Dulot ng kabi-kabilang protesta laban sa budget cuts ng mga planking students kamakailan, nagdonate ng isang milyong US dollars (halos 50 milyong piso) si pangulong P-Noycchio para sa mga nasalanta ng tsunami at lindol sa bansang Hapon.
Ang dambuhalang tsunami, na kumitil ng libo-libong buhay at kamuntikan nang nilagay ang Hapon sa nuclear crisis, ay nangyari noong Marso 11, 2011. Ayon kay P-Noycchio, ang donasyon ay para matulungan ang mga mamamayang Hapon para makaahon mula sa krisis dulot nito.
“Ito ang susi sa daang matuwid, ang matulungan at maiahon kayo sa kahirapan. Kaya puspusan ang aming paghalungkat sa mga kasalanan at katiwalian ng nakaraang administrasyon upang mas lalo namin kayong matulungan,” ani P-Noycchio.
Matatandaang binalak mag-abuloy ni P-Noycchio ng 14 na milyong dolyar (halos 630 milyong piso) sa Hapon nung Marso ngunit kebs lang dito ang pamahalaang Hapon.
Bilang tugon, nagngalit at nagrali ang daan-daang mga lola sa Maria Ozawa, este, Maria Orosa St. sa Maynila.
Angal ng mga lola, na umano'y ginawang parausan ng mga sundalong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bakit ang Pilipinas pa ang nagdodonate sa bansang dating wumalanghiya sa kanilang pagkababae samantalang di pa nagbabayad at umaamin ang bansang Hapon sa kanilang krimen.
“Ang gara ni P-Noycchio ah, kinalimutan na kami, eh isa kami sa mga boss niya. Parang wala siyang pinagtandaan. Hindi na funny yan,” anang isang lola, na tumutugon sa pangalang Tandang Sora Sawi.
Pinangunahan ni Lola Sawi ang mga tinaguriang “comfort women” sa isang mass planking na syang nagdulot ng katakot-takot na trapik sa may bandang Luneta at Roundtable. Ani Lola Sawi, ang mass planking ay simbolismo ng pagkamatay ng kanilang mga asawa at anak na gerilya nung Death March.
Sinamahan naman ng mga estudyanteng hipster ang mga nag-planking na lola upang kuhanan sila gamit ang kanilang DSLR.
“You know what guys, it's like, uhm, these lolas are cool, they do planking like that,” komento ng isang estudyanteng hipster na nanggaling pang Cubao para masaksihan ang rali.
Depensa naman ni presidential spooks-person Abi-Fail Baltik, hindi dapat minamasama ang anumang kabutihang ninanais ng gobyerno.
“Nangako naman ang Japan na kapag nilusob ng Tsina ang Spratlys eh ido-donate nila si Daimos,” ani Baltik.
Disclaimer: This article contains half-truths and whole lies. For actual news, click here.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









