Alam ng Diyos na hindi sapat ang ating kakayanan upang tayo ay makalapit sa kanya. Kaya siya na rin ang gumagawa ng paraan at ng unang hakbang upang tayo'y maging kaisa niya muli.
Ito na rin ang naging dahilan kung bakit pumanaog sa lupa ang Diyos kay Hesus. Iniwan niya ang kamahalan at nakisangkot sa ating pagkatao. Hindi niya ginawa ang kanyang pagliligtas sa sangkatauhan by remote control. Hindi siya absentee savior. Kundi pumaloob siya sa ating kinalalagyan upang iangat niya tayo sa katayuan ng kamahalan.
Kaya winika ni Hesus, "Nauuhaw ako".
Uhaw si Hesus sa atin para tayo ay magbalik loob sa kanya. Nais niyang manirahan sa ating puso at mamalagi doon.
Uhaw si Hesus sa atin para tayo ay magkaisa, magmahalan at magkatulungan. Kalimutan na ang galit, sama ng loob at away. Hayaan maghari ang pagpapatawad at pagbabalik loob.
Uhaw si Hesus sa atin upang tayong tumanggap sa kanya ay baguhin at ayusin natin ang ating mundo, ang ating bayan.
Muling nanawagan at lumalapit si Hesus sa atin. Ano naman ang ating tugon sa kanya?
Sana'y ang pagkauhaw ni Hesus ay maparisan natin. Maging uhaw din tayo sa kanya at ipalaganap ang kanyang pagmamahal sa lipunang nakakalimot sa kanya.
Sa kasalukuyang tayo ng ating bansa, ang pagkakaroon ng matitinong lider ang isa sa ating pagkauhaw. Nangangailangan tayo ng mga pinuno na tunay na nagmamahal sa bansa, nakahandang ialay ang buhay para sa mga naghihirap at napapabayaan. Naghahanap tayo ng mga taong kayang iwanan ang kanilang comfort zone at dalisay na manilbihan.
Kaibigan, kakasa ka ba?
Gov. Eddie "Among Ed" Tongol Panlilio is a Filipino Roman Catholic priest who was elected as the 26th governor of Pampanga. He was suspended from his priestly ministry upon announcing his intention to run as governor. He is the second priest to be elected to public office in the Philippines, the first being Fr. Margarito Gonzaga, who was elected mayor of Alburquerque, Bohol in 1971
Photo "Christ On The Cross " by Gregg.Jenkinson_free on flickr; licensed under Creative Commons License BY-ND-2.0.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









