The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home POC Presents Parokya Sa Web Tinig ng Magsasaka Pag-ibig sa lupa, pag-ibig sa kalikasan, at pag-ibig sa Diyos

Pag-ibig sa lupa, pag-ibig sa kalikasan, at pag-ibig sa Diyos

Sa office namin at sa kampo ng mga magsasaka sa harapan ng DAR ay ramdam na ramdam ng lahat ang malaking kakapusan sa pagkain. Salamat na lamang sa Caritas na walang sawang tumutulong sa abot ng kanilang makakaya at ganundin sa mga magsasakang nagdadala ng mga gulay at bigas pandagdag sa pagtustos sa pagkain sa pang araw-araw na pangangailangan. Naaalala ko tuloy ng kalahatiang buwan ng Hunyo 2007 nang ako at ang isa sa aking kasama sa opisina na si Cecille ay nagpunta ng Majada at Putol sa Calamba upang mag dokumento ng mga magsasaka natin doon ukol sa kanilang kalagayan sa area. Ito ay kaparte ng 7100 ektaryang lupain na pag-aari ng pamilyang Yulo. Ang lugar ay may sukat na 943 ektarya at kinapapalooban ng 446 na pamilyang mga magsasaka. Nakita ko na ang kabuuang 943 ektarya ay nakatiwangwang lamang sa kalagitnaan ng malaking kakapusan ng pagkain. Tanging talahib lamang ang nakatanim dahil pinagbabawalan ng mga Yulo na magtanim ang ating mga magsasaka duon. Ang tanging ikinabubuhay ng mga magsasaka doon ay ang pamamasukan sa mga pabrika at pamamasukan bilang driver at ang iba naman ay pangangatulong lamang.Bukod pa sa kanilang problema sa pagkain sa pang araw-araw, malaki rin ang kanilang problema sa banta ng demolisyon. Nakalulungkot na isipin na maski ang lokal na pamahalaan doon ay di tumutulong upang maprotektahan ang agricultural na lupain at tangka pa nga nilang palitan ang gamit ng lupa papunta sa industrial na gamit gaya ng mga subdibisyon at golf course.


Nang nilikha ng Panginoon ang tao, kaakibat nito ang kalikasan na pagkukunan natin ng ikabubuhay upang mabuhay ng marangal at may dignidad. Kung masisira ang lupang mapagkukunan natin ng pagkain, ang kalikasan, dadanak ang kagutuman mula kanayunan patungong kalunsuran at lahat tayo ay mamamatay sa gutom. Hindi nila dapat sirain ang kalikasan dahil tayong mga mahihirap ang maapektuhan. Ang pagsira sa kalikasan ay isang mortal na kasalanan sa mata ng tao at ng Diyos at tiyak na pananagutan nila ito sa Diyos nating lumikha. Kakibat ng tuuloy-tuloy na pakikipaglaban natin para magkaroon ng lupang pananiman at pagprotekta sa kalikasang ipinamana sa atin ng Diyos na lumikha kailangan din natin ang sama-samang pagdarasal upang malampasan nating ang matinding problema na ating nararanasan sa kagutuman at tuluyang pagkasira ng kalikasan.


Ipagpatuloy natin ang panawagang pag-ibig sa lupang panakahan, pag-ibig sa kalikasan at pag-ibig sa Diyos na lumikha ng lahat ng bagay.




jun_toledo.jpg






Leonido "Jun" Toledo Jr.  Lider magsasaka buhat sa Silang Cavite.
Volunteer lider ng UNORKA mula  June 2007 hanggang kasalukuyan.




Photo "Waiting in vain " by Urban Poor Associates_on flickr; licensed under Creative Commons License BY-ND-2.0.


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
DAR ay ramdam na ramdam ng lahat ang malaking kakapusan sa pagkain. Salamat na lamang sa Caritas na walang sawang tumutulong sa abot ng kanilang makakaya at ganundin sa mga magsasakang nagdadala ng mga gulay at bigas pandagdag sa pagtustos sa pagkain sa pang araw-araw na pangangailangan.'); return false;">Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Leonora DOMPOR/yonee 04 May 09, 07:48 PM
It's the greed,avarice,selfishness ,indifference to preservation of natural resources,GODLESS people that makes the world in global warming,climate change.Faith in GOD,love of GOD, is the only antidote of global warming,climate change.When you love GOD everything good follows in your family,nature,cleanliness,preservation of natural resources.Our family family especially papa,we have rubber plantation,we plant trees and other vegetations.GOD BLESS TO ALL!!!
from UNI DOMPOR
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse