The Philippine Online Chronicles

The POC
Tuesday
May 22
Home 10 for 2010 News Senador Noynoy Aquino dumarami ang suporta

Senador Noynoy Aquino dumarami ang suporta

atty.lacson.jpegSumugod kahapon ang samahan Tuloy pNOY na pinangungunahan ni Atty. Alex Lacson kasama ng Kubol Pagasa na kinatawan nina University of the Philippines Professor Ruby Alcantara at Francisco Alcuaz sa Times Street. Quezon City sa bahay ng mga Aquino. Bitbit ang kanilang mga liham na nagsasaad ng kanilang panghihikayat kay Senador Benigno "Noynoy"Aquino upang kumandidato bilang pangulo sa darating na eleksyon sa 2010,.

 

Naniniwala ang samahan na bilang anak ng dating tanyag na senador Ninoy Aquino at Pangulong Corazon Aquino, nararapat lamang na ipagpatuloy nito ang nasimulan ng kaniyang mga magulang, alam ng samahan na nasa kaniya ang suporta ng sambayanang Pilipino dahil sa iniwang demokrasya at dagdag pa dito ang kabayanihan ng kaniyang mga magulang.

Ayon sa kanilang nilabas na pahayag, si Senador Aquino lamang ang tanging may kakahayang maupo bilang pangulo ng bansa dahil sa walang bahid ito ng korapsyon at walang anumang kaso na kinakaharap hinggil sa isyu ng kanyang panunungkulan. Nakikita di umano ng samahan ang simpleng pagkakatao ng senador: hindi manginginom, hindi nagpayaman, at higit sa lahat hindi babaero. Nakahandang mag ambag-ambag ang nasabing samahan at mangalap ng salapi upang ipangtustos sa pangangampanya ng senador, katulad ng ginawa ni Don. Chino Roses na nangalap ng isang milyong pirma at piso para sa kampanya ng dating Pang.Cory Aquino.Kaya't hamon ng samahan sa Senador "Tumaya ka na, tataya kami, hindi ka mag-iisa." Babala rin ng samahan na huwag itong tatanggap ng suporta sa malalaking kompanya at personalidad upang wala itong tanawing utang na loob na pangkaraniwang nangyayari sa kasaysayan ng politika ng bansa.
         
Nanawagan rin sila sa bansa' partikular sa mga nasa probinsya na sulatan si Noynoy at himukin rin na magdesisyon na tumakbo bilang pangulo ng bansa. Ang kanilang liham ay maaring ipadala sa address na no. 25 Times St. Quezon City.Mayroon ding drum sa harap ng bahay kung saan maaring ihulog ang kanilang mga liham. atty._alex_and_noy.jpeg


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Matapos ang maikling programa sa labas ng tahanan ng mga Aquino, agad naman silang pinaunlakan ni Ninoy sa loob ng kaniyang tahanan upang pormal na makausap at magpasalamat sa kanilang suporta at pagmamahal. Ngunit gaya ng inaasahang wala narinig na desisyun sa senador. Aniya, susunod sya sa magiging desisyon ng Partido Liberal at ihahayag ang magiging desisyon kung sino sa kanila ang tatakbong presidente at bise-presidente.


Binaggit naman ng senador na bilib siya sa kakayahan ng kapartidong si  Senador Mar Roxas, sa kaniyang paningin ay lubos ang kakayahan ni Roxas upang tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Nag kumento naman si Fr. Joe Dizon na Bagong Alyansang Makabayan, na dapat na malaman ng sambayanan na si Senador Noynoy Aquino ay hindi sumuporta sa batas na nagsasaad ng pagpapalawig pa ng Reporma sa Lupa o CARPER Law.


Photos: EddCastro
 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

marl 02 December 09, 09:32 PM
pano ni noynoy aquino panguluhan ang buong pilipinas na di nya nasolve ang kaso sa Hacienda Luisita...wala din syang bill na nagpapatunay na dakila sya.. o bill para sa mahihirap...ginamit nya lang ANG POPULARITY si cory at ninoy..kung buahay pa sana si cory...awatin sya niyan kaya minulto si kris...

sana nag isip isip pa sya..sana di na sya tumakbo at taga bantay lang lang demokrasya dahil wala pa siyang napapatunayan na galing...
SAKIM DIN SYA SA PUWESTO..NAGPAUTO SA trapong MAR ROXAS..AT NAGPADIKTA SA MAYAYAMAN.. DI NA DAKILA ANG KANYAN DUGO.. DUGONG TRAPO NA..
JOEMZ 02 December 09, 09:38 PM
ginagamit lang sya ng ABS CBN at mga tsinoy na business man..

sino ba sa likod nya TRAPO din.. hay naku..

may narinig po ako na allegedly si Danding ang PUMATAY daw sa TATAY nya kaya di madakip dahil takot silang masira ang pangalan ng mag CUangco.. kawawa si marcos kung sila ang sinabing utak sa pagpatay nba halos 25 years na...ay naku....
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

10 for 2010 Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

10 for 2010 FAQs

What is 10 for 2010?
Click here for more info