The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
May 24
Home Commentaries Eh kung kayo kaya mabaril?

Eh kung kayo kaya mabaril?

risa_hontiveros

Nagkaroon kami ng isang blogger event kasama si AKBAYAN Rep. Risa Hontiveros nung nakaraang Huwebes sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato. Nagulat talaga ako nung pumasok si Risa kasi grabe, ang tangkad niya pala! 5’6 pala height niya and hindi halata na tatlo na ang kanyang anak.

Marami kami napag-usapan nung gabing yun. Ngunit ang hindi ko makakalimutan ay nung ikwento niya sa amin na na-cut nanaman ang budget ng mga local na government hospitals. Talagang medyo tinamaan ako dito sapagka’t alam na alam ko kung gaano kasama ang kondisyon ng mga government hospital.

Nabaril na ako dati

Mga 3 years ago, nabaril ako. Hold-up yun sa isang internet café na kung saan ako naglalaro kasama ang aking girlfriend. Hindi ko na muna kwekwento lahat ng detalye pero nabaril ako mga 2-3 beses ng 45. Buti na lang at nabuhay pa ako. Hindi tumama yung bala sa puso ko o sa kahit anong importanteng organ ngunit nadaplisan nito ang baga ko kaya hirap na hirap ako huminga.

Sa kabutihang palad, nadala ako ng aking mga kaibigan at pamilya sa hospital. Ang pinakamalapit na hospital nun ay yung EAST AVENUE HOSPITAL. Nung una, tuwang-tuwa ako na nakaabot ako sa hospital, ngunit di ko lang pala alam na dun pa lang magsisimula ang tunay na impyerno.

Na-operahan ka na ba… ng walang anesthesia?

Ako, oo. Kailangan nila butasin ang baga ko at lagyan ng tube para higupin yung dugo dun. Kung di daw nila gawin, mag collapse daw ang aking lungs. Kumuha ng scalpel yung doctor at hiniwa ang aking tagiliran, kumuha ng forceps at binuka ang ribs ko, tapos binutas niya baga ko gamit daliri niya, at nilagyan niya ng tubo.

Oh… did I mention he did all of that without anesthesia?

Oo, masakit. Sobra.

Pagkatapos gawin yung operasyo na yun, kinailangan pa isara ang mga sugat ko. Yung mga butas na naiwan ng mga bala ng baril. Wala rin anesthesia tinahi ng nurse yung mga sugat ko.

Oo, masakit din.

Pero alam mo ano mas masakit? Ng malaman ko na ang mga hinayupak na Congressman na yan ay binabawasan pa pala budget ng mga hospital katulad ng EAST AVENUE hospital. Anak ng tipaklong. Eto tanong ko sa inyo, dear memers of congress…

Eh kung kayo kaya mabaril at dalhin naming kayo sa East Avenue?

Sinabi ng isa kong teacher dati sa Philo na magandang idea ay gawin batas na lahat ng anak ng mga politicians ay dapat enroll sa public schools and magpagamot lamang sa mga public hospital.

Huwag na natin idamay yung mga bata, pero yung sa hospital, dapat i-apply sa mga government officials ng makita nila gaano kahirap dun at dapat imbes na bawasan ang budget ay dagdagan pa nila!

Nagbabayad ako ng buwis, 30% yan ng sweldo ko. Tapos pag pupunta ako GOVERNMENT HOSPITAL WALANG ANESTHESIA? Grabe naman. Garapal na yan. Eh kung binawasan pa pala ng budget, baka naman next year recycled na mga needles nila dun?

Photo by author . Some rights reserved.


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Dear Noynoy

The People have spoken and they chose you to lead this battered ship of State. Nine years of sailing through rough seas and here we find ourselves picking up the pieces of wreckage. You say you are up to the challenge. You say you are ready. Dare we believe in your truths?... read more


The promises of Benigno Simeon Aquino III

The promises made by Noynoy Aquino from the time he was running as a candidate to the time of his oath taking as 15th president of the Republic of the Philippines was compiled by ang_mungo. The fact that these all came from his own mouth makes it better than those put together by his staff... read more

Blog Watch Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer
Last month May 2012 Next month
S M T W T F S
week 18 1 2 3 4 5
week 19 6 7 8 9 10 11 12
week 20 13 14 15 16 17 18 19
week 21 20 21 22 23 24 25 26
week 22 27 28 29 30 31

Connect with Blog Watch

Blog Watch Poll

Are you ready for the 2010 polls?
 

Blog Watch Comments

Blog Watch presidential talks