Buhay Pinoy
Love Advice
Mortal sin ba ang maging mataba? | Mortal sin ba ang maging mataba? |
|
|
| Written by Sally Eugenio | |
| Thursday, 27 November 2008 | |
|
Kung may mga taong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig (ibig sabihin ay mayaman), ako ang taong ipinanganak na may nakasubong mansanas sa bibig (ibig sabihin ay matakaw). Makaamoy lang ako ng nilulutong pagkain ay tumataba na po ako. At dito nag-ugat, sa pagiging mashuba ko ang lahat ng aking problema. Super in love po ako kay Tonyo- si Tonyo na may katangiang tall, dark, handsome at hunk ever. Pamatay ang mga ngiti ni Tonyo, pwede na kong pabitay kinabukasan. Pero may dyowa na po si Tonyo na grabe ang kaseksihan, itsura ni Nicole Scherzinger (model ng clear shampoo na parang naghihingalo pag nagsalita). Todo po akong insecure sa kanya. Lalo ko tuloy nadarama ang aking kaapihan sa tuwing nakikita ko silang nilalanggam sa sobrang tamis at lagkit ng tingin sa isa't isa. Sobrang effort na po ang aking ginawa kung nais ninyong itanong. Sinubukan ko na po lahat ng klase ng diet: microbiotics, fit-for-life diet, after 6 diet, last-chance-diet, three-day-diet, protein only diet, South Beach diet pati na gyms at kung anu-anong kabaliwang diet programs pinatulan ko na. Patay-gutom na nga po ako. Pero eto pa rin po ako, ni hindi makapagsuot ng leggings sa lalaki ng pata ko. Lady S, ano po ba ang dapat kong gawin? Gusto ko po sanang i-try magpa- lipo suction pero di ko po yata kayang madantayan ng kutsilyo ang katawan ko. Tingin n'yo po ba, safe magpa-lipo? Mapapansin na kaya ako ni Tonyo my love pag lumiit na ang mukha, braso, bewang, tiyan, puson at mga hita ko? Tulong naman po bago ako tuluyang mabuang sa kaiisip kung pano ako iibigin ni Tonyo. - Desperada Ang pagiging mataba ng isang tao ay hindi kabawasan sa kanyang pagiging tao. Marami ka pang mga katangian na natatakpan lamang ng paghihinagpis mo sa iyong pagiging mataba. Sige nga, kasing seksi ka nga ni Christine Reyes eh wala namang laman ang ulo mo (kundi boys at gimik) e hindi ka rin aani ng respeto mula sa iba. Ineng, marami pa sa mundong ibabaw ang mga klase ng lalaking hindi tumitingin sa pisikal. May mga boylets na mas nahahalina sa mga babaing matatalas ang utak, may girl power at may mapagmahal na puso. Para sa kanila, yun ang talagang sexy. Ang alam ko, safe ang liposuction kung isang dalubhasang doktor ang mag-aalaga sa iyo. Pero hwag mo ring kalimutan na 100 porsiyento ng iyong tiwala ay ibibigay mo sa kanya. Kakayanin ba ng powers mo ang proseso ng pagpapa-lipo? Ang mga fat cells sa katawan ay dinudurog at hinihigop sa pamamagitan ng mga instrumento para ito ay maihiwalay sa balat ng mga muscles. May mga difficult area ng katawan na pwedeng nagkaroon na ng makakapal na taba sa paglipas ng panahon at depende sa iyong kalusugan kung kakayaning tanggalin lahat ito. At nais ko lamang ipaalam sa iyo na babalik din lahat ang tabang pina-delete mo kung babalik ka sa dati mong bisyo- pagkain. Dahil dalawa lamang ang underlying principles ng liposuction: diet and exercise. As long na ikaw ay malusog at hindi sakitin , wala akong makitang dahilan upang ikahiya mo ang iyong pangangatawan. At iyang si Tonyo, hayaan mo na sa dyowa niyang may diabetes (nilalanggam kamo). Makakahanap ka rin ng para sa iyo. Yung lalaking mag-e-enjoy yumakap sa tila unan sa lambot na katawan, at hindi niya hahayaang magtampo ito dahil baka daganan siya at mawalan ng malay tao. Ang ibig kong sabihin, focus more on the things that will help you developed your talent, your beauty and what you can do to help others. Tigilan mo na rin ang walang kwentang pagdidiyeta at baka kung mapaano ka pa. Sabi nga ng paborito kong si Kirstie Alley: " There's a lot more to life than how fat or thin you are." So... na-try mo na bang kumain sa Heavenly Chocolates sa Roces Avenue? Lady S (Photo: “Fat arse ” by Victius , c/o Flickr.com. Licensed under Creative Commons license number BY-NC-ND-2.0-DEED.EN. ) |
|
| Last Updated ( Thursday, 27 November 2008 ) |
| < Prev | Next > |
|---|
Mga pinay sa Adhari Park, Bahrain
| Kilig moments | Love Advice Dear lady S: Lihim po akong may pagtingin sa aking ka-opisinang babae. Itago na lamang natin siya sa initial na Ms. cry baby. Matagal ko nang napupusuan si cry baby pero may asungot po siya sa kanyang buhay- in short, may boyfriend na siya na tawagin na lamang nating si B. As in Bakulaw. Sa tuwing nakikita ko silang super ever sweet sa isa't isa, nagtatagis ang aking mga bagang, naghuhumiyaw sa poot ang aking dibdib at waring tinataga nang paulit-ulit ang aking puso. Actually, hindi po talaga sila bagay. Para silang beauty and the beast. At kung maaari nga lamang ba na isilid ko na lang si cry baby sa sako at iuwi ko na sa amin para malayo na siya kay big, ugly, bad bakulaw ay matagal ko nang ginawa. Lumalim ang pagtingin ko para kay cry baby to the point na minsan ay naiisip kong ipa-asassinate na lang si Bakulaw. Pero hindi naman po ako ganon kasamang tao. Nag-wi-wish na lang ako na sana ay hindi sila magtagal at mabaling sa akin ang pag-ibig ni cry baby. Minsan po, nang magkaroon ng activity sa aming opisina ay nagkaroon ng pagkakataong kami ay makapag-usap ni cry baby at eto ang heaven, Lady S... nag- picture taking at naramdaman ko ang mga palad ni cry baby na kumapit sa aking balikat. Grabe, para akong dinala sa ikapitong Langit (take note, dantay pa lang yun, ha!) Iyon ang pinaka-nakakakilig na moment sa aking buhay. Mabuti at hindi ako nawalan ng malay-tao sa nakababaliw na saya! Anyway... gusto ko pong hingin ang inyong payo kung okey lang kaya na ligawan ko si cry baby kahit may bakulaw na siya. Pero ang isa pa pong malaking problema ay nuknukan ako ng t-o-r-p-e! Makita ko pa lang ang isang hibla ng buhok ni cry baby, nawawala na ako sa aking sarili. Baka umurong ang aking dila o kaya ay mautal ako sa nerbyos kungsakaling magtatapat ako sa kanya! Help, Lady S. Mabubu-ang na yata ako sa ganito kahirap na sitwasyon. Paano ko ito ipagtatapat kay cry baby ang nilalaman ng aking puso? Sumasaiyo, P Read more... |