Setyembre 3, 2007 ng magtipon-tipon ang mahigit sa 1000 magsasaka ang nagpahayag ng kanilang sentimyento sa sekretaryo ng kagawaran. Pinapasok ang higit sa 100 lider magsasaka buhat sa Southern-Tagalog. Sa loob ng dyalogo na kung saan pinag-uusapan ang mga kasong sangkot ang libu-libong mga pamilya buhat sa kanayunan, mga kasong pinagbuwisan ng maraming mga buhay ng ating mga magsasaka, at mga kasong hindi maipaliwanag ng departamento, biglang tumayo ang sekretaryo ng DAR. Ang mga sumunod na kaganapan ay ang pagkaladkad ng mga magsasaka buhat sa 4th floor hanggang sa labas ng gate. Ilang araw na nagsusumigaw ang mga magsasaka para sa katarungan at hustisya para sa kanilang binalahurang mga karapatan at bukirin hanggang nuong ika 7 ng Setyembre ay hinuli naman ang ilang mga kasamahan nilang lider magbubukid.
Sa loob ng 20 buwang pagkakampo ng mga magsasaka ay di na mabilang ang tangkang pag demolish sa "kampo ng bayan". Sa loob din ng panunungkulan ni Sec. Nasser Pangandaman ay umabot na sa 824 ( Datos mula July 2005 - 2008) kaso ng conversion at exemption ang inaprubahan niya pabor sa mga landowner. Ito ay nagpapakita lamang na walang aksiyong pabor sa mga magsasaka ang ginagawa ng kasakukuyang sekretaryo ng DAR. Walang pagpapahalaga sa kabukiran at walang pagpapahalaga sa paglikha ng pagkain sa kalagitnaan ng kakapusan nito at kagutumang dinadanas ng mga kababayan nating mga Pilipino.
Lubos na ang pagtitiis at dusa ang pinagdaanan ng mga magsasaka natin sa loob ng 20 buwan ng kanilang pagkakampo. Dinaanan na sila duon ng 2 Pasko, 2 SONA ng pangako, init, ulan at bagyo at hanggang sa ngayon ay nandoon pa rin sila at naninindigan sa kanilang prinsipyo at paniniwala na ang lupa ay karapatan ng lahat at ang paglikha ng pagkain ay isang responsibilidad na dapat nilang gawin sa kanilang sarili, pamilya, bayan at sa Diyos na lumikha. Ngunit papaano nila ito isasakatuparan kung sila ay tahasang hinahadlangan ng iilan ngunit may tangan ng kapangyarihan?
Tulungan po natin silang mabawi ang lupang dapat ay mas lalo pa nilang pinagyayaman bilang kaugnay ng pangangasiwa ng kalikasan. Tulungan po natin silang panatilihin ang katatagan sa puso at isipan upang manatili sa matuwid na prinsipyo ng pakikibaka. Tulungan po natin silang lalo pang mapalapit sa Panginoon dahil ngayon nila mas kailangan ang lakas na galing sa Diyos upang protektahan ang kabukiran, kalikasan at mga buhay na ngayon ay dumadanas ng matinding kagutuman.
Photo "UNORKA Campsite " by EddrCastro_free on flickr; licensed under Creative Commons License BY-ND-2.0.
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Southern Tagalog ang pag-iwan sa kanilang mga sakahan o kabukiran at mga pamilya sa kanayunan upang lumikas at magtungo sa kalunsuran upang harapin ang napakalaking problemang kinakaharap. '); return false;">
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook
