The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25

Ang Kapitan



Malaki ang aking pagtataka na ang kanilang CLOA's ay Agosto 1998 pa naipamigay sa kanila at dapat sana ay buong-buo na nilang pag-aari sa ngayon ay may apila ng cancellation. Anong klaseng batas ba talaga meron ang bansa natin? At anung klase din namang gobyerno ba talaga meron tayo at ang napili pa nilang tayuan ng munisipyo ay ang kalagitnaan ng palayan na sinsaka ng mga magsasaka natin? Ang limang ektaryang lupa na dati-rati ang nakatanim ay palay ngayon ay sementado na. Ang lupa na sana ay lilikha ng 500 cavan na palay o mahigit sa 300 cavan na bigas sa bawat anihan, ngayon ay munisipyo na. Higit naman sa 80 ektaryang palayan ang ni reclassify bilang industrial-commercial sa kabila ng katotohanan na ito palayan at umaani ng 8000 cavan sa bawat anihan, katumbas ng higit sa 5000 cavan ng bigas sa bawat anihan..

Nagpalipas kami ng gabi sa tahanan ni Kapitan Reynaldo Mendoza. Isa rin siya sa mga miyembro ng samahan ng mga magsasaka. Ang bahay niya ay barong-barong lamang, walang anumang mamahaling kagamitan. Sa haba ng kaniyang pagsisilbi bilang kapitan (1998 hanggang sa kasalukuyan) ay di mo siya kakikitaan ng pangungurakot. Taong 1999 ng sa kalagitnaan ng kaniyang pulong sa kaniyang mga kagawad sa sarili niyang bahay nang siya at kaniyang mga kasamahan ay pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan. Himala nga lamang ang nagligtas sa kaniya sa kamay ng kamatayan upang ipagpatuloy pa ang paninilbihan sa ating mga kapatid na mga magsasaka. Ang milyun-milyong halaga na inalok sa kaniya ng landowner ay tinalikuran niya alang-alang sa laban ng mga kasamang mga magsasaka sa Brgy. Guinobatan.

Isa siyang huwaran para sa mga nakaluklok sa pamahalaan, gabay at kasama para sa ating mga kapatid na magsasaka, at inspirasyon para sa mga taong may malalim na advocacy sa kapakanan ng ng mga magsasaka, lupang pananiman at kasiguruhan para sa paglikha ng pagkain.

Para sa ating lahat na umaasa sa pagkaing tinatanim at inaani ng ating mga kapatid na magsasaka, sama-sama nating ipagdasal sa Poong May Kapal na sa tuwina sila ay maprotektahan at gabayan sa kanilang laban na ang kapakinabangan ay para sa pangkalahatan. Gabayan din po ang mga naninilbihan sa gobyerno gaya ni Kapitan Reynaldo Mendoza, na ang serbisyo para sa ating mga magsasaka ay di matatawaran at di kayang pantayan ng salapi. Ikaw ang aming kapitan, maka-tao, maka-Diyos at maka-bayan.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Southern Tagalog ang pag-iwan sa kanilang mga sakahan o kabukiran at mga pamilya sa kanayunan upang lumikas at magtungo sa kalunsuran upang harapin ang napakalaking problemang kinakaharap. '); return false;">Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse