Ang Moldex Realty Devt. Corp. ay ang lupang pinaglalaban ng mga magsasakang ito, may sukat na 208 ektarya sa kabuuan at matatagpuan sa tatlong barangay sa Silang (Adlas, Biga at Biluso). Mayroon 174 potential beneficiaries na mga magsasakang naghahangad na ito ay mapasa-ilalim ng CARP. Tatlong desisyon buhat sa sangay ng gobyerno ang nagdesisyon na ito ay ipamahagi sa mga magsasaka (Sec. Braganza, Ponce ng DAR at Gaite ng OP), habang ang 25 ektarya buhat dito ay naisyuhan ng Notice of Coverage (NOC) noong 1998 ngunit ang kasong ito ay nauwi din sa wala. Dahil sa personal na interes sa pagtakbo sa pulitika, isa ang kaso namin sa napakaraming mga kasong ito. Kahit na kuwestiyonable ang mga datos na isinusumite ng Moldex bilang ebidensya nito ay pinaburan ng OP at DAR ang conversion na siyang ikinatalo ng mga magsasaka sa kaso, na nagdulot ng matinding panghihina sa kanilang pag-asa na mismo ang batas ng CARP ang magiging kasagutan para makamit nila ang kanilang hangaring magkaroon ng sariling lupang masasaka.
Ngayon sa aking pag-uwi, baon ko ang pangaral ni Fr. Robert Reyes at ni Kasamang Vangi na palakasin ang mga napapanghinaan ng loob sa laban at imulat ang mga miyembro na malaki ang pag-asa kung may pagkakaisa at sama-samang pagkilos na nakabatay sa karapatang pantao. Gayundin ang lakas na maaaring idulot ng sama-samang pagdarasal sa Panginoong lumikha. Ang Kaniyang gabay ang magsisilbing ilaw upang marating ng mga magsasaka ang adhikaing magkaroon ng sariling lupa at kumawala sa pagiging alipin ng gutom at kasakiman ng iilan.
Photo '' Camp site'' by: EddCastro-April 21,2009
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









