The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
May 24
Home Commentaries Gusto ko maging printer ng tarpaulin

Gusto ko maging printer ng tarpaulin

TarpaulinHabang nagmamaneho kanina sa Quezon City, di ko mabilang ilang beses ko nakita yung mga tarpaulin ng isang katerbang mga pulitiko na tatakbo sa darating na lokal na eleksyon sa 2010. Iba't ibang mensahe ang mga nakalagay sa mga tarpaulin nila. Meron mga nagsasabi na "REGISTER AND VOTE" tapos meron din nagsasabi na "LIBRENG TRABAHO", or kaya't "BE SAFE". Parang masarap na negosyo mag print ng tarpaulin noh?

Dahil sa pangarap ko maging isang "Tarpaulin Printer", nag research ako kung magkano ba yung mga lintek na yan. Sabi ni kompareng Google, nasa P15 per square meter usually daw ang cost ng mga tarpaulin. Ipagpalagay na natin na naglalaro sa presyong P80-P100 yung mga tarpaulin na ginagamit ng mga pulitiko sa QC.

Ngunit di lang cost ng tarpaulin ang usapan dito. Mukhang magandang negosyo din yung tiga-install ng mga ganyan sa mga lamp posts! Magkano kaya yun noh? Parang di ko maisip sa ngayon pero malamang malaki-laki din kita dun.

Sa personal na bilang ko lang kanina mula Kalayaan avenue papuntang Kamuning hangang San Juan, nakakita ako ng mahigit na 50 tarpaulin. Kadamihan nito ay galing sa mga kapartido ni QC Mayor Sonny Belmonte. Yung pinakamadami kong nakita ay yung mga tarpaulin ng anak niya na si Joy Belmonte na tatakbo daw bilang Vice Mayor ng QC. Meron din mga tarpaulin yung dating pet puppy ni President Arroyo - si Mike Defensor. Pakiramdam ko tatakbong Mayor yun ng QC. Lalaban siya kay Herbert Bistek Bautista.

Anywayz, may naisip lang ako. Sino kaya nagbabayad sa mga tarpaulin na yun? Sa mga nabasa ko kasi kanina na mensahe, puro mga job programs ang theme ng mga ads... ngunit 80% ng ad ay pangalan at mukha nung mga pulitiko. Kung official program yan ng QC, eh di pera pala ng sambayanan ang pumupondo diyan.

In other words, yung withholding tax po na inaawas sa sweldo ninyo kada payroll. Oo... yung napakasakit na 20%-30% na nawawala. Yan ang nagpopondo sa mga lintek na tarpaulin na yan.

Ayaw ko na maging printer ng tarpaulin

More tarpaulinsNgayon na napag-isipan ko na ng mabuti, parang ayaw ko na maging printer ng tarpaulin. Sigurado ako milyones ang ginagastos  ng mga pulitiko na yan, pero mabuti sana kung pera nila ang ginagamit nila. Ngunit ang katotohanan dito ay yung mga tarpaulin na yan na nagyayabang ng mga programa nila ay napopondohan ng buwis ng taong bayan.

Buwis na sana ay pinambili ko na lang ng pagakin. O kaya't naitabi para sa kasal ko, o kaya sa tuition fee ng magiging anak ko. Pero imbes na maipon ko ito, napupunta sa pag gawa ng tarpaulin na nagsasabi na meron job fair. Mabuti sana ay kung mabasa pa yung mensahe nung tarpaulin... wala na nga ako makita kungdi yung mukha at pangalan eh. Hay buhay nga naman talaga noh?

Gusto ko maging Congressman

Gusto ko maging Congressman. Isa lang ang ipapasa kong batas. Kung gagamit man ng pera ng taong bayan para gumawa ng mga hinayupak na tarpaulin na yan, pagbabawalin ko lagyan ng mga project of mayor blah blah or congressman blah blah.

Ang ilalagay ko dun, handog ng buwis ng taong bayan.

Politics and politicians are temporary but taxes are forever. Don't credit the politician, credit the tax-payers.

Photos by author. Some rights reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

L.A. 09 November 09, 02:08 PM
Great! Sa mga pulitikong nasa Davao na gustong tumakbo sa Mayo, contact nyo lang ako kung gusto nyo magpagawa ng tarp samen. May libre pa kayong dimples.
Lhing 12 November 09, 04:08 AM
Great! too
LT 09 November 09, 02:09 PM
am from QC. wasto yung article, sobrang dami ng tarp na nakakalat. pareho po yung kaso dito sa binan laguna, ang lalaki ng mga tarp. pati yung mga wala na sa gobyerno, may billboards pa. at da best si cong. dan fernanadez. lahat ng overpass walkways meron chrome lettering ng pangalan niya. hindi ba niya trabaho yung paggawa ng public works? saan nanggaling yung pambayad ng bakal?
'Wag Iboto 10 November 09, 02:49 PM
Hey, can I borrow your pictures for the Wag Iboto tumblr blog?
wagiboto.tumblr.com
webmasterphi 13 November 09, 12:54 AM
hello... hehehe... most of the politician have their own taurpaulin printer na binibigay ng mga co-politician nila or sometimes mga supporters nila... kasi diba what is 100k kung manalo naman diba...
ERIC PALADIN 30 January 10, 06:59 PM
DITO DIN SA BICOL ALBAY MAY CONGRESSMAN DAMI NYA PROJECT KAYA KANG TARPAULIN ANG LAMAN GREETINGS SA FIESTA SA MGA BARANGAY. ANG NAKAKATUWA PA MAYRON DN SYANG TARPAULIN SAYING MOST OUTSTANDING CNGRESSMAN IN THE PHILIPPINES. ANO BA YUNG CRITERIA PARA MAGING OUTSTANDING ANG ISANG CONGRESSMAN. BAKA HINDI NAMAN OUTSTANDING YAN PALAGAY NAMIN STANDING OITSIDE THE CONGRESS DI OUTSATNDING CONGRESSMAN..
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Dear Noynoy

The People have spoken and they chose you to lead this battered ship of State. Nine years of sailing through rough seas and here we find ourselves picking up the pieces of wreckage. You say you are up to the challenge. You say you are ready. Dare we believe in your truths?... read more


The promises of Benigno Simeon Aquino III

The promises made by Noynoy Aquino from the time he was running as a candidate to the time of his oath taking as 15th president of the Republic of the Philippines was compiled by ang_mungo. The fact that these all came from his own mouth makes it better than those put together by his staff... read more

Blog Watch Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer
Last month May 2012 Next month
S M T W T F S
week 18 1 2 3 4 5
week 19 6 7 8 9 10 11 12
week 20 13 14 15 16 17 18 19
week 21 20 21 22 23 24 25 26
week 22 27 28 29 30 31

Connect with Blog Watch

Blog Watch Poll

Are you ready for the 2010 polls?
 

Blog Watch Comments

Blog Watch presidential talks