Lumalala ang krisis pang-ekonomiya at ang karaniwang nagiging ugat nito ay ang mga mamamayang kapos din ang pag-unawa sa pantay na karapatan. Bukod sa kaliwa’t kanang pangangapa upang umahon, talamak din sa ngayon ang paghahanap ng basbas ng makatarungang lipunan.
Sa ulat ng United Nations (http://www.undp.org/women/), anim sa sampung pinakamahirap na tao sa mundo ay mga babae, mababa pa sa labing anim na porsyento ang bilang ng mga kababaihang napabilang sa mga parliamento at kadalasang ang mga babae pa rin ang nasasadlak sa kapahamakan tuwing may kaguluhan. Kung susuriin ang kasalukuyang imahe ng ating lipunan, tanaw na tanaw natin ang ganitong kalakaran. Isang matibay na imahe man ang babeng pangulo at Ina ng Demokrasya, hindi maipagkakailang pilay pa rin estadistika ng mga kababaihang napagbibigyan ng sapat at pantay na kondisyon sa paggawa.
Dito sa Pilipinas, karaniwan na ang mga usaping may kinalaman sa sekswalidad- mapa-aspetong tomboy man o bakla. Dito madalas na nagkakasagupaaan ang samu’t saring opinyon at kuro-kuro ng mga nagtatanggol at nasasaktan. Demokratikong bansa ang Pilipinas, ngunit nanatiling laylay ang kalayaan ng mga kababayan nating napapabilang sa Third Sex.
Kung tutuusin, matagal na tayong nakikibaka sa pag-abot ng malayang lipunan. Sa mata ng mapanghusga at nagingilatis na bansa, alangan ang desisyon ng isang bisexual na maghayag ng kanyang totoong personalidad. HIV AIDS at mga video scandals- ang mga ito’y ilan lamang sa mga bagay na patuloy na nagpapalubog sa damdamin ng mahigit 800,000 na bakla sa Pilipinas.
Ito, at ang iba pang mga artikulo sa tabloid at magasin, ang siyang kasalukuyang lagay ng ating gobyerno sa hustisya. Ito ang imahe ng bansang Pilipinas na nag-aasam na makamit ang nakaatang na hamon ng Millenium Development Goals.
Kung iisipin, hindi pa rin hawak ng mga Pilipino ang lubos na kalayaan. Dahil hindi sa dayuhang mananakop tayo dapat na maging malaya, kundi sa atin mismong lipunan at bansa.#
Pinagkunan:- Background Photo-http://shannonrickey.files.wordpress.com/2007/05/20070221_blindfolded_11720971963930814051.jpg
- Info on Gender Equality-http://en.wikipedia.org/wiki/Gender_equality
Image used for contest purposes only. Copyright belongs to original source.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook











