The Philippine Online Chronicles

Wednesday
Mar 10
Home Commentaries Ano na Chiz?

Ano na Chiz?

Chiz EscuderoEto na siguro ang tinatanong ng maraming tao ngayon. Ano na Chiz? Pagkatapos mo iwan yung partido mo, ano na gagawin mo? Kaya yan ang isa sa mga pinaka-unang tanong namin nung nakaraang blogger session sa kanya na ginanap sa Annabelle's Restaurant sa Tomas Morato nung November 7, 2009.  Ngunit imbes na maliwanagan, mas lalo pa kami naguluhan!

Ano na ba talaga plano? Presidente, Bise-Presidente, mag endorse ng ibang kandidato, o tama na? Yan ang mga pwedeng gawin ni Senador Chiz. Sa kanyang paliwanag sa amin, wala pa talagang sigurado ngayon. Di pa talaga niya alam kung ano ang gusto niya gawin. Gusto pa rin daw niya maging Presidente, pero di pa talaga niya alam kung sa 2010 ba or baka naman sa 2016 o 2022.  Kung iisipin mo nga naman, bata pa talaga 'tong si Chiz. 40 pa lang siya ngayon. Sabihin natin sa 2016 siya tumakbo, 46 pa lang siya nun. Kung sa 2022 naman, 52 pa lang siya. Mahaba haba pa ang pwedeng maging panahon ng kanyang career sa politics.

Sa tanong na kung gusto niya maging Bise Presidente, malinaw na malabo na niya ito gagawin. Hindi siya pwede sa Liberal Party, dahil nandun na si Senador Mar Roxas. Inamin niya rin sa amin na di siya pwede sa partido ni former President Estrada dahil nandun na rin si Binay. Mas malabo naman na makita natin si Chiz na running mate ni Villar o ni Gibo.

Kung hindi President o Bise Presidente, ano pa kaya pwede niya gawin? Pwede kaya manahimik na lang siya? Ayon kay Chiz, pwedeng pwede naman daw na wag na siya tumakbo sa 2010 at manood na lang sa mga pangyayari. Noong unang blogger event nga namin sa kanya dati pa, sinabi niya sa amin na pag natalo siya sa pagtakbo ng Presidente sa 2010, titigil na siya sa politics. Mag reretire na lang daw siya at mag nenegosyo or mag pra-practice ng law.

Ang isa pang pwede niya gawin ay mag declara ng support para sa ibang Presidentiable. Nung tinanong ko nga siya kung may posibilidad ba na suportahan niya na lang si Senador Noynoy Aquino ng Liberal Party, ang kanyang sagot ay "Headed towards that direction..." o papunta na daw siya dun. Eto, panoorin nyo 'tong video ng interview ko sa kanya.

 

Wow... kapag mangyari nga ito na i-endorse niya si Noynoy, siguradong mas kakabahan ang mga grupo nila Senator Villar, President Estrada, and Sec. Gilbert Teodoro. Hawak ni Chiz ang boto ng kabataan at magandang percentage ng opposition vote. Kapag nalipat niya ito kay Noynoy, talagang malaking bagay yun.

So ano na ba talaga Chiz? Parang mas lalo pa talaga kami naguluhan, hehe.

Ayon kay Chiz, makakapag desisyon siya "internally" pagdating ng November 15. 2009. Pakiramdam ko mayroon na 'tong plano, di lang niya sinasabi kasi baka may sinisigurado pa siya.

Isa lang ang masasabi ko... kung meron mang sigurado sa pulitika ng Pilipinas, yun ay ang katotohanan na wala talagang sigurado. Andami pa pwedeng mangyari sa mga darating na araw.

Photo by Noemi Lardizabal-Dado. Some rights reserved.

Video by author.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Pinay Mommy 08 November 09, 08:28 AM
Yan din tanong ko sa kanya. Ano ba talaga? President or Vice-President? So abangan na lang natin ang susunod na kabanata sa November 15? Laban pa naman yun ni Pacquiao. Hehehe :D
Marissa 08 November 09, 08:36 AM
The longer he doesn't decide, the more people will write him off for 2010.
n_dado 08 November 09, 09:20 AM
That's the feedback I got from some of my friends who found out about our interview. They are saying "parang he is taking too long to decide" and people are getting turned off. Another also said he seems the smartest among the lot so he may have a good chance
ikogsakanding 08 November 09, 10:04 AM
anu ba talaga chiz... dami ng na disappoint sayo..... :)


http://www.blogfornoob.com
mdeleon 09 November 09, 11:08 AM
i dont think he should run for any of the two highest positions. although i think he is smart, i am not very impressed. i think he is all full of rhetoric. pang-balagtasan lang lagi yung speeches niya. kesyo hindi dapat "tied" sa isang partido lang kung ang totoong partido ay ang taong bayan. he's fishing for emotional support. masang- masa. he got that from erap and fpj, i bet.
bryner 11 December 09, 11:47 AM
Bakit mo iniwan si Loren at ang NPC? hindi mo ba matanggap na mas maraming nagawang proyekto sayo si Loren Legarda? e2 ung mga advocacy ni Senator Loren Legarda...
http://xander56.wordpress.com/2009/12/02/advocacies-of-senator-loren-legarda/
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

How to Vote in An Automated Election

Voters might be intimidated by the fancy technology used for the 2010 Presidential elections. Hopefully, this quick guide on the automated elections will make the procedure less confusing. read more...

Blog Watch Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer
Last month March 2010 Next month
S M T W T F S
week 9 1 2 3 4 5 6
week 10 7 8 9 10 11 12 13
week 11 14 15 16 17 18 19 20
week 12 21 22 23 24 25 26 27
week 13 28 29 30 31

Connect with Blog Watch

Blog Watch Comments

Blog Watch presidential talks