagpa-design ng sarili kong mga bote at labels sa packaging company na ginagamit niya.”

Ang dami mo na palang nagawa,” parang gulat na gulat na sabi ni Gabriel. “Sinimulan mo na pala talaga ang paghahanda.”

Aba, seryoso ako rito sa pinapasok ko,” sagot ni Nina.

Sasabihin ko pa naman sana na it’s probably just a phase,” nangingiting amin ni Gab. “Na after a while, pagsasawaan mo rin. Gaya noong maliit ka pa at sinabi mong gusto mong maging hairdresser. Pati buhok namin ni Anton, pinakialaman mo. Pinaggugupit mo. Napalo ka tuloy.”

Dapat nga hindi ako pinalo noon kasi pumayag din naman kayo na magpagupit sa beauty salon ko,” nakalabing sagot ni Nina. “Hindi ko naman kayo pinilit.”

Akala kasi namin, laro lang,” katwiran ni Gab. “Hindi namin alam na talagang gugupitan mo kami. E, noong nagupitan mo na ako, di siyempre pumayag na rin si Anton para pareho kami. Actually, natuwa naman kami sa kinalabasan, e. Punk na punk. Hindi nga lang natuwa ang parents natin.”

Tawanan sila.

O, naalala mo naman iyong phase mo na gusto mong magtayo ng bakeshop? Inuumaga tayo noon kagagawa ng cookies na ibinibenta mo sa school. Nagsawa ka rin naman,” paalala pa ni Gab.

Paano po, nalugi ako,” sagot ni Nina. “Tumutulong nga kayo pero marami naman kayong kinakain. Talo. Sayang lang ang pagod.”

Pero nagbi-bake ka pa rin ba?” tanong ni Gabriel. “Miss ko na ang mga cakes and pastries mo, e. Iba talaga ang homemade.”

Nagbi-bake pa rin ako pero hindi na as a business,” sagot ni Nina. “Kung talagang kumpleto ang kitchen sa apartment, ipagbi-bake kita one of these days. Mas masarap ang recipes ko ngayon at saka mas healthy. Hindi na ako malakas mag-sugar. Nilalagyan ko ng fruits and honey instead.”

Mmm, I can’t wait,” sabi ni Gab. “Pero hindi ba fattening pa rin iyon? Karamihan sa kilala kong mga babae, hindi na kumakain ng carbohydrates. Kahit daw honey, mataas din ang calories.”

Lahat naman, may calories,” tumatawang sagot ni Nina. “Basta ako, I still enjoy eating. It’s one of life’s greatest pleasures. Bakit ko ipagkakait sa aking sarili? Basta ba within bounds. Huwag lang sosobra.”

Isa pa, hindi ko naman gustong pumayat. I love my body as it is. Ganito na talaga ako. Other women hate their thighs, o kaya gusto nila ng flat na flat na tummy or abs. Ako naman, I love my plump thighs and my rounded little tummy. They make me feel sexy.”

Bumaling siya kay Gab.

Ikaw, aminin mo. Hindi ba sexy rin naman talaga ang mabilog?” diretsahang tanong niya rito. “Don’t you find it erotic?”

Kitang-kita niya ang pamumula ng binata.

Oh come on, Gab,” tumatawang dagdag ni Nina. “Akala ko ba, ladies’ man ka na ngayon? Iyon lang, nag-blush ka na?”

Of course I’m not blushing!” halos manggalaiting sagot ni Gabriel. “Men don’t blush.”

Lalong natawa nang husto si Nina.

O sige na nga, hindi ko na tatawaging blush,” sabi niya. “Pero namumula ka. Para namang hindi ka sanay pag-usapan ang mga bagay na iyon.”

Hindi naman kasi ganyan ang mga pinag-uusapan natin usually,” sagot ng binata.

Kasi nga,mga bata pa tayo noon,” pakli ni Nina. “But we’re all grown up now. Alangan namang ngayon pa tayo biglang maglalagay ng demarcation line sa mga pwede o hindi pwedeng pag-usapan. Hindi ba, sa atin, no holds barred?”

Naninibago lang ako sa iyo,” sabi ni Gab.

Sa chat naman, hindi ka naninibago sa akin, a,” sagot ni Nina. “I still speak my mind out the same way. Naiilang ka lang yata sa bihis ko. Pero masanay ka na rin. This is me now. Ganito mo ako makikita sa araw-araw. In fact, toned down pa nga for travelling itong outfit ko ngayon. You should see me on a night out.”

Baka naman kailanganin mo na ng bodyguard niyon,” sabi ni Gabriel.

Tumawa pang lalo si Nina.

Pagtigil nila sa harap ng hotel, ipinasa na ni Gabriel sa valet ang susi ng sasakyan.

Pakidala na rin sa Apartment A ang mga gamit ni Ms. Montero,” bilin pa nito sa staff.

Gab, pwede ba nating masilip kahit sandali ang mismong location ng shop sa mall?” hiling ni Nina. “I mean, before we even go to the apartment.”

Pinagbigyan naman siya ng binata.

Hangang-hanga si Nina sa Paseo Paraiso Mall.

Kayang-kaya talagang ilaban sa mga high-end malls sa big cities sa States,” sabi niya. “Actually, walang binatbat dito ang mga ordinaryong malls sa suburbs doon.”

Iyan nga rin ang madalas sabihin ng mga balikbayan at turista,” may pagmamalaking tango ni Gabriel.

Pinuntahan nila ang bakanteng pwesto. Nasa pagitan iyon ng isang sports wear shop at isang maternity clothes shop. Malapit na sa dulo ng isang wing ng mall.

It’s perfect!” sabi ni Nina. “Mas gusto ko itong ganitong location na talagang sasadyain. Nagkakaroon ng mystique. Kailangang masimulan na agad ang pag-aayos ng interiors. Kakausapin ko na ang team na rekomendado mo. May specific ideas na ako sa design na gusto ko, e.”

I’ll give you their contact numbers,” sabi ni Gabriel. “Pwede na kayong mag-usap bukas. That is, kung hindi ka magkaka-jet lag.”

Kayang-kaya ko iyong i-manage with exercise and my herbal supplements,” nakangiting sagot ni Nina. “Ngayon pang ang taas ng energy level ko? I’m raring to start working.”

O sige, simulan mo muna sa pag-settle sa iyong titirhan,” sabi ni Gabriel. “Halika na muna sa apartment mo.”

Bumalik sila sa hotel.

Your apartment is right under my penthouse,” sabi ni Gabriel nang nasa elevator na sila. “Ibibigay ko sa iyo ang aking security code sa elevator para makaakyat ka any time you want or need to. Hindi kasi umaakyat ang elevator hanggang penthouse unless naka-punch in ang security code na iyon.”

How exclusive naman,” sagot ni Nina. “Convenient nga iyon para hindi magkasabay-sabay ang girls mo, ano?”

I never bring them to my penthouse,” sagot ni Gab. “Sanctuary ko iyon. When I entertain guests, kumukuha ako ng suite sa hotel.”

Mabuti naman at alam kong hindi ako makakabulaga roon ng kung sinu-sino if I decide to come up,” sabi ni Nina. “Ayoko naman siyempreng makaistorbo sa iyong lovelives – plural, ha?”

Akala ko ba hindi mo na ako sesermunan sa aking lifestyle choice?” sumbat ni Gabriel. “Nangako ka sa chat that you’ll respect my stand.”

Hindi naman ako nagsesermon, a,” sagot ni Nina. “Don’t worry, wala akong reklamo sa lifestyle choice ninyo ni Kuya. In fact, I’m even considering it for myself na nga, e.”

Sabay bukas ng elevator sa floor ng Apartment A. Lumabas na si Nina.

Napansin niyang naiwang parang nakatulala si Gabriel sa loob ng elevator.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Booklat Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Podcasts by Santiago Villafania