Karamihan sa mga nominado sa 32nd Gawad Urian ay mga independently produced movies o indie films. Ang Awarding ay ginanap last September 19 sa Tanghalang Aurelio Tolentino ng Cultural Center of the Philippines.
Nanalong Best Actor si Ronnie, masayang-masaya siya dahil ito ang unang award niya sa Urian. Nag-deliver siya ng kanyang speech sa kalahating tagalog at kalahating ilonggo.
Best Actress naman si MYLENE DIZON sa pelikulang 100. Sa pagtanggap ni Mylene ng award ay pinasalamatan niya ang writer-director ng pelikula na si Chris Martinez kung saan kasama pa ni Mylene ang anak nila ni PAOLO PARAISO.
Napanalunan ng pelikulang Serbis (ng Centerstage Production, Inc.) ang pinakamataas na parangal bilang Pinakamahusay na Pelikula. Kwento ito ng disfunctional family na nag-o-operate ng isang rundown “porno” sa isang bayan sa Pampanga.
Hindi naman natanggap nang personal ni Direk BRILLANTE MENDOZA ang kanyang award bilang Pinakamahusay na Direktor sa pelikulang Serbis dahil nasa San Pablo Brazil ito para sa isang screening ng kanyang pelikula at para rin magsilbing hurado sa ginanap na filmfest doon.
Best Supporting Actor ang nakuha ni COCO MARTIN sa pelikulang Jay pero hindi ito nakadalo. Ito ang kauna-unahang award na napanalunan ni Coco (as best supporting actor) sa Urian. Ang manunuri member na si BUTCH FRANCISCO at BOOTS ANSON-ROA ang tumanggap ng award ni Coco. Sa kabuuan, tatlong award ang napanalunan ng pelikulang Jay.
Tinalo naman ng new comer na si ALEERA MONTALLA bilang Best Supporting Actress si Boots Anson Roa para sa pelikulang Yanggaw kung saan gumanap siyang isang aswang.
Lifetime Achievement Award ang iginawad sa multi-awarded director and former production designer, actor and writer producer na si PEQUE GALLAGA.
Halos walang nakalimutan si Direk Peque sa kanyang speech, ang mga artista, technical staff at sa productions.Matapos ang speech ni Direk Peque ay nag-comment si Boots Anson-Roa ng “Sa lahat ng ‘Peque’, si Direk Gallaga ang totoo.”
Photo: Ronnie Lazaro wins Best Actor award for his performance in Yanggaw. By Jerry Digo and Zoren Sunga, licensed under cc-by-nc-sa-3.0-Philippines.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









