The Philippine Online Chronicles

The POC
Wednesday
Feb 08
Home POC Presents Parokya Sa Web Tinig ng Magsasaka Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa!

Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa!

Magulong-magulo na ang mga nagiging kaganapan sa mga panahong ito. Araw na lamang ang binibilang bago malaman kung ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay may extension ba o wala. Ramdam ito sa nasyunal sa pagbabanggaan ng nasa magkabilang panig na nananawagan ng dalawang magkaibang kagustuhan, ipasa ang CARP at huwag ipasa ang CARP. Ito ay kitang-kita sa mga tanggapan ng senado, kongreso at harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kung saan kani-kaniyang kampuhan kaakibat ang mga magkakasalungat na panawagan.

Kung kitang-kita ang kaguluhan sa harapan ng mga naturang tanggapan ay lalo na sa lokal na larangan kagaya sa Hacienda Yulo kung saan ang lupaing tinitirhan ng mahigit sa 1000 mga pamilya doon ay sinusukat na upang gawing mga industrial/commercial subdivission at golf course. Ang mga magsasaka natin doon ay hinaharass ng harap-harapan at ang mga lider magbubukid naman ay pinupuntahan na ng mga pulis upang pigilan sa pagmomobilisa.

Sa kabila nito ay pilit pa ring ipinaglalaban ng mga magsasaka ang kanilang mga karapatan sa lupa na tila ba sila ay naghahasik ng katuwiran, ang mga panginoong may-lupa naman ay patuloy pa rin sa ginagawa nilang pagharass at pangangamkam sa lupa na ang may karapatan naman ay ang lahat ng nilalang. Tila ba sila ay kumakain ng kasinungalingan sa paghahasik nila ng kaguluhan sa ating mga magsasaka.

Ipinag-uutos ng Panginoon sa ating lahat na bungkalin na ang pinabayaang lupa ngunit taliwas ang kanilang ginagawa. Gayundin ang mga mambabatas na inihalal ng mga tao at nanumpa sa Diyos na poprotektahan ang pangkalahatang interes ngunit taliwas din nito ang makikita sa kanilang mga aksyon.

Nawawala na nga yatang tuluyan ang puso ng mayayaman nating mga kababayan para sa pagmamahal sa lupa kasabay ng pagkalusaw sa pagmamahal nila sa Panginoon. Sila ay mistulang mga binhing inihasik at pumatak sa buhanginan, mga walang pagmamahal sa kabukiran na pinagkukunan natin ng pagkain, mga walang pagmamahal sa mga magsasaka nating nagbibigay ng makakain. Higit sa lahat ay nawawala na ang kanilang pagmamahal sa Panginoon na lumikha ng lahat pa sa ating lahat.

Nawa ay magising sila sa katotohanan ng kanilang responsibilidad bilang tao na nilalang ng Diyos para sa kanilang kapwa at hindi para sa sarili lamang, habang may panahon pa

Photo by: Jun Toledo



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay may extension ba o wala. Ramdam ito sa nasyunal sa pagbabanggaan ng nasa magkabilang panig na nananawagan ng dalawang magkaibang kagustuhan, ipasa ang CARP at huwag ipasa ang CARP. Ito ay kitang-kita sa mga tanggapan ng senado, kongreso at harapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kung saan kani-kaniyang kampuhan kaakibat ang mga magkakasalungat na panawagan.'); return false;">Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

teban 05 June 09, 10:52 PM
sana nama'y maawa sila sa mga farmers...
matagal na kasi silang nakatira sa lupang iyon at napaunlad na nila iyon...
kung mapapaalis man sila dun sana naman ay bigyan sila ng relocatiion at pondong panghanapbuhay para sa kanila... :(
joanneleebincecamba 27 November 11, 10:40 AM
that's right.. Farmers should be aware of their rights in their land. Kaya sana sa mga educated persons na nakakakilala ng mga farmers na naaabuso ang krapatan sa lupa, learn how to help them nman sna in small ways.. hindi ung cla pa mismo ang mgtatakwil sa krpatan nla.. we should pity them!.. we should be thankful p nga dpat kc w/o them, san tau kukuha ng mga pagkain ntn?? (ACT n WAKE UP1)
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse