blogwatch logo

Si Gloria Macapagal Arroyo ay isang... alien?

Screencap by Anwar Sumawang. Free for distribution and use, as long as image is properly attributed to the Philippine Online ChroniclesAyon sa www.yehey.com article na naiulat sa gmanews.tv, itinampok bilang isang alien si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa komiks na “Secret Invasion ”. Ang naturang komiks ang isa sa mga pinaka-popular na komiks sa Amerika kung saan lumalabas ang mga pamosong karakter na pinagbibidahan nina Iron Man , Spider Man , at Wolverine .
Sa pinakabagong isyu ng Secret Invasion, binigyang karakter ni Pangulong Gloria Arroyo ang isang skrull,o  isang nilalang na galing sa ibang planeta na may misyong sakupin ang daigdig.Ipinakita sa komiks na may dalang mensahe bilang isang alien si Arroyo sa mga Filipino .Lubhang mabagsik ang kapangyarihan ng mga skrulls na siyang naghahatid ng balita sa mga tao.

Kasama ni Pangulong Arroyo ang iba pang makapangyarihang personalidad sa mundo na gaya ng US presidential candidates na sina Barack Obama at John McCain , ang sikat na artista ng Hollywood na si Tom Cruise , TV talk show host na si Oprah Winfrey at maging si Pope Benedict XVI   na kinopya ng mga skrulls upang maipahatid sa tao ang kanilang pananakop.Pinaplano nilang lusubin ang daigdig at pagharian ito.

Ang kontroberyal na lumikha ng mga naturang alien ay ang pamosong dibuhista na sikat na sikat sa Amerika- si Leinel Yu , isang Pilipino. Si Yu ang Pinoy na sinasabing isa sa mga pambatong manlilikha ng Marvel Komiks. May ilang pagkakataon na  “naisisingit” ni Yu nang pahapyaw ang ilang lugar sa Pilipinas sa kanyang mga nililikhang dibuho gaya ng kalye sa P.Zamora Cubao , at ng isang eksena sa serye ng Iron Man na naganap mismo sa harapan ng Quiapo Church sa Manila .

Ayon naman sa blog ni Leinel Yu, sinabi niyang walang bahid ng politika ang kanyang ginawa at wala siyang planong wasakin ang imahe ng Pangulo o ng iba pang karakter na kanyang nililikha. Alam niyang isa itong sensitibo at delikadong isyu. Isa lamang daw itong pambati sa mambabasang Pinoy.

Ito ay isang pagpapatunay lamang na ang komiks ay naabot ang milyung-milyong tao sa ibat ibang bahagi ng mundo at ang Pinoy ay masasabing tunay na bida sa larangan nang pagdidibuho.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Photo: Screencap by Anwar Sumawang. Free for distribution and use, as long as image is properly attributed to the Philippine Online Chronicles.

Write Comment


Security code
Refresh