Pormal ng inatras ni Ed Panlilio,
Gobernador ng Panpanga sa kanyang kandidatura bilang pangulo ng
Pilipinas. Itoy bilang pagsuporta sa posibleng pagtakbo ni Senador
Benigno "Noynoy" Aquino.Inihayag ito ni Gob. Panlilio sa harap ng mga mamahayag noong martes September 4, 2009 sa bulwagang Waling Waling, Club Filipino, Greenhills, San Juan. Ipinahayag ito sa pamamagitan ng pagbasa niya sa kanyang opisyal na statement..
Magandang umaga po sa inyong lahat at maraming salamat sa inyong pagdalo sa aming ipinatawag na press conference. Maraming buwan na po ang nakalipas magmula ng makatanggap kami ni Governor Grace Padaca ng paghihikayat mula sa iba't ibang mga indibidwal, grupo, at sektor sa ating lipunan upang tumakbo sa pagkapangulo ng ating bansa sa halalan sa 2010.
Sa aming patuloy na pagiikot sa iba't-ibang panig ng Pilipinas, magmula sa Tuguegerao hanggang sa zamboanga. Naramdaman namin ang pagnanais ng taong bayan lalaong lalo na ng ating mga kabataan ng isang tunay at makabuluhang pagbabago. Hindi kaila sa atin ang baluktot na sistemang umiiral sa ating pamahalaan ngayon. Marahil, ito ang dahilan kung bakit patuloy na naghahanap ang nakararaming mga Pilipino ng mga lider ng magtataguyod ng wastong pamamalakad, tapat na pamumuno, at tunay na pagmamalasakit sa milyong milyong naghihirap na Pilipino. Matagal namin ipinagdadasal, pinag-usapan at pinag-isipan kung tutugon kami sa hamon ito. Mahalaga sa amin ang adhikain ng aming grupong, Kaya Natin-tapat at mahusay na pamumuno. Hindi naming dapat ipaubaya na lang sa kapalaran ang pangarap namin pagbabago. Ito ang nangingibabaw sa ano mang hakbang na aming gawain. Kaya kung meron isang kandidato na may higit na kakayahan na pag-isahin ang ating bansa at maglingkod ng mahusay at tapat, dapat siya ang aming itataguyod.
Sa nakaraang ilang linggo, nakita natin muli ang paghahangad ng milyong-milyong Pililpino ng pagbabago noong pumanaw si dating Pangulong Corazon Aquino. Mistulang buhay ang diwa ng EDSA I at kabayanihan ni Ninoy. Milyon-milyon mga Pilipinong nagsakripisyo, umiyask, nagdalamhati,nagdasal, at nakiisa sa pamilyang Aquino sa kanilang pagluluksa. Muli nating nasaksihan ang pagkakaisa sa ating bayan dahil kay dating Pangulong Cory Aquino. Naniniwala kami na hindi dapat masayang ang laban ni Ninoy, laban ni Cory at ang laban ng mamamayang Pilipino. Dapat ang sakripisyo at pagkakaisang ito ang magsasakatuparn ng ating pagnanais na makahala ng isang Pangulong uunahin ang paglilingkod sa bayan bago ang kanyang sarili, pamilya at kaibigan.
Pagkatapos ng aning pagdadasal, pakikilahok sa mga kaganapan sa ating lipunan, pagiisip at pagkukunsulata sa aming mga taga-suporta, nagpasya kami lahat na tugunan ang tawag ng pagmamahal sa ating bayan, sakripisyo at pagkakaisa na pinangunahan ni Senador Mar Roxasnoong Martes. Nagpasya kaming hindi tumuloy sa aming planong pagtakbo sa pagkapangulo sa nalalapit na halalan. Ibinigay namain ang buong suporta at pagtitwala kay Senador Benigno "Noynoy" Aquino III bilang kandidato para pagka-Pangulo ng ating bansa.
Kung si Senador Roxas ay nagawang isakripisyo ang lahat nang kanya ng nagawa para sa kanyang kandidatura, dapat ay mas padali na sa bawat isa sa atin ang magparaya rin para sa kapakanan ng ating mahal na bansa.
Umamapela rin kami mga ibang grupo at kandidatong nagtataguyod ng tinatawag nating "reform agenda" na makiisa narin sa aming panawagan. Matatalo lamang natin ang kandidatong hindi karapat-dapat kung tayo lahat ay magkakaisa, magtutulong-tulong, at magtataya para sa bawat Pilipino. Naniniwala kami na may naghihintay na bagong Pilipinas sa 2010 kung ang bawat Pilipino ay sususporta at magsasakripisyo para sa reporma, pagbabago, at kay Sensdor Noynoy Aquino.
Ito ay laban hindi lang ni Senador Noynoy o naming naghahangad din ng pagbabago. Ito ay laban ng bawat Pilipino!
Maraming salamat po sa inyong lahat at mabuhay ang mamamayang Pilipino!
Hon. Eddie Panlilio
Governor
Province of Pampanga

Sa pagtatanong ng mga mamamahayag kay Gobernor Panlilio, kung ano ang plano nya sa mga susunod na araw, pabiro naman sinabi ng Gobernador na haharapin ko ang isyu ng recount ng aking boto sa COMELEC, aniyay mukhang matindi ang pagnanais ng aking kalaban sa politika dahil lahat ng paraan ay ginagawa nya. Posibleng aniya bago magpasko ay mapatalsik sya sa posisyon. Plano ni Panlilio na magpa re elect o magbalik na lamang sa paglilingkod bilang isang pari.
Nilinaw naman ni Harvey Keh convenor ng Kaya natin na hindi nangangahulugan ang pagsuporta nila sa Senador ay hindi pag iindurso.Sinabi niya na ang Kaya natin ay handang sumuporta ano man partido bastat ang layunin nito ay nagtataguyod ng malinis at matapat na pamumuno at mayroon "reform agenda".
Mula NuevaVizcaya, dumating rin si Mayor Florante Gerdan ng Sta. Fe, Nueva Viscaya, ipinahayag nya ang pagsuporta kay senador Aquino at nagplaplano itong lumipat ng partido mula LAKAS patungong Liberal Party na kung saan kabilang si Senador Aquino.katibayan raw ito ng kaniyang pagsuporta kung tuluyan ng magdidesisyon ang Senador.
Pinuri naman ni Sen. Francis Pangilinan ang sakripisyong ni Gob. Panlilio. Katulad ni Sen. Mar Roxas, na hindi naghahangad ng kapangyarihan kundi ang kapakanan ng bayan. Kayat hinamon ni Senador Pangilinan ang iba pang oposisyo gaya nila: Erap Estrada, Manny Villar, Mayor Binay at Bro. Eddie Villanueva na magkaisa at tapatan kung sino man ang magiging opisyal na kandidato ng kasalukuyang pamahalaan.
Umamin naman ang malakanyang mula sa pahayag ni Press Secretary Serge Remonte na lumalakas ang suporta kay Senador Aquino sa pagkapangulo, ngunit duda ang palasyo na magkakaisa ang oposisyon.
Sa pahayag naman ni Senador Manny Villar na buo parin ang kanyang pasya na tumakbong pangulo sa darating na eleksyon. Ngunit aminado ang Senador na matinding katunggali si Senador Noynoy Aquino kung ikukumpara kay Senador Mar Roxas.
Photos: Edd Castro
POC Presents
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









