The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09

Parokya ng Mundo


I
Pinagpapala kalooban ng dukha
Kayamanan ng langit ang gantimpala
Pinagpapala ang mga nagluluksa
Makakamit ang pagdamay ng biyaya

II
Pinagpapala taong mapagkumbaba
Siya'y magiging tagapagmana ng lupa
Pinagpapala ang kalam ang sikmura
Ang uhaw at gutom mapupunang kusa

(Koro)

III
Pinagpapala ang may habag sa kapwa
Dadanas ng basbas, himala ng awa
Pinagpapala ang may pusong dakila
Matutunghayan liwanag ni Bathala

IV
Pinagpapala ang tagapamayapa
Tatanghalin bilang anak ng Lumikha
Pinagpapala mga kinakawawa
Kaharian ng Diyos ang nakatadhana

Tulay:

Humayo, ipalaganap sa daigdig
Manalig ka sa pag-asa at pag-ibig
Sa Magandang Balita ay magtiwala
Ang naniniwala ay pinagpapala

(Koro)


Coda:

Nasaan ka man, ito ang tahanan
Nasaan ka man, ito ang simbahan
na walang hanggan
tuloy lang po kayo
sa parokya ng mundo


Photo "People power monument " by eddcastrogbz_on flickr; licensed under Creative Commons License BY-NC-ND-2.0.


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

runningpriest 28 October 08, 11:20 PM
Hi Anwar, salamat sa pag-up load ng lyrics...I was able to video a good part of the launch of the cyber parish...masaya naman at maski na talagang kay liit-liit ng aming amplifier...iba talaga ang kapangyarihan ng Espiritu....nakayanang kumanta ni Dong nang malakas...at hindi siya namaos at pumiyok....nagsayawan pa at nagkantahan pa ang ilang naroroon nang kantahin niya ang Banal na Aso...at nang kantahin niya ang parokya ng mundo...sa pangalawang pasada..alam na ng mga naroroon at nakasabay na...Mabuhay si Dong...mabuhay kayo Anwar, Richard, Tinette, Tin, Ivy...at ang bagong tuklas na gitarista....kuya James...God bless
anwar 29 October 08, 01:18 AM
Walang anuman po Father! Nakakatuwa naman po at masaya ang naging launch ninyo nila Dong sa Hong Kong! Mabuhay din po kayo at God bless! :)
james felizardo 29 October 08, 01:29 AM
Congrats po sa inyo Father Robert and Dong for the successful launch ng Parokya sa Web, Hongkong Chapter. It was a fruitful experience to have worked with you, Dong, Simon, Anwar and the rest of the team. The Holy Spirit works lives in all of us. The meaningful lyrics of the song plus the very inspired songwriter/arranger Dong Abay motivated me to pitch in as guitarist. Nawa ay dumami pa ang ating mga parokyano!
dongabay 29 October 08, 04:52 PM
hello fr. robert. maraming salamat po sa lahat. naging makabuluhan ang karanasan at nag-enjoy ako sa ilang araw na pananatili sa hong kong.

salamat sa mainit na pagtanggap sa akin ng lahat ng pilipino sa hong kong. mabuhay kayong lahat!

salamat ate baby (isa kang mabuting ina kay antony), ate melina (salamat sa pagpapahiram ng octopus) at buong staff ng buhay ka (ang babait nyong lahat), pyel (sa paggigitara, tuloy lang ang paglikha at pagperform ng mga kanta mo), cher (ganda ng lamma island), philip (enjoy ako sa festival of lights kahit bitin), kuya toni at staff sa aleale (salamat sa libreng internet hehe)

ke james, salamat sa pagtugtog kahit kulang sa oras at instrumento

sa staff ng multimedia ng vibal, salamat sa tulong na mairekord ang rough demo ng parokya ng mundo

ke ivy, salamat sa articles

ke anwar salamat sa pag-upload ng lyrics. meron lang konting changes . ang na-upload mo kase ang unang draft na pinasa ko ke fr. robert.

pwede pakipalitan?:)

II.

Pinagpapala taong mapagkumbaba
Siya'y magiging tagapagmana ng lupa
Pinagpapala ang kalam ang sikmura
Ang uhaw at gutom mapupunang kusa


IV

Pinagpapala mga kinakawawa

Coda:

Nasaan ka man, ito ang tahanan
Nasaan ka man, ito ang simbahan
na walang hanggan
tuloy lang po kayo
sa parokya ng mundo


Mabuhay ang parokyasaweb!
Mabuhay tayong lahat!
anwar 29 October 08, 05:04 PM
Sige po sir Dong alang problema! Pinalitan ko na rin ang byline ng article para hindi nakakalito sa readers. Congrats at maraming salamat po!
dongabay 29 October 08, 05:38 PM
walang anuman anwar. salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa site. :) mabuhay ka!
ann puno 29 October 08, 06:00 PM
Hi kuya dong,

kamusta na? :D it's been a long time. ano balita?

congratulations sa launch niyo ni fr. robert. napakinggan ko dito yung kanta, ayos! :)
dongabay 29 October 08, 09:21 PM
hi ann. ok lng ako. update sa akin nasa article na "Musikero ng Mundo" under Metakritiko (Music)
salamat sa pakikinig. God bless you!
runningpriest 30 October 08, 01:00 AM
Dong,
Salamat din...naging mainit ang pagtanggap sa yo dahil ganoon ang epekto mo sa kanila...kailangan nga ang anumang bubuhay sa diwa, espiritu...kailangan ang anumang magpapabangon magpapasigla ...ganoon ang epekto hindi lang ng awit kundi ng umaawit sa aming lahat sa Hong Kong...tuloy lang Dong ang ating nasimulan...na bunga na din ng pagkilos ng banal na Espiritu sa ating lahat....ipalaganap ang Mabuting Balitang mapagpalaya....
dongabay 30 October 08, 01:25 AM
Makakaasa po kayo Fr. Robert. Hindi kailanman ako titigil sa paglikha dahil ito po ang kaya kong gawin at laging handang ipamahagi. Hinahangaan ko po ang inyong paninindigan at ako'y kaisa ninyo sa parokya ng mundo. :)
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse