The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09

“MAY LUPA NA AKO!”

Masalimuot at magulo ang naging sitwasyon ng mga magsasaka sa loob ng isang taon matapos ang ika-20 taong anibersaryo ng CARP. Sa loob ng isang taon, dalawang extension ang ipinasa ng Kongreso na nagpahirap sa mga magsasakang wala pang lupa at kasalukuyan palang nakikipaglaban para rito. Pinakamasidhi rito ang ipinasa noong December 17, 2008 kung saan ay tuluyan nang inalis ang Compulsory Acquisition (CA) at sinundan pa ng DAR Memorandum ni Sec. Nasser Pangandaman na nagsasaad ng pagpapatigil sa proseso at dokumentasyon sa lahat ng mga kasong may kaugnayan sa CA. Bukod pa rito ay ang kani-kaniyang hiyawan ng ibat-ibang grupo na humihingi ng extension ng programa at ang malaking pwersa na ayaw sa pagpapalawig ng CARP.

Habang ang lahat ay abala sa mga isyung kinasasangkutan ng mga magsasaka sa larangang nasyunal ay may pitong magsasaka namang abala rin sa pakikipagbakbakan sa larangang lokal, kinalampag ng mga magsasaka ang mga ahensya sa nasyunal at lokal na tanggapan upang matiyak na bagaman walang kasiguruhan kung ipagpapatuloy pa ang CARP, makakamtan pa rin nila ang katuparan ng kanilang karapatan at pangarap.

Noong ikalima ng Hunyo, maagang gumising ang pitong magsasakang ito. Nagtungo sila sa lupang matagal na nilang ipinaglalaban, naglagay ng tolda, mga lamesa at upuan. Sa di kalayuan naman ay mga nanay ang makikitang naghahanda ng pagkain at inumin. Abala ang lahat at halos walang makausap. Unti-unting dumarami ang mga taong nagsisidatingan. Ang iba ay mga usiserong di pa rin makapaniwala na ngayong araw na ito ihahandog sa pitong magigiting at matatapang na magsasaka ang kanilang Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Pinag hati-hatian nila ang 17 ektaryang lupaing pagmamay-ari ng United Coconut Planters Bank at pilit namang inaagaw ng pamilya Quisumbing.

Natupad na ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling lupang masasaka. Sa ngayon ay sinimulan na nilang linisin at tabasan ang kani-kanilang mga lupa upang sa gayon ay makapagsimula na rin silang makapagtanim at higit sa lahat ay mamuhay na ng marangal at may dignidad.

Mabuhay kayo mga kasamang Rodolfo Tierra, Henry Aguirre, Raymundo Morcilla, Romeo Morcilla, Rufino Linatoc, Marcelino Llanes at Lolo Godofredo. Mabuhay po kayo at ipagpatuloy ninyo ang pagganap sa responsibilidad na iniwan sa atin ng Panginoon, ang lumikha ng pagkain para sa lahat.


Photo by: Jun Toledo



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse