The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home POC Presents Parokya Sa Web Lenten Reflections “Babae, narito ang iyong anak. Anak, narito ang iyong ina.”

“Babae, narito ang iyong anak. Anak, narito ang iyong ina.”

Hindi niya inalintana ang magiging katayuan niya sa kanilang lipunan sa panahong iyon na nagtuturing na isang iskandalo ang gayong pagbubuntis na walang kinikilalang ama. Inialay niya rin nang buong-buo at walang pagdududa sa Diyos ang kanyang anak na si Hesusupang matupad ng kanyang anak ang pangako ng Diyos na ililigtas ngisang mesiyas ang kasalanan ang mundo. Ngunit hindi iniwan ni Maria si Hesus na nag-iisa sa gitna ng lahat ng kanyang mga pagpapakasakit --- paghihirap sa pagpapasan ng at pagkakapako sa krus. Sinamahan niya ang kanyang anak na si Hesus hanggang sa malagutan ito ng hininga habang nakabalubay sa krus. Ito ang pinakamahirap at pinakamasakit para sa isang ina, ang makita kung paano ang unti-unting pagkamatay ng kanyang anak. Subalit sa kabila nito, walang anumang narinig na paninisi o reklamo mula kay Maria. Sinarili niya ang lahat ng sakit ng loob. Higit itong mabigat sa dibdib ng isang ina.

Hindi rin lingid kay Hesus ang lahat ng damdamin at dinamdam ni Maria sa mga pagkakataong ito ng pagdurusa Niya. Ngunit hindi rin nag-atubili si Hesus napapangyarihin ang pangako ng Diyos sa sangkatauhan. Bilang isang mabuting anak, tumalima si Hesus sa ninais ng Diyos. Sa isang yugto sa pagitan ng buhay at kamatayan, dahil sa pagsunod sa Diyos Ama at pagmamahal sa mga tao, inialay ni Hesus sa sangkatauhan ang pinakamahalaga sa kanyang buhay, ang kanyang inang si Maria. Kaya nga winika Niya: "Babae, narito ang iyong anak Anak, narito angiyong ina."

Magandang halimbawa si Maria sa lahat ng mga ina. Gayundin si Hesus sa lahat ng mga anak. Walang ina na nagnasa ng masama sa kanyang anak. Dapat walang anak na magdudulot ng masama sa kanyang ina. Walang ina na hahadlang sa kabutihan ng kanyang anak. Dapat walang anak na magbubuyo sa kasamaan sa kanyang ina. Walang ina na tututol sa kaligayahan ng kanyang anak. Dapat walang anak na magpapalungkot sa kanyang ina. Walang ina na magiging dahilan ng pagyurak sa karangalan ng kanyang anak. Dapat walang anak na maninirang-puri sa kanyang ina.

Sa hanay ng ugnayang ina at anak, higit namang nagpaparaya ang ina sa anak. Unang inaalala ng ina ang kapakanan ng kanyang anak. Nagpapakasakit ang ina para sa kanyang anak. Hindi niya ipinagkakanulo ang kanyang anak.

Sa talinghaga naman ng ina bilang inang lider ng bayan at anak bilang anak na mamamayan, masasabi ba natin ngayong ipinagtatanggol tayo ng ina ng ating bayan?" Binibigyang-halaga ba niya ang kabutihan ng kanyang mga anak? Nabibigyang-hustisya ba ang lahat ng mga anak na winalang-halaga ang mga karapatang-pantao? Pinangangalagaan ba ang dangal ng bayan at dignidad ng mamamayan? Pinoprotektahan ba ng inang bayan ang kalayaan ng kanyang anak? Pinaiiral ba ng inang ito ang mga batas ng bayan? Maaari nga bang ibiling muli sa kanya ang bayan? Maaari bang wikain: 

"Anak, magsalita ka. Ina, hanggang kailan ka pa ba?"


prof.ruby_alcantara.jpg



Ruby G. Alcantara
- Propesor sa Unibersidad ng Pilipina Diliman.Ina, anak, mamamayan. Kasama ng Kubol Pag-asa sa paghahanap atpagtataguyod ng mga tunay na lider ng bayan na maka-Diyos, makabayan,makatao.




Photo "Holy cross " by EddCastro_free on flickr; licensed under Creative Commons License BY-ND-2.0.






Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse