The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home POC Presents Parokya Sa Web Lenten Reflections Pagninilay ng isang magbubukid

Pagninilay ng isang magbubukid

Ang larawan ng "Semana Santa" ay napakapamilyar sa akin sa katayuan ng mga magsasaka sa lahat ng panahon. Ang paghihirap ng ating Panginoon ay naaninag ko sa bawat hirap na dinadanas ng mga magsasaka natin na bagamat sila ang lumilikha ng pagkain ay sila pa ang nakararanas ng matinding gutom buhat sa kanayunan. Ang bawat hagupit na dinanas ng ating Panginoon sa kamay ng mga kawal ay nakaiiyak kong nagugunita sa mga pinapaslang nating mga kapatid na magsasaka na nagtatanggol lamang ng kanilang karapatan sa lupa at karapatang mabuhay gaya ng iba. Di ko na halos mabilang ang mga lider na magsasakang pinaslang ng di nagtamo ng hustisya at alam kong kasama sila ng ating Panginoon dahil sila man ay nagbuwis ng dugo at buhay. Sila rin ay naghirap para sa kapakanan hindi ng sarili nila kundi ng lahat ng mga magsasaka sa kanayunan. Ang mga kawal at gobyerno sa kapanahunan ng ating Panginoong Hesus, na siyang nagpadakip, nanakit at nagpapako kay Hesus sa krus, ay siya ring gobyerno na aking nakikita sa ating kasalukuyang panahon. Ito ang klase ng gobyerno na nagpapako sa lahat ng mga magsasaka sa krus ng kagutuman at pagdarahop, sa krus ng kamangmangan at kasalanan. Kung papaano natin itinatakwil ang kasalukuyang gobyerno, gayundin ang pagtakwil na gagawin ng Panginoon sa kanila para sa lahat ng kagutuman at pagpaslang na idinulot nila sa atin, at sila ay paparusahan.

Nang ipako ang ating mahal na Panginoong Hesus sa krus, siya ay nasa gitna ng dalawang magnanakaw. Nang ang isa sa kaniyang katabi ay nangumpisal ng kaniyang kasalanan at naniwala sa kapangyarihan ng Panginoon, ito ay nagbukas para sa kaniya ng kaligtasan at walang hanggang buhay dahil sinabi sa kaniya ni Hesus "ngayon din ay isasama kita sa kaharian ng Diyos sa langit." Naniniwala ako na gayundin ang sinasambit ng ating Panginoon sa lahat ng mga magsasakang nakararanas ng paghihirap at pagkakapako sa krus ng kahirapan at kawalan ng hustisya. Isasama niya tayo sa langit na matatagpuan dito sa lupa sa pamamagitan ng pangunguna niya sa ating laban para sa karapatan sa pagkakaroon ng sariling lupa, para sa karapatang mabuhay ng marangal at may dignidad. Pangungunahan niya tayo sa ating pakikibaka laban sa korapsyon at katiwalian. Pangungunahan niya tayo sa pagbabago ng gobyernong kumakawawa sa napakalaking porsyento ng ating lipunan at aakayin niya tayo sa isang lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan. Ibabalik niya sa atin ang lupang ninakaw ng iilan at tutulungan tayo na mapayabong itong muli, makalikha ng pagkain para sa lahat at makapagsimulang muli ng isang ipinangakong lipunan na may pagkakapantay-pantay, at may pagmamahalan. Sa gayon, kasama ng ating mahal na Panginoong Hesus, sabay sabay tayong mamumuhay sa langit na matatagpuan dito sa lupa.

Ako po ay si Leonido "Jun" Toledo Jr. Isa po akong lider magsasaka buhat sa Silang, Cavite. 208 ektarya ang kabuuang sukat na lupain ang aming  pinaglalaban na binubuo ng 3 baranggay na kung saan ang aking mga magulang at dalawang mga kapatid ay benepisyaryo. Malaki po ang epekto sa aming mga magsasaka ang  naging desisyon na ipinalabas ng Department of Agrarian Reform (DAR), ito po ay nagtulak sa karamihan ng mga magsasaka na mawawalan ng lupang mapagtataniman at manirahan na lamang sa tabing ilog. Malaki po ang kakulangan ng aming organisasyon sa mga volunteer lider kung kaya't ako po ay nagtrabaho bilang isang volunteer sa UNORKA mula  June 2007 hanggang kasalukuyan.







Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse