Ika-12 ng Oktobre, sa pangunguna ni Fr. Robert Reyes ay inilungsad ang Kalikasan Kabuhayan Katarungan Ora Mismo (KAYAKo) sa pamamagitan ng kayaking o pagsasagwan ng isang kayak sa Marikina River banks patungong Marcos Highway Bridge. Ito ang paraan umano ni Fr. Robert, ng Community Organizers Multiversity (COM), Kubol Pag-asa, Urban Poor Associates (UPA), Bulgar, Mamamayan para sa Pagpapaunlad at Pagpapanatili ng Lawa (MAPAGPALA), at ng Philippine Dragon Boat Team upang manawagan sa taong bayan na huwag isawalang-bahala ang nangyaring pagragasa ng bagyong Ondoy sa bansa, na ikinamatay ng mahigit sa 280 katao at ikinalubog ng libo-libong kabahayan.

Hindi na lingid sa lahat na sira na rin umano ang kabundukan kinalalagyan ng mga quarry, na siyang umano'y naging sanhi ng walang habas na pagkakalbo ng kabundukan, na siya ring naging isa sa mga dahilan kung bakit nangyari ang pag-apaw ng Marikina River.
Naghandog ang mga dumayo sa paglulungsdad ng panalangin para sa mga maralitang tagalungsod na nawalan ng mga tirahan at humigit kumulang 280 buhay na nasawi dulot ng baha. Matapos ang rowing, sinundan naman ito ng isang press conference sa Treehouse, Matalino Street, Lungsod ng Quezon upang simulan naman ang isang signature campaign na susuporta sa KAYAKo.
K A Y A K o
Kalikasan Kabuhayan Katarungan ora mismo
Kaya kong ipagtanggol ang kalikasan.
Kaya kong mabuhay na may dignidad.
Kaya kong ipagtanggol ang karapatang pantao.
Kaya kong lumaya sa pagkakaapi.
Kaya kong linisin ang kapaligiran.
Kaya kong itaguyod ang pagbabago.
Kaya kong paunlarin ang ating bayan.
Kaya kong ipaglaban at harapin ang katarungan.
Kaya kong mabuhay para sa bayan.
Kaya kong ipaglaban ang aking karapatang manirahan sa kalunsuran.
Kaya kong pigilan ang pagwasak sa kalikasan.
Kaya kong baguhin ang maling kaugalian.
Kaya kong gawin ito, ora mismo!
Inihayag rin ng grupo na sa darating na ika-20 ng Oktubre ng taon, kanila namang tutunguhin ang lawa ng Laguna upang ilungsad ang ikalawang bahagi ng rowing at upang manawagan rin sa mga taga-Laguna na sagipin ang nasisira at higit na nagiging maruming lawa. Magbabahagi rin sila ng mga relief goods sa mga nawalan ng mga tahanan na hanggang sa ngayon ay lubong pa rin sa tubig ng lawa ng Laguna.
Photo: John Francis Lagman
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook