The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home POC Presents Parokya Sa Web Tinig ng Maralita Matatamis na pangako ngayong eleksyon

Matatamis na pangako ngayong eleksyon

Sa kabila ng kaliwa't kanan na gastusing ito, ganito naman ang kalagayan ng mga maralitang taga lungsod: Masuwerte na lang kung makakain ng tatlong beses isang araw tiyaga na lamang sa isang noodles at bigas na inutang lang sa tindahan. Kaakibat pa nito ang walang katapusang pakikipaglaban nila sa kasiguraduhan sa paninirahan, murang pabahay, gamot at edukasyon. Demolisyon na walang katapusan nararanasan.

Ganito ang mga slogan ng mga pulitiko; "Galing ako sa hirap," "Ipaglalaban ko kayo," "Erap para sa mahirap," "Malapit sa akin ang mahirap." Mga slogan na kalimitan ay maririnig sa mga pulitiko ngunit pagnalukluk na ay naalala pa ba tayo?

Kung malalim natin susuriin sagot ba ang halalan sa krisis na nararanasan? Kung sestema ng prayuridad ang pag-uusapan eleksyon ba ang sagot sa kinabukasan? Kahit banal ang malukluk sa kapangyarihan, patuloy itong sisirain ng sistemang umiiral katulad na lamang ng nangyari kay Gob. Ed Panlilio ng Pampanga na pinabagsak nya ang mga "Gambling Lord" at ibang "Lord" ng pampanga. Ngunit hindi siya tinatantanan ng kanyang kalaban upang mabawiin muli ang posisyon. Hindi rin tinutustusan ito ng pinansyal upang maatubili ang mga programa at proyekto ni Gob. Ed Panlilio. Isang halimbawa lamang po iyan sa mga totoong pangyayari sa sistema ng ating politika sa kasaluyan.

1986 EDSA Revolution ay napatalsik natin ang diktaduryang Marcos dahil sa sama-sama nating pagtindig upang pagtagumpayan ito. Kung inyo rin maalala ang pagpapatalsik natin kay Joseph "Erap" Estrada muli tayong lumabas ng kalsada nagkapit bisig at sumigaw ng Erap alis na dyan hindi ba isa na naman itong tagumpay. Dalawang EDSA na ang naranasan ngunit ano ba ang nagbago? Kahit ilang EDSA pa ang magdaan kung personalidad lang ang papalitan mananatiling maysalapi lang ang syang maykakayahang humawak sa poder ng kapangyarihan.

Kaya itong darating na halanan, panahon na naman ng lokohan. Hindi natin alam kung sino talaga ang tapat sa pangakong bibitiwan. Sana'y matuto na tayo sa mga karanasang nagdaan. Hindi sapat ang TV ad. Billboard at tamis ng salita na bibitiwan.




Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse