The Philippine Online Chronicles

Friday
Mar 12
Home Buhay Pinoy Love Advice Buti pa ang 'Safeguard,' may konsensya (unang bahagi)

Buti pa ang 'Safeguard,' may konsensya (unang bahagi)

first_loveDear Lady S:

Sumulat po ako sa inyo dahil nais kong humingi ng payo tungkol sa aking suliranin. Nagtatrabaho po ako sa malayong bansa (di ko na po sasabihin kung saan at baka manganib ang aking katayuan), may-asawa at anak. Ang bumabagabag po sa akin ay ang tungkol sa aking girlfriend na iniwan ko sa Pilipinas.

May pamilya din siya. Actually, childhood friend ko siya and we grew up together. Noon pa man ay malaki na ang aking crush sa kanya pero di po niya ako pinapansin. Lumipat po sila ng tirahan noong college na kami kaya wala na akong naging balita sa kanya. Sa Facebook kami muling nagkatagpo hanggang sa mula noon, nagpapalitan na kami ng mga emails, text at paminsan-minsan ay nagtatawagan na rin sa telepono. Sobra akong naging excited dahil ang babaing ito ang siyang unang-unang nagpatibok ng aking puso. Para pa ngang ikinasiya ko ng aking malaman na hindi naging successful ang kanyang married life.

Umuwi ako ng Pilipinas noong 2008 at makalipas ang halos 30 yrs, muli kaming nagkita. Actually, sa aming pagsusulatan at text ay tila nagkakahulugan na kami ng loob hanggang sa maramdaman kong gaya ko ay may pagkakagusto na rin siya sa akin. Noong una ay nararamdaman kong pinipigilan niya ang kanyang damdamin ngunit kinalaunan, napaamin ko rin siya sa totoong nararamdaman niya para sa akin. Isang bagay pa, kyut pa rin siya. At... gusto ko pa rin sa kabila ng mahabang panahon na aming ipinagkalayo.

Lady S... naging masaya kami sa aming patagong relasyon. Alam kong mahirap ang long distance affair pero we tried to work it out. Naging very intimate ang aming naging pagkikita na sinundan ng muli kong pagbabalik sa Pilipinas noong 2009. Alam kong nahihirapan siya sa ganitong set-up pero dahil mahal niya ako ay kinaya niya ang lungkot ng aming sitwasyon. Wala siyang demands. Masaya na raw siya kahit malinaw ang boundaries na nakapagitan sa amin.Isang beses sa loob lamang ng isang taon kami kung magkita sa halos tatatlong oras lamang. Selosang masyado ang aking asawa at gwardiyado ako kaya hindi ako makatakas upang makipagkita sa kanya.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nanlamig ako sa kanya. Marahil ay dahil nga masyado kaming malayo sa isa't isa at kapwa kami abala sa aming mga trabaho. Dumalang ang aming sulatan na naging dahilan upang tanungin niya ako ng diretso kung nasaan na ba siya sa puso ko. Unti-unti, sinikap ko siyang iwasan. Lahat ng tawag ,text at sulat niya ay hindi ko sinagot. Hanggang sa tapatin ko siya through a text message na I am losing interest in her. Sa text message ko na lamang ipinaabot sa kanya na gusto ko nang tapusin ang aming relasyon. Sabi ko, nakukunsensiya na ako dahil niloloko ko ang aking pamilya.

Wala siyang isinumbat sa akin. Ngunit damang-dama ko sa huling mensahe niya ang bigat ng aking desisyong makipaghiwalay na sa kanya. Umiyak siya. Alam kong labis-labis ko siyang nasaktan. Ang inaalala ko ay baka kung ano ang gawin niya. Uuwi ako sa Pilipinas sa susunod na buwan at iniisip ko kung kaya ko ba siyang harapin.

Payuhan mo ako, Lady S. Dapat ba o hindi na dapat na makipagkita pa ako sa kanya?

 

Nagmamahal,

Vhoy

 

Sa susunod, ang payo ni Lady S sa problema ni Vhoy. Abangan!

 

Photo: “first love/ last love” by Emily Martin, c/o Flickr. Some Rights Reserved

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

thecoffeegoddess 12 February 10, 02:36 PM
ganyan? naku Lady S, aabangan ko ang payo mo kay vhoy-vavhoy!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message:

 

Book Blockade

What is the Book Blockade?

 

(A)H1N1 Pandemic

Influenza A (H1N1) is a highly infectious disease caused by a virus which mutated out of four different strains of the influenza A virus found in pigs, human and birds. The outbreak began in Mexico in April 2009, spreading across the Americas and Asia in a matter of months. Due to its unprecedented spread across the globe, the H1N1 outbreak was declared a global pandemic by the World Health Organization in June 2009. Although most who contract the disease recover immediately, doctors have warned that the virus strain may still evolve into a more virulent form, causing wide-scale fatalities as in the case of the Spanish flu in 1918, or the Hong Kong flu in 1968. The first case of H1N1 in the Philippines was on May 18, 2009. By June, the country reported its first H1N1 fatality. Despite efforts by the Department of Health to slow the spread of the disease, the infected in the Philippines now number in the thousands. Although most recover without complications, the DOH has projected that up to a quarter of the country's 90 million people might become infected. Read more at WikiPilipinas

 

Brillante Mendoza

Best director awardee in Cannes 2009