Ngunit tila nalilimutan natin ang mas
malalim na problema ng bansa. Itong isyu ng mga maralita at batayang
sektor na patuloy na nakararanas ng pang-aapi at kahirapan. Tuwing
darating ang halalan ay naiipit tayo sa pagtutunggali ng mga
gustong manatili sa puwesto at yaong mga nag-uunahang nagnanais
maluklok sa kapangyarihan.
Ginamit ko ang pagkakataon ito upang ipaliwanag ang politikang umiiral ngayon sa ating bansa.
Paulit-ulit at nagpapatuloy na panloloko sa mga tao. Patuloy pa ring umiiral ang katotohanang ang gobyerno ay hawak ng mga kapitalista at panginoong maylupa. Hangga't lagi tayong nalilibang o nagogoyo ng mga politikong yan ay mananatili tayong dahop at api.
Kaya magpakamulat tayo! Matuto tayong magkaisa, magmahalan at magdamayan. Kapag nagawa natin ito, tayong mga maralita ay mas magkakaroon ng kapangyarihan. Kung tayo ay magigising sa katotohanan, maipapakita nating tayo ang lakas at buhay ng demokrasya.
Kailanman ay hindi iiral ang demokrasya, katarungan at kalayaan hangga't ang masa't maralita ay hindi nagkaisa at nagmahalan.

Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook