The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home POC Presents Parokya Sa Web Parokya News 48 katao nasawi sa pananalanta ni Ondoy sa Bagong Silangan

48 katao nasawi sa pananalanta ni Ondoy sa Bagong Silangan

flood

Sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Ondoy noong Sabado, ika-26 ng Setyembre 2009, tinatayang 48 katao ang nasawi sa pagkalunod nang rumagasa ang tubig sa Barangay Bagong Silangan, Lungsod ng Quezon. Sa di inaasahang malakas na buhos ng ulan, mabilis ng umapaw ang tubig buhat sa ilog ng San Mateo at tuluyang inilubog ang mga lugar gaya ng Brokeside, Country Homes, Paltok, Bona, Tagumapay at Humanity Village, na nasasakupan ng Brgy. Bagong Silangan. Bukod sa 48 na kataong nasawi, may humigit isang daan pa na nawawala hanggang sa kasalukuyan at hinihinalang natabunan ng putik o inanod na sa malayong lugar.

flood

Sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Ondoy noong Sabado, ika-26 ng Setyembre 2009, tinatayang 48 katao ang nasawi sa pagkalunod nang rumagasa ang tubig sa Barangay Bagong Silangan, Lungsod ng Quezon. Sa di inaasahang malakas na buhos ng ulan, mabilis ng umapaw ang tubig buhat sa ilog ng San Mateo at tuluyang inilubog ang mga lugar gaya ng Brokeside, Country Homes, Paltok, Bona, Tagumapay at Humanity Village, na nasasakupan ng Brgy. Bagong Silangan. Bukod sa 48 na kataong nasawi, may humigit isang daan pa na nawawala hanggang sa kasalukuyan at hinihinalang natabunan ng putik o inanod na sa malayong lugar.

Habang malakas ang ulan, isang binatilyo naman ang nagmistulang bayani. Si Muelmar Magallanes na may 18 taon gulang ay nailigtas ang ilang residente rito, kasama na ang mga manok at baboy, ngunit namatay rin ito matapos na mailigtas ang iba. Laking lungkot at hinagpis na kaniyang mga magulang-- bagaman itinuring itong bayani ng Bagong Silangan, malaking panghihinayang naman ang kanilang nadama dahil sa pagkamatulungin at kasipagan ng kanilang bayaning anak. Lubos rin ang pasasalamat ng kaniyang mga nailigtas at utang raw nila kay Muelmar ang kanilang buhay.

Sinisi naman ng mga residente ang pagpapakawala ng tubig ng La Mesa Dam. Anila'y hindi man lamang sila binigyan ng babala upang agad silang makalikas. Ngunit pinabulaanan naman ito

ng pamunuan ng La Mesa Dam, sa pahayag ng kalihim ng National Disaster Coordinating Council na si Sec. Gilbert Teodoro.

Sa panayam ko naman kay Brgy. Captain Armando Endaya, ang sabi nito'y matagal na raw siyang nagbigay ng babala sa mga residente dito. Aniya'y may katigasan talaga ng ulo ang mga naninirahan dito; bagama't taon-taon na lamang silang nakaranas ng baha, ayaw pa rin nilang lisanin ang lugar partikular na ang tabing-ilog.

Ayon naman sa ilang residente na nakausap ko, hindi umano nila nakita ni anino ng kanilang Kapitan sa nasabing lugar na binaha kaya't hindi totoo na nagbigay siya ng babala. Katunayan, nagpatayo rin ito ng dalawang palapag na bahay sa loob ng Humanity Village, na nalubog rin sa baha noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Naging relocation area ang lugar na ito noong taong 1980. Nagdagsaan ang mga residente rito kahit na delikado lalo na kung may bagyo at tag-ulan. Hindi nila ito alintana dahil wala naman silang ibang mapuntahan. Kaya tinatayang mahigit sa 15,000 pamilya ang naapektuhan ng baha sa Bagong Silangan dahil sa bagyong Ondoy.

Hanggang sa ngayon, ang mga residente rito na nawalan ng bahay ay pansamantalang nagsisiksikan sa Brgy. Bagong Silangan covered court na patuloy na tumatanggap ng mga tulong buhat sa simbahan, non-government organization, at pamahalaang lokal.

Footage by: Edd Castro

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse