The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home POC Presents

Gawad Kalinga: Pasasalamat at walang iwanan

Politicians show their support for Gawad Kalinga, most notably VP Noli de CastroLibu-libo ang dumalo sa isinagawang pagtitipon ng mga kasapi ng Gawad Kalinga noong ika-10 ng Oktubre sa Fort Bonifacio, Taguig City. Bagaman hindi pa napapawi ang trahedyang nangyari sa pananalanta ng bagyong Ondoy sa iba't-ibang bahagi ng Metro Manila ay bakas pa rin sa mga mukha ng mga dumalo ang saya at pagkakaroon ng panibagong pag-asa at pagharap sa bagong araw. Isang pasasalamat rin at tuloy ang samahan sa pag-ahon ng mga kababayan at bayan.

Unang bahagi ng programa ang Gawad Kalinga martsa ng mga bayani na pinangunahan ng Ama ng Gawad Kalinga na si Tony Meloto, kasama ang mga lider ng ibat-ibang komunidad. Kasunod naman ang Taguig Mayor Freddie R. Tiñga, Makati Mayor Jojomar Binay at mga delegado buhat sa probinsya gaya ni Mayor Sonia Lorenzo ng Nueva Ecija. Sumipot rin si Bise Presidente Noli de Castro.

Nagbigay naman ng welcome remarks si Mayor Freddie Tiñga, ang kinatawan ng syudad Taguig, na nagpasalamat dahil syudad ng Taguig ang napiling pagdausan ng Gawad Kalinga Expo 2009.

Ipinagmalaki naman ni Tony Meloto sa kaniyang mensahe na sa pananalanta ng bagyong Ondoy ay wala ni isa sa mga residente ng 400 villages na kaanib ng GK ang nasawi. Nagpasalamat rin si Meloto sa mga volunteers na tumutulong sa GK relief operations gaya ng Couples for Christ, Bukas Loob sa Diyos at iba't-ibang mga parokya sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Meloto na sa pagtitipong ito, bagaman malapit na ang 2010 eleksyon, magkasama ang mga kasapi ng oposisyon at administrasyon. Narito rin ang dalawang malalaking kompanya ng telekomunikasyon na magkatuwang na sumusuporta sa pagdiriwang na ito ng Gawad Kalinga Expo 2000 “Walang Iwanan.”

Pinasalamatan rin ni Bise-Pres. Noli de Castro ang Gawad Kalinga dahil sa imbitasyon nito para sa kanyang pagdalo. Ika-6 na ito na pagtitipon ng GK Expo na kanyang dinaluhan. Muling ipinaalala ni De Castro ang salitang “Ganyan talaga ang magkaibigan walang iwanan” noong 2008, aniya “kaya itong pananalanta ng nagdaan bagyong Ondoy sa Metro Manila ay namutawi ang salitang walang iwanan dahil sa mga rescue at pagtutulungan ng mga kababayan.”

Pinapurihan rin ni De Castro ang 18 taon gulang na bayaning si Muelmar Magallaanes na nasawi matapos nyang iligtas ang kaniyang pamilya at maraming kapitbahay sa Brgy. Bagong Silangan noong kasagsagan ng baha dahil sa bagyong Ondoy. Bayani rin raw na maituturing si Private 1st class Venancio Ancheta nang iligtas niya ang halos 20 kababayan sa Pami, Laguna na itinangay ng malakas na agos sa paghagupit ng bagyong Ondoy. Sa kabayanihan nito ay namutawi ang salitang “Walang iwanan” katulad ng tema sa pagdiriwang na ito na Gawad Kalinga Expo 2009.

Namahagi naman ang Vibal Foundation ng mahigit dalawang libong libro at text book para sa kabataan ng Gawad Kalinga. May mga artist rin na kabilang sa programa gaya nina Mikee Cojuangco na nag-emcee, Boy Abunda, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, grupo ng Kilos Kabataan Choir, grupo ni Ryan Cayabayab at ang YouTube Queen na si Mae Paner o Juana Change.

Bilang pasasalamat ay nagdaos ng isang banal na Misa. Ang programa ay isinara ng isang konsyerto mula sa Himig Pag-asa.

Photo by Edd Castro



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

What is POC Presents?

POC Presents is a special channel at The Philippine Online Chronicles that aims to feature personalities and advocacies from different sectors of society who, through their uniquely inspirational stories, may serve as alternative icons for the Filipino.

Read more...

POC Presents Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer