The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home POC Presents Parokya Sa Web Inspi-rasyon Pagninilay sa ebanghelyo para sa ika-19 na Linggo ng taon

Pagninilay sa ebanghelyo para sa ika-19 na Linggo ng taon

evacueesMay kaunting kalinawan sa kung sino ang may-akda ng Ebanghelyo ni Markos. Siya si Juan Marko, ang tagasunod at assistant ni Pedro, na minsan ay nakasama rin ni Pablo sa misyon nito sa ibang lugar. Hindi siya isa sa 12 apostoles, at maaaring hindi niya nakilala si Hesus

Ang ebanghelyo ay tinatanggap ng mas maraming nag-aaral at bihasa sa Bibilya na isinulat pagkamatay ni Pedro (64AD) at bago ang pagkawasak ng Templo (70AD). At malaki ang posibilidad na ito ay isinulat para sa mga paganong Kristiyano na hindi nagmula sa Palestina. Patunay dito ang kawalan ng pagsisikap na iugnay ito sa Lumang Tipan, ang pagsisikap na ipaliwanag ang mga tradisyong Hudyo, ang pagsasalin ng mga salitang Aramaico, at ang matinding pagsisikap na ipaliwanag ang kahalagahan ng paniniwala kay Hesus ng mga pagano.

Ang Ebanghelyo ni Markos ay maaaring tawaging ebanghelyo ng Lihim na Tagapagligtas. Nahahati ito sa dalawang malaking bahagi: ang una ay ang Misteryo ng Mesiyas, at ang ikalawa ay ang Misteryo ng Anak ng Tao. Sa bawat bahagi, ipinapaliwanag ang pagkatao o pagka-Diyos ni Hesus bilang Mesiyas at Anak ng Tao, at ang iba’t ibang pangyayari ng pagtanggi, di pagtanggap,pagkabulag, at/o paglaban ng iba’t ibang grupo (kasama na ang kanyang mga alagad!) ng kanyang kapanahunan sa kanyang mensahe at pagkatao.. At ang bawat bahagi ay nagtatapos sa pagtatwa o pagtanggi sa kanyang mensahe at sa Kanya.

Ang ating ebanghelyo para sa linggong ito ay nasa ikalawang bahagi (Ang Misteryo ng Anak ng Tao). Ito ay ang kakulangan ng pag-unawa nina Jaime at Juan (mga alagad niya mismo) sa ikatlong prediksyon ng kanyang paghihirap at kamatayan bilang tunay na Anak ng Tao. Sa totoo, ang dalawang naunang prediksyon sa kanyang kamatayan at paghihirap na sinagot din ng kakulangan o pagtanggi ng mga alagad sa kanyang mensahe (katulad ng pangatlo, na siya nating pagbasa ngayong linggo) ay siyang nilalaman ng ikalawang bahagi ng ebanghelyo. At ang kabulagan ni Jaime at ni Juan ay sa pagbasa natin sa linggong ito ay sinundan ng pagpapagaling ni Jesus ng isang bulag (Bartimeus) bilang pagtatapos ng ikalawang bahagi ng ebanghelyo.

Napakaganda ng ebanghelyo natin sa linggong ito. Napapanahon lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sa pangangailangan ng bayan para sa mga bayaning wagas na tutulong at magnanaismakapaglingkod sa lawak at dami ng pangangailangang bunga ng delubyo at trahedyang ating kinakaharap. Suriin natin ang dalawang bahagi ng pagbasa.

Una ay ang pakiusap o kahilingan ng dalawang alagad kay Hesus,at ang pagpapakita ng kabulagan ng dalawang alagad sa tunay na katangian ng Anak ng Tao. Dahil laging nakakabit sa Ama ang Anak ng Tao, akala ng 2 alagad na ang pagsunod sa Anak ng Tao ay nangangahulugan ng kapangyarihan…kapangyarihan na nangangahulugan ng pagiging bida, laging napopokusan ng kamera, laging nasa unahan, laging nasa headline, sikat, pinag-uusapan, at di pahuhuli. Sa konteksto ng pagsasabi ni Hesus na malapit na ang kanyang oras at panahon ng paghihirap at kamatayan, at ganito ang hihilingin sa iyo ng dalawa mong alagad na nakasama mo ng tatlong taon at sinikap na hubugin at turuan, ano kaya ang naramdaman ni Hesus? Paano kang hindi maaasar? Magagalit kaya? O manlulumo, na sa kabila ng tatlong taong pagtuturo, wala pa rin silang nakuha o naunawaan. Malayo pa ang kanyang mga alagad. Kulang pa. Marami pang bigas na kakainin bago maunawaan ang tunay na mensahe! Sa ating mga nagsisikap maging bahagi sa misyon ng pagtuturo at paghubog, ang ganitong asal ng hinuhubog mo ay makakapagpapagod sa iyo; nakakawalang gana, nakakapanlambot, nakakapanlumo, nakakagalit!

Hindi ba’t ganyan ang ating nararamdaman kapag nakikita natin ang mga lider ng bayan o mga lider ng samahan, o ng mga kasama nating nagsasabing naglilingkod sa bayan, ngunit sa mga asal, ang ipinapakita ay ang di-maarok na pagkauhaw na sumikat, makilala, laging mauna at makita sa unahan, sa harapan, sa mesang pandangal?

Mga noodles na pinatatakan ng mukha at pangalan ng kandidato. Mga kaunting pagbibigay ng relief na pinangungunahan ng kamera ng telebisyon, mga paglilimos at pag-aambag na kailangang ma-anunsyo sa radio at T.V., mga tulong ng ibang bansa na tinatatakan muna ng pangalan o grupo ng nakatanggap dito sa Pilipinas: mga asal na hindi nakakaunawa sa tunay na ibig sabihin ng paglilingkod at tunay na kahulugan ng kapangyarihan. Ang tangi na lang nating nasasambit ay : “Makakapal ang mga taong ito! Garapal!”

Tulad nina Jaime at Juan, ganito ang pag-unawa sa kapangyarihan at “paglilingkod” ng kinikilalang lider sa ating bayan. Dapat ay nasa unahan, nasa harapan, laging bida, laging iniilawan ng kamera.

Ang ikalawang bahagi ng ebanghelyo ay pagpapaliwanag sa tunay na kahulugan ng pagiging dakila: ang sinumang nais mauna ay dapat nasa hulihan at ituring ang sariling alipin at tagapaglingkod. Ito ang ibig sabihin ng pamumuno, ng paglilider, ng tunay na pagsunod kay Hesus. Sa pamamagitan ng ganitong buhay-paglilingkod, saka lang natin tunay na mauunawaan ang misteryo ng Anak ng Tao --saka lang natin makikilala ang tunay na Hesus. Saka lang mabubuksan ang ating isipan. Saka lang tayo lalaya sa ating pagkabulag, tulad ni Bartimeus, na pinagaling ni Jesus sa kanyang pagkabulag.

Sa harap ng trahedyang dinadanas ng ating bayan ngayon, mukhang kailangan natin ang pananampalataya ni Bartimeus upang makausad at tunay na lumakad patungong kaunlaran. Kailangan nating tanggapin ang ating pagkabulag, ang ating pamumuhay na walang patumanggang winawasak ang paligid, bulag sa mapanirang epekto sa kalikasan.. at mula doon ay rumagasang lumapit kay Hesus sa paniniwalang Siya lamang ang makakapagpagaling sa atin.

Mula dito, saka lang tayo makakalalaya sa kabulagan nina Jaime at Juan, at tunay na mamumuhay bilang mga tagasunod ni Jesus...laging naglilingkod sa tabi, sa gilid, sa hulihan, at hindi umaasam na maging bida, mauna, makilala, mapatampok.

Ito ang daan ng tunay na Anak ng Tao. Ito ang misteryo ng Anak ng Tao.

 

Arcy Garcia

29 St. Anne Street, Dela Costa Housing
Barangka, Lungsod ng Marikina

Oktubre 15, 2009



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Edd Castro 16 October 09, 03:13 PM
Salamat Arcy sa pagninilay na ito at mukhang naman talagang nakakaantig ng damdamin. Kung babalikan ko ang alaala ng trahedyang dumaan. Hindi naman talaga lingid sa nakakarami na mayroon gumamit sa setwasyon na ito. Katulad ng naging karanasan ko nang salantain ng bagyo ang Bagong Silangan nasa rescue operation kami tuwing may mga media naglilitawan ang mga pulitiko. Hay buhay nga naman.. sa totoo lang Arcy kailangan pa bang i broadcast ang pagtulong sa nangangailangan?
Salamat sa pagbahagi.

Edd Castro
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Parokya Sa Web Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Parokya Sa Web Music

Latest Prayer Requests

  • Lord, thank You for all the things you have done to me and my children despite the weaknesses and the sins we committed. Lord, we are sorry for our sins,...
    —joy


Buhay Ka Prayer Requests






  
Enter the code you see in the box above:
 Submit

Today's Verse